CHAPTER FOURTEEN “To Be Continued…”

1669 Words
“Kanina ka pa?” tanong ni Logan nang makalapit kay Eila. “Hindi naman.” Pilit pinasigla ni Eila ang tinig habang titig na titig kay Logan na hindi nawawala ang ngiti hanggang makalapit sa kaniya. Nagsisimula nang kainin ng hiya at kaba ang dibdib niya dahil sa sobrang lapit nito. “Dapat hinayaan mo na lang akong puntahan ka sa bahay.” ‘Ohhh…’ Her heart made another skip. “May kailangan rin kasi akong puntahan. Sinamantala ko na ang pagkakataon.” Itinaas niya ang kahong dala. “Your cake. Sana magustuhan mo.” Bumaba ang tingin roon ni Logan. Lumamlam ang mga mata nito. “Ipinag-bake mo talaga ako.” Tila hindi makapaniwala ang tinig ni Logan. “Oo naman. Nangako ako ‘di ba? Simpleng bagay lang ito.” “Well, not for me.” Kinuha nito ang box at naupo sa bench. Ipinatong nito ang kahon sa kandungan at parang bata na excited na inalis ang pagkakatali ng ribbon. Natatawang tinabihan niya ito. Hindi niya akalaing ganito magiging ka-excited ang binata. “I can smell coffee,” Logan commented. “Yeah. It’s a pumpkin-pecan coffee cake.” Natigilan si Logan sa pag-aalis ng taklob ng cake. “Pumpkin-pecan?” bulong nito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Yep. Why? Hindi ka ba mahilig sa pumpkin at pecan?” Umiling-iling si Logan. “No. First time kong makarinig ng ganoong klase ng cake.” “Oh… It’s a vintage cake from the South. Kapapanood ko ng mga videos ay nakita ko. Unang beses kong mag-bake ng ganiyang cake kaya sana magustuhan mo.” Logan beamed. “I would surely like it.” Tuluyan nitong binuksan ang kahon. Bumulaga sa kanila ang kuwadradong brown cake. Medyo nagka-caramelize pa ang syrup na isinama niya sa pecan toppings ng cake. Napakasarap nitong tingnan dumadagdag pa na malaya nilang nasasamyo ang mabangong amoy ng cake. “I sliced it in case you want to try some.” Binalingan siya ni Logan. “T-thank you. I would love to.” “Pero mas masarap kainin iyan habang nagkakape,” suhestiyon niya. “Mahalaga ba ang pupuntahan mo? Care for some coffee first?” Natilihan si Eila. Ang balak niya ay ito na huli nilang pagkikita, hindi ang lumabas muling makasama ito. “I’m sorry, Logan. May lakad kasi ako.” Nag-iwas siya ng tingin rito. “Gusto ko rin sanang sabihin na baka hindi ko na matupad ang ipinangako ko sa’yo. Hindi ko maii-tutor ang kapatid mo.” Nasabi na niya. Kung maiinis man si Logan ay wala na siyang magagawa. Ilang sandaling naghintay si Eila ng sasabihin ni Logan. Walang naging tugon si Logan kaya naman binalingan niya ito para lang magulat sa hitsura nito. Inaasahan niyang tutugon itong ‘okay lang’ o kaya ay magagalit ito pero hindi ganito. He was staring at the cake as if it would burst out suddenly. “Logan…” “Why this cake looks like a farewell cake?” Eila remained silent. Ano pa bang sasabihin niya? Iyon naman talaga ang plano niya. Ibigay ang cake bilang pasasalamat at magpaalam rito. “Ikaw ba ang may aayaw o si Genelyn Oliviera?” Napalunok siya sa biglang pagtahimik ng tinig nito. “H-hindi. Sarili kong desisyon iyon.” “You said that you needed side hustle.” Hindi pa rin siya nililingon nito. “I do. Pero nag-decide akong mas magpo-focus ako sa pagbe-bake. Huwag sana itong magiging dahilan para magalit ka sa kaniya.” Nilingon siya nito. “Mahalaga para sa’yo ang desisyon niya.” “Sarili kong de—” “That’s not what I see in your eyes.” Mabilis siyang nag-iwas ng tingin rito. He could read her like an open book. Alam niyang magsinungaling man siya ngayon ay malalaman pa rin nito ang totoo. “I’m sorry, Logan.” She heard him sigh. “No. Don’t be. It’s my reputation that sometimes, pushed people to draw away from me and my family.” Naikuyom niya ang kamao. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Logan. I didn’t mean to hurt your feelings.” Logan pushed a smile. “Come on. It’s fine. Kung hindi ka talaga pwede ay ayos lang. Nauunawaan ko.” She stared at him for a beat. Hindi niya mabasa ang binata gaya ng kung paano siya nito kadaling nababasa. Ang alam niya lang ay napakadali nitong magbago ng emosyon. “Hindi ba talaga pwedeng magkape muna tayo kahit sandali?” pag-uusisa ni Logan. Sinalubong niya ang nangungusap na mga mata nito. Tinanggihan niya na ito sa unang offer. Nag-aalangan na siyang tumanggi muli. Gayunman, bago pa siya makahindi ay nakita na lang niya ang sariling dahan-dahang tumatango. “Fine. Let’s go. At nang makita ko kung magugustuhan mo ba talaga iyang cake ko.” Ngumiti siya. “Baka mamaya binobola mo lang pala ako.” “No, Miss. I’ll show you the most honest review you’ll ever see.” Napahalakhak si Eila dahil sa naging tugon nito. ***** “So, plano mong magtayo ng sariling bakeshop?” pag-uusisa ni Logan. “Yep. Isa iyon sa pangarap ko,” masiglang tugon ni Eila bago humigop ng kape. Naghanap sila ng coffee shop at doon tumigil. Umorder lang sila ng kape habang si Logan ay binuksan ang dalang box ng cake. Nag-aalinlangan pa siyang pabuksan iyon dahil baka hindi pumayag ang may-ari ng shop pero tila walang pakialam si Logan. He opened the box but didn’t eat yet. “Saan ka natutong mag-bake?” “I don’t know. Basta ang alam ko lang natutuwa ako sa mga tinapay.” Mga pahapyaw lang ang naging sagot niya. Hindi niya maaaring sabihing natutunan niya iyon sa ina. “Kay Mrs. Oliviera ka na ba lumaki?” Eila shook her head. “Nope,” casual niyang tugon kahit na ang totoo ay naghe-hesterikal na ang isip niya. Nagiging matanong na si Logan at hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. Ayaw niyang magsinungaling rito pero kapag kinailangan nang pagkakataon ay wala siyang pagpipilian. “I thought siya ang nagpalaki sa’yo at napakalapit mo sa kaniya.” “Mabait lang talaga si Tita Gen. Hindi niya ako itinuring na iba.” “I see.” Logan leaned away. “Ikaw? Kailan mo balak tikman iyang cake?” pagbibiro ni Eila para ibahin ang daloy ng usapan. Napangiwi si Logan. “I’m savoring the moment.” “Akala ko’y wala ka talagang balak kainin iyan.” Itinukod niya ang dalawang siko sa mesa. “Kung aayaw mo, maraming pwede akong pagbigyan niyan.” “That’s not gonna happen.” Kumuha ito ng isang slice sa tabi. “Ikaw? Ayaw mo ba?” “Ginawa ko talaga iyan para sa’yo.” “Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito.” Kumagat si Logan at dahan-dahang ngumuya na para bang ninanamnam ang cake. Kagaya nang makita niyang tinikman ni Logan ang éclair na ginawa niya, abang na abang siya sa reaksyon nito. Just like before, she stared at him as he savored the taste of the cake. His chiseled jaw moved gently as he chewed slowly. Weird, but she found it fascinating. “Pinapanood mo ba ng ganiyan lahat nang tumitikim ng cake mo?” Pagbibiro ni Logan dahilan para mabilis siyang nag-alis ng tingin sa labi nito. Mahinang humalakhak si Logan dahilan para umahon ang init sa magkabilang pisngi niya. ‘For crying out loud, Eila. Why do you have to stare at him like that?’ “I’m just kidding.” Bumalik sa pagiging sinsero ang tinig ni Logan. “I’m ready for the review.” Napilitan siyang tingnan muli ito. Nakangiti si Logan kaya bahagya siyang nakahinga nang maluwag. “It’s delicious. Not too sweet but not bland. It's a coffee cake but I like to eat this with coffee." Nakagat niya ang pang-ibabang labi para supilin ang ngiti sa labi. “Mabuti at nagustuhan mo.” “I told you, lahat nang ibi-bake mo ay magugustuhan ko.” “Bola na naman iyan.” Kunwa’y inirapan niya ito. “Of course not. Itatago ko na nga ito bago pa may makaagaw.” “Ano?” Napamulagat siya nang nagmamadaling tinakluban nito ang box. Itinali pa nito ang box. Lahat ng ito ay ginagawa ni Logan habang nakaipit sa pagitan ng labi nito ang natitirang sliced ng cake. Logan gave him a wink when he caught her staring at him. Inalis nito ang cake sa bibig. “It’s mine,” he murmured huskily. Inilapit pa nito sa sarili ang box. Natatawa na lang siyang tumango. “Walang aagaw.” Matagal pang nagkuwentuhan sina Eila at Logan sa loob ng coffee shop. Hindi na nila namalayan ang oras kung hindi lang tumunog ang cellphone ni Logan. Kinuha nito ang cellphone at tiningnan iyon. “Mukhang kailangan mo nang umalis,” aniya. Umiling si Logan. “Just a reminder. Oo nga pala. Saan ka ba sana pupunta ngayon?” “Diyan lang sa tabi-tabi. May hahanapin lang.” “Na?” Naisumpit niya ang buhok sa likod ng tenga. “Mga kailangan ko lang sa pagbe-bake.” “Gusto mong samahan kita?” “Ha? Hindi na. Huwag na.” Mabilis niyang saad. “Sigurado ka?” Tumango siya. “Mabilis lang naman ako.” “Kung ganoon, hayaan mo na lang akong ihatid kung saan ka pupunta.” “Hin—” “Just this time, Eila.” Puno ng firmness na ani Logan. Sinalubong niya ang determinadong tingin ni Logan. Sinubukan niyang labanan iyon pero sa huli ay siya na ang kusang bumawi ng tingin. “Sige na nga.” Ngumiti si Logan. “Get used to it.” “Huh?” “We’ll continue to be like this... 'till we see each other again...” That was his last drop before he stood and held out his hand. “Let’s go?” Wala pa rin sa katinuang tumango siya bago inabot ang palad nito. “Okay.” Now... That's what they called, ‘To be continued...’ ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD