CHAPTER THIRTEEN “Thank-You Cake”

1136 Words
“Granulated sugar... brown sugar...” Tumigil si Eila sa paglalagay ng mga ingredients sa electric mixer at tumingin sa inilista niyang recipe ng ibe-bake na pumpkin-pecan coffee cake. Unang beses niyang magbe-bake ng ganoong klaseng cake. Nakita niya lang ang recipe sa YT at dahil mukhang masarap at kakaiba, gusto niyang subukan. If ever na maging successful. Ito ang cake na ibibigay niya kay Logan. Hirap na hirap siyang mag-isip ng ibibigay sa binata kaya todo hanap siya ng mga flavor na hindi pangkaraniwan. It's so easy to give him chocolate flavored cake or cupcakes. Pwede ring hazelnut dahil nakita niyang ito ang pinili ng binata mula sa dala niyang eclairs. But deep inside her, she wanted special for him. Isang cake na hindi pa niya nasusubukang gawin. Cake na sobra siyang nag- exert ng effort. The thing was, she didn't understand herself why it had to be special. Perhaps because he saved her life—and that's something special. She smiled and took a deep breath. Naaalala na naman niya ang usapan nila ng kaniyang Tita Gen. Ayaw na ayaw talaga nitong pumayag na mag-tutor siya sa half-brother ni Logan. Dumagdag pa sa isipin niya ang mga sinabi ng kaniyang Tita Gen na ginawa ni Logan sa mga nanakit sa kapatid nito. Mas lalo siyang nahihirapang mag-decide. Logan was showing the opposite of how Tita Gen pictured him. Umiling-iling si Eila habang sinusubukang palisin ang kung ano-anong isipin. Hindi makakapagpasarap ng cake kung malu-lungkot o magpapaka-stress siya. Good vibes lang dapat, lalo pa at mas mahirap pa sa inaakala niya ang paggawa ng cake. Ultimo sa paghahanap ng mga ingredients, halos malula siya sa paghahanap pero dahil desidido siyang magawa ang cake, magpapatuloy siya. “Hmmm.... Add two eggs... one at a time,” pabulong-bulong pa niyang wika habang kinukuha ang itlog na inilagay niya sa maliit na bowl. Inilagay niya iyon sa loob ng electric. Habang patuloy na umiikot ang electric mixer ay nagdagdag siya ng pumpkin purée, buttermilk at vanilla. Inorasan niya iyon ng ilang minuto. Nasisiyahan na siya sa nakikitang resulta ng batter nang walang ano-ano'y may kung anong tumunog sa loob ng mixer. Nasundan iyon nang tunog ng tila nagkakas-kasang bakal. “What's happening?” Kabado niyang tanong habang sinisilip ang loob ng mixer. Wala siyang nakitang kakaiba. Patuloy sa paghalo ang mixer sa mga ingredients. Akmang bubunutin na niya ang pagkakasaksak ng mixer pero kusa na itong namatay. “Hala! Anong nangyari?” Hindi magkaintindihan kung alin bahagi ng mixer ang titingnan. Binunot niya ang plug bago muling isinaksak. Pinindot niya ang on and off button pero walang nangyari. Nananatiling hindi gumagana ang electric mixer. “Nasira ka na ba? Huwag naman ngayon please.” Inalis niya ang bowl at nilinis ang ibang parts pero wala pa rin. Nanghihina na lang siyang napaupo habang nakatingin sa hindi gumaganang mixer. “Maraming salamat sa matagal nating pagsasama,” malungkot na aniya. Inaasahan na niyang pwedeng bumigay ang mixer anumang oras. Bukod sa pinaglumaan lang iyon ay napakatagal na rin niyang gamit. “Pero sana man lang ay pinatapos mo muna ako,” bulong pa niya kahit alam niyang hindi naman nakakarinig ang gamit. “Mukhang mano-mano muna ako ngayon.” Bagsak ang balikat na tumayo si Eila at kinuha ang nagawa ng batter. Tiningnan niya iyon ng ilang sandali. “Sinabi kong special cake, hindi 'yung ganitong special." Gusto niyang mainis, sa sarili at sa electric mixer pero kesa ubusin ang oras sa inis ay sa paghahalo ng batter niya ibinuhos lahat ng nararamdaman. ***** Matagumpay na napangiti si Eila habang pinagmamasdan ang umuusok na cake. Hindi niya akalaing magagawa niya ng maayos ang cake. Palalamigin niya lang ng konti ito at ika-cut niya iyon. Mamaya na siya magte-taste test. Bago ang lahat, maglilinis muna siya. Nangasim ang mukha ni Eila habang iginagala ang paningin sa paligid. Punong-puno ang lababo nang hindi pa niya natatapos na hugasin. Nag-utay na siya kanina habang nasa oven ang niluluto. Kung may electric mixer siya siguradong hindi ganoon kakalat ang kusina. ***** Patingin-tingin si Eila sa paligid habang naglalakad palabas ng compound. Nag-message siya kay Logan na ibibigay niya ang cake. Ang balak niya ay ayain itong magkape sa bahay pero dala ng hiya sa hitsura ng bahay, pinili niyang tagpuin ito sa labas. Tamang-tama na sasabihin niya ritong hindi siya makakapag-tutor sa half-brother nito. May mga pagkakataon na sinusuway niya ang kaniyang Tita Gen pero may pagkakataon na mas matimbang ang desisyon nito. Hindi bilang isang nag-alalang nakakatanda kundi dahil naniniwala siyang tama ito. Nagi-guilty na rin siya dahil itinatago niya sa kaniyang Tita Gen na magkakilala sila ni Logan. Sa nakikita niyang pagtanggi nito, hindi ito matutuwa na malamang nagkakaroon sila nang pagkakataon ni Logan na magkita at magkausap. Tumunog ang cellphone niya. May text message na dumating. It was from Logan. 'Where are you? I'll fetch you.' Napangiti siya nang mabasa ang message. Tinanong niya ito kanina kung busy ito at kung saan niya pwedeng ibigay ang cake. Sumagot si Logan na biyahe ito at pupuntahan na lang siya. Sinabi niyang nasa daan na siya magkita na lang sila sa park sa bayan. At iyon ang tugon ng binata… Nag-reply siya, “Doon na lang tayo magkita.” Sumakay siya ng tricycle at nagpahatid papuntang sentro ng bayan. May maliit na park roon kung saan pwedeng maghintay. Nang makarating ay naghanap siya ng bench kung saan pwedeng maupo. Prenteng nakaupo siya doon habang nasa kandungan ang cake. Tiningnan niya pa ang mukha sa salamin. Nakalugay ang buhok niya. Naglagay lang siya ng sunscreen at lip tint para magkakulay ang namumutla niyang mukha. Simpleng asul na blouse, denim pants at flip flops lang ang suot niya. Kapag natapos silang mag-usap ni Logan ay susubukan niyang maghanap ng electric mixer. Bahala na ang mga susunod na buwang budget. Kailangan niya kasi ng mixer para sa mga biglaang order. “Eila!” Napalingon si Eila sa tumawag sa pangalan niya. Awtomatikong napangiti siya nang makita ang binatang papalapit sa kaniya. “Hi, Logan!” Tumayo siya habang pinagmamasdan ang binata. Hindi ito naka-suit. Nakasuot ito ng simpleng white shirt at black jacket na tinernuhan ng faded blue jeans at puting rubber shoes. Para itong modelo na naglalakad palapit sa kaniya. Mas lalong bumagay rito ang suot dahil sa malawak na pagkakangiti nito habang naglalakad. Napakaaliwalas ng mukha nito. He looked carefree and excited. Malayo sa Logan na madalas niyang makita sa school. Minsan pa, gaya noong unang beses nilang pagkikita, bumilis ang pagtahip ng dibdib niya habang pinagsasawa ang paningin sa gwapo nitong mukha. Baka iyon na ang huli nilang pagkikita kaya naman sasamantalahin na niya ang pagkakataon. He’d been nice to her… Eila took a deep breathed as she asked herself, 'Ito ba talaga ang taong handang manakit ng ibang tao?' ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD