“D*mn! I can’t take it anymore.” Nag-iigtingan ang panga ni Logan habang mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang sariling silid. Habang naglalakad ay inalis na niya ang suot na jacket dala nang matinding pag-iinit ng katawan. “Hell! This isn't happening,” mariin niyang wika sabay lapit sa night table.
Marahas niyang hinila ang drawer. Tumambad sa kaniya ang hilera ng puting botelya. Sa tinagal-tagal na, hindi akalain ni Logan na kakailanganin niya ang bagay na iyon. Hindi sa ganitong pagkakataon. Hindi sa ganitong dahilan.
Puno ng desperasyon na kumuha siya ng isang botelya at binuksan iyon. Naghuho siya ng ilang pirasong puting tabletas bago sunod-sunod na isinubo ang mga tabletas. Nahihirapan siyang lunukin lahat kaya nagmamadali siyang tumakbo patungo sa bathroom. Mula sa gripo ng lavatory ay sunod-sunod na lumagok siya ng tubig. Naghilamos na siya at kulang na lang ay doon na maligo.
Subalit kahit anong gawin niya ay hindi maibsan ang nararamdaman.
Hindi na maintindihan ni Logan ang gagawin. Nararamdaman na niya ang mga senyales. Napakabilis ng t***k ng puso niya. Mas rin tumitindi ang pag-iinit ng katawan niya. May mga bahaging ng balat niya ang gusto niyang punitin dahil sa sobrang pangangati. At higit sa lahat, nagsisimula na siyang mahirapang huminga.
“D*mn! Make it stop!” sigaw niya habang nakatukod ang dalawang kamay sa gilid ng lavatory. Nagsisimula na ring mag-iba ang paningin niya. It’s getting distorted.
Naghilamos muli siya. Sunod-sunod na para bang doon nakadepende ang buhay niya roon.
Ipinilig niya ng sunod-sunod ang ulo pero walang silbi. Hindi niya kayang palisin ang nararamdaman. Bumigay na ang pagkakahawak niya sa sink at napaupo na siya sa sahig ng bathroom. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang lahat. All he wanted was to see her happy.
Just one bite... Just one bite and it would take everything he worked for.
Logan's breathing became more rugged and harsh. Once again, he tried to get up. Nangunyapit siya sa gilid ng sink hanggang makatayo sa kabila nang panginginig ng tuhod. Nang mapatingin siya sa salamin ay lalong tumagis ang baga niya. Namumula ang mukha at leeg niya, gayundin ang mga braso niya. Inalis niya ang pang-itaas at lumitaw ang matipuno niyang katawan na tadtad ng mapupula at nalalakihang mga pantal.
Nasa ganoon siyang sitwasyon nang humahangos na pumasok ng bathroom si Slick.
“Sir!”
“Did you call Caleb?” Sa kabila nang panghihinang nararamdaman ay nagawa pa rin niyang itanong kay Slick.
“Yes, Sir! Pero kailangan na kitang dalahin sa hospital.”
“No. I can still ge—ahhhh!” sigaw ni Logan. Napaluhod pa ito habang sapo ang dibdib.
Kaagad nilapitan ito ni Slick. “Hindi na natin mahihintay si Sir Caleb. We have to get moving!" Inilagay ni Slick ang isang braso ni Logan sa may balikat niya at inalalayan itong makatayo.
Gustuhin man ni Logan na tumanggi, wala na siyang magagawa. His body was a traitor one.
Sa kabila ng bigat ni Logan ay nagawa ni Slick na alalayan itong makalabas ng bathroom, ng kwarto hanggang sa makalabas ng bahay.
Nasa labas na sila ng bahay nang makita niyang parating ang kaibigang doctor ng amo.
“What happened?”
“I don’t know, Sir. Pinatawagan ka lang niya sa akin at ganito na siya nang abutan ko. He took some of his pills.”
Mabilis na tiningnan ni Caleb ang mukha ni Logan na ngayon ay nanlulupaypay na. “What the heck?” Caleb hissed. “Let’s bring him to the car.”
Magkatulong na isinakay ni Slick at Caleb ang unti-unting nawawalan ng malay na si Logan.
“Drive my car and I’ll stay with him,” utos ni Caleb na sumakay rin sa backseat kung nasaan si Logan. Sinimulan nitong tingnan ang mata at bibig ng binata.
Hindi tumugon si Slick pero maagap ang naging pagkilos na sumakay sa driver’s seat. Sa mabilis na paraan ay nai-maniobra niya ang kotse at nagmaneho nang mas matulin patungo sa hospital.
*****
Tahimik na nakatayo si Slick sa labas ng emergency room. Nakapako ang mga mata niya sa pintuan ng silid. Wala pang isang oras na nakakapasok roon si Caleb kasama si Logan pero hindi na siya mapakali.
Twenty-nine minutes and thirty-seconds to be exact.
Bilang na bilang niya ang bawat segundong dumadaan.
Handa na siyang humakbang papasok sa loob ng silid ay siya namang paglabas ni Caleb. Bukod sa pagiging personal na doctor ay matalik na kaibigan ito ng kaniyang amo. Nang tawagan siya ni Logan na papuntahin ng bahay si Caleb ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, tinawagan niya kaagad ito. Ang labis lang niyang ipinagtataka ay bakit siya ang inutusan ng amo.
“That’s one hell of a fight.” Ito ang salubong sa kaniya ni Caleb habang inaalis ang gloves na suot. Hindi na ito nakapagpalit ng damit sa pag-iintindi sa kaibigan. Wala na ang jacket nitong suot kanina pero ang t-shirt at pants ay iyon pa rin.
“Kumusta si Sir?”
Ngumiti si Caleb kaya bahagyang nakahinga nang maluwag si Slick kahit na wala pa itong tugon. “He’s fine. Good thing he managed to drink his meds. Binigyan na rin namin siya ng dagdag na gamot. Kung nahuli-huli pa tayo, it will be hard to reverse his anaphylaxis.” Napailing-iling si Caleb na para bang hindi nito makayang isipin ang posibleng mangyari.
“So, it’s because of his allergy?”
Tumango si Caleb. “Perhaps he ate something na hindi dapat. Base sa reaksyon ng katawan niya, kanina pa iyon at nasimula nang ma-ingest ng katawan niya. The thing is, hindi niya agad naiinom ng gamot.” Makahulugang sinulyapan ni Caleb si Slick. “Logan is not stupid para kumain ng mga pagkaing alam niyang pwede niyang ikamatay. Kung hindi kayo magkasama kanina, who do you think will do this?”
Ang alam ni Slick ay lumabas si Logan kasama si Miss Eila. Sinadya nitong hindi siya isama para magkaroon nang panahon ang mga itong mag-usap. But after two hours, tumawag ito na papuntahin si Caleb sa bahay. Inuutusan siya nito ng maraming bagay. However, calling his friend was a different thing.
Hindi pa siya sigurado pero tila alam niya na kung anong dahilan.
“Aalamin ko po, Sir.” Iyon lang ang naging tugon niya sa kaibigan ng amo.
“Well, kailangan ko siyang i-monitor ng ilang oras hanggang sa humupa na ang allergy reactions niya. Baka magising siya, don’t let him get away.”
“Okay, Sir.”
Tumango si Caleb at naglakad na palayo. Pumasok naman si Slick sa loob ng emergency room kung nasaan ang nahihimbing na si Logan. Namumula pa rin ang mukha nito at may bahaging tila namamaga pero nagbago na ang paghinga nito kumpara kanina.
Sinulyapan niya ang relo sa palapulsuhan. May thirty minutes pa siya bago ito magising. Binigyan niya ng huling sulyap ang amo bago lumabas ng emergency room.
*****
Binuksan ni Slick ang backseat ng kotse ni Logan. Mula roon ay kinuha niya ang kahon ng cake na may pulang ribbon. Ipinasok niya iyon sa loob ng bahay at dinala sa kusina. Alam niyang hindi magugustuhan ng amo ang gagawin pero hindi na mahalaga iyon.
He opened the box and a strong aroma of coffee wind out. The scent of coffee was mixed with the smell of pumpkin. Slick’s eyes narrowed at the top of the cake.
He now found the culprit.
He got one slice and took a bite. He’s not into coffee, but he surely knew the reason why Logan did what he did. That cake was a sweet poison made by a sweet innocent lady—it's irresistible delicious.
*****
ShimmersErisJane