CHAPTER TWELVE “The Offer”

1702 Words
Kung pwede lang hilinging bumuka ang lupa at lamunin na si Eila ay ginawa na niya. Subalit kahit magsasayaw siya sa kinatatayuan sa mga oras na iyon, walang mangyayari. Sa pagpasok niya sa opisina, hindi niya akalaing hindi lang pala ang kaniyang Tita Gen ang aabutan sa opisina nito kundi pati na rin sina Logan at Slick. Nasa gitnang upuan ang kaniyang Tita Gen. Prente namang nakaupo si Logan sa kanan ng kaniyang tita. Nakadekwatro pa ito habang ang isang braso ay nakaunat sa sandalan ng upuan. He looked uninterested yet kept his ground. Sa likuran nito at nakatayo si Slick. Gaya ng dati walang kaemo-emosyon ang mukha nito. Napalunok siya nang tumungo sa kaniya ang mata ng dalawang lalaki. Something flicked in Logan’s eyes the moment it hit hers. “Kanina pa kita hinihintay. Na-late ka ata,” ani Gen na nagpabalik sa atensiyon niya. Mabibilang ang hakbang na lumapit siya patungo sa mga ito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa plastic kung saan nakalagay ang box ng eclair na ginawa niya. “Sorry po. May order po akong ginawa kagabi at kanina kaya medyo tinanghali ako.” “Kaya pala parang nangangalumatang-manok ka,” puna ni Gen, pinagmamasdan ang mukha niya. Nakangiting tumango siya bago pilit pinasigla ang tinig. “Ito po pala ‘yung éclair na ipinangako ko.” Noong magising siya ng madaling-araw, nabanggit niya rito na magdadala siya ng éclair, hindi niya lang sinabi na palabis iyon mula sa orders. Pinapupunta siya nito ng maaga pero dala ng kaantukan, late niya na nabasa ang message. At mas hindi niya akalaing kaya pala siya pinapapasok kaagad ay ihahain nito sa bisita ang ginawa niya. “My apologize at pinagmadali kita. Hindi ko naman akalaing maagang darating sina Mr. Kyde.” Imwenestra nito ang binatang nasa kanan. Hindi nagbabago ang posisyon nito pero nananatiling nasa kaniya ang mga mata nito. Bilang paggalang ay ngumiti siya. “Good morning, Lo—Mr. Kyde.” Sinikap talaga ni Eila na hindi madulas sa pagtawag rito. “Same to you.” Hindi maiwasan ni Eila na hangaan ang binata. Nagagawa nitong makipag-usap sa kaniya na para bang hindi talaga sila magkakilala. Napaka-natural nitong kumilos at magsalita samantalang siya ay kung hindi kagatin ang dila para pigilan ang sarili. “Ihahanda ko na po ito. Maiwan ko muna po kayo,” paalam niya. “Sige. Thank you.” Bumalik muli si Gen sa pakikipag-usap kay Logan. Tinungo na niya ang kitchenette para ihanda ang dalang éclair. Mula sa loob ay pakinig niya ang usapan nina Logan at Tita Gen. Masigla na ang tinig ng kaniyang Tita Gen. Mukhang nagkasundo na ang mga ito sa kung anong pinagdidiskusyunan. “Marami kaming magagaling na estudyante mula sa Education Department. I’ll ask someone para i-guide si Tom bago siya mag-take ng finals niya.” “That will be a great help. It’s easy for me to find someone, but AllyRose is a prestigious university. Kung may mas nakakaalam tungkol sa ganiyang bagay, it’s you.” Hindi mapigilan ni Eila ang pakinggan ang paraan nang pagsasalita ni Logan. Napakapormal nitong magsalita, malayo sa mga panahong nagkakausap sila. Sabagay, magkaibang pagkakataon iyon. At kung tutuusin, dapat iginagalang niya si Logan. ‘Geez,' bulong ng isip niya sa tuwing maalala kung paano siya makipag-usap sa binata. “Thank you for trusting. Ihahanap ko si Tom ng pwedeng mag-tutor sa kaniya.” “May maii-recommend ka na ba ngayon?” Lumabas si Eila dala ang mga platito at bukas na box ng éclair. Ipinatong niya ang mga ito sa center table habang patuloy pa ring nag-uusap sina Logan at Gen. Iniiiwas niya ang tingin sa binata pero kahit anong iwas niya ng tingin ay napupunta rito ang mga mata niya. Napaka-professional ng dating ni Logan. Pasimple niyang sinulyapan si Slick na nakatayo lang sa likod ng kinauupuan ni Logan. Tahimik lang itong nakamasid sa paligid. Gusto niyang alukin ito ng kape pero dahil hindi niya alam kung paano ito tatawagin, pinili niyang itikom ang bibig. Nang maiayos ang mesa ay naglakad na siya pabalik sa kitchenette. “Wala pa sa ngayon pero makakahanap kaagad ako. Mabuti pa’y kumain muna kayo. Sadya kong ipinahanda ito. Eila’s not just a hardworking lady, napakagaling niya ring mag-bake.” Maraming beses na kapag may dumarating na importanteng bisita sa AllyRose ay isa siya sa mga pinagbe-bake nito. “Hindi ko tatanggihan ito. It looks delicious.” Hindi mapigilan ni Eila na pagmasdan si Logan mula sa gilid ng kitchenette. May wall na naghihiwalay mula sa mismong opisina at daan patungo sa kitchenette. Half-concrete at half-metal screen na may iba’t ibang disenyo ang pinaka-partition wall. Sa siwang ng screen ay palihim niyang pinanood si Logan na naglagay ng éclair sa platito. Hazelnut ang pinili nito. Abang na abang siya sa pagsubo nito. Bukod sa hindi pa niya naiigawa ito ng thank you cakes ay hindi rin siya sigurado kung magugustuhan nito ang gawa niya. ‘Baka isip ako nang isip na magugustuhan niya ang gawa ko tapos hindi naman pala siya masasarapan.’ Lihim na lang niyang ikinalma ang sarili dahil sa isiping ito at ibinalik ang atensiyon kay Logan. Napakagat-labi siya nang sumubo si Logan. Hindi pa nito naaalis ang tinidor sa bibig ay napunta sa kaniya ang mga mata nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin na sinundan nang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. ‘Bakit siya tumingin rito? Nakakahiya ka, Eila!’ “It's delicious,” Logan approved. “Kung hindi mo sinabing siya ang gumawa nito, iisipin kong order mo ito sa isang kilalang bakeshop." Automatikong napangiti si Eila dahil sa sinabi ng binata. She didn't expect that Logan would like her éclair. “No. Eila is my personal baker." Natatawang biro ni Gen. “She’s indeed a natural. “I can say that.” Nagsisimula nang tumaba ang puso ni Eila sa papuri ni Logan. She loved hearing comments about her breads and pastry. Binabawi nito ang lahat ng pagod na nararanasan niya mula sa pagbe-bake. Tumalikod siya at tumungo sa kitchenette. May inihanda siyang isang kape roon. Kinuha niya iyon at lumabas. “Baka gusto ninyo pong mag-kape?” alok niya kay Slick. Sinulyapan siya ni Slick pero umiling lang ito. “He’s not fond of coffee,” sabat ni Logan. “Ohhh…” Tumatango-tangong aniya. Sa laking tao ni Slick, hindi niya aakalaing walang hilig ito sa kape. “Hmmm… Do you need a refill?” tanong na lang niya kay Logan at Gen. “No. I’m good,” tugon ni Gen. “This éclair is nice. May shop ka bang gustong pag-applyan or baka gusto mong magtayo ng sariling shop?” Sa halip na sagutin ang tanong niya ay ito ang naging sabi ni Logan. “Looking forward for the latter, Sir. For now, habang nag-iipon, tumatanggap ako ng mga orders sa bahay." Logan nodded. “Kung nag-iipon ka pa. Kung wala ka pa namang mga masiyadong orders ngayon, nakit hindi na lang ikaw ang mag-tutor sa half-brother ko? Mrs. Oliviera trusts you so much so I know I can rely on you.” Nagkatinginan sina Eila at ang kaniyang Tita Gen subalit ang huli ang unang nakabawi. “Magiging busy si Eila ngayong darating na graduation.” Maang na tumulala siya rito. Wala naman siyang natatandaang magiging dahilan nang pagka- busy niya. Siguro nakaplanong maghanap siya ng extrang trabaho pero kakailanganin pa rin niya ng isa pang pagkukunan ng budget habang naghahanap ng stable na work. “Then perhaps after graduation. May work ka na ba?” baling sa kaniya ni Logan. Marahan siyang umiling. “Would you like my offer?” “Pero hindi po ako galing Education Department.” “Will it limit you to guide my brother? Hindi niya kailangan ng matalinong magtuturo. All I need is someone to guide him for the few days. Someone I know I can rely on. Perhaps, two weeks will be enough.” “Kung ganoon, tatanggapin ko po ang alok ninyo," masiglang tugon niya. Sa sobrang excitement ni Eila ay hindi na niya naisip na maaring hindi pumayag ang kaniyang Tita Gen sa desisyon niyang iyon. Kaya nang makaalis si Logan at Slick ay isang mahabang sermon kaagad ang inabot niya. “Tita, I need job." “Pwede kong ibigay iyon sa'yo. Napakaraming restaurant, hotel at bakeshop ng mga Oliviera. Hindi ka mawawalan ng trabaho. Ilang beses kitang inalok, but you like it the hard way.” Bumalik sa pagkakaupo niya kanina si Gen. Sa nakikita ni Eila na pagkakakunot-noo nito ay halatang hindi nagustuhan ang biglaang desisyon niya. “Tita, alam ninyo naman po ang reason ko.” Naupo siya sa kaliwang upuan. Inabot niya ang kamay ng babae. “Kung tutulungan ninyo po ako, anong ipinagkaiba noon sa pananatili ko sa amin?” Lumamlam ang mga mata nito. “Nasabi ko na sa'yo na delikado si Logan Kyde.” “Perhaps he's just hurting that time. Nabugbog ang kapatid niya, hindi natin pwedeng asahan na manatili siyang tahimik." Hindi sa ipinagtatanggol niya ang lalaki, gusto lang niyang maging open-minded. Gen stared at her for a beat. “Tell me, Eila. Valid ba na ipabugbog niya ang mga binatilyong nanakit sa half-brother niya? Three of them are in the hospital. Dalawa ay kinailangang magtago sa takot na balikan niya. Is that the proper way to judge?" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Eila dahil sa narinig. Namimilog ang mga matang binalingan niya ang kaniyang Tita Gen. Sa isang kisapmata ay naalala niya ang mga lalaking muntik nang magsamantala sa kaniya. Noong sinabi ni Logan noon na ito nang bahala sa mga lalaki, napalagay ang loob niya na mananagot ang mga ito sa batas. Subalit wala siyang narinig na kahit ano tungkol sa kaso o pagpapakulong nito sa mga lalaki. O baka nga hindi nito ipinakulong ang mga lalaki. ‘Ano ba ang totoo?’ bulong ng isip niya habang salitang bumabalik sa alaala niya kung gaano ka-gentleman at kahinahon ni Logan. May bumubulong sa isip niyang nadala lang ito ng galit pero meron ding nagsasabing, mali pa rin ang ginawa nito. Naroon rin ang isipin na wala talaga itong ginawa. ‘Pero magsisinungaling ba sa kaniya si Tita Gen?’ Ano’t ano man, aalamin niya ang totoong nangyari. ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD