CHAPTER ELEVEN “Sweet Protection”

1710 Words
Umaagos ang malamig na tubig mula sa hubad na maskuladong katawan ni Logan. Tila mga batang nagpapadulas ang bawat patak ng tubig sa bawat bahagi ng katawan niya. Walang bahagi ang pinalalampas, walang bahagi ang hindi napapakalma ng malamig na tubig. Kanina pa siya tapos maligo pero wala pa siyang balak umalis mula sa pagkakatapat sa shower. Kailangan niyang hamigin ang sarili bago pa siya tuluyang kainin ng sariling pagnanais. Ang kaninang pag-uusap nila ni Eila ay lalong nagpatindi ng kagustuhang mapalapit sa dalaga. Sinubukan niya lang ang sariling lapitan ito at kausapin pero tila mas lalo lang siyang nahipnotismo palapit rito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganito. Sa tuwing nasa malapit ang dalaga, hindi na siya makapag-isip nang maayos. Wala nang ibang laman ang isip niya kundi ang makausap ito, ang mapalapit rito… ang maging kaniya ang dalaga… He already waited long for her and now he found her, he still had to wait. Nang magsawa na ay pinatay na niya ang shower. Sa isang unat pakanan ng mahaba at maskuladong braso ni Logan ay kaagad niyang naabot ang towel na nakasabit sa labas ng shower room. Mabilis siyang nagpunas ng katawan at buhok bago inabot ang bathrobe. Lumabas si Logan ng bathroom habang itinatali ang puting bathrobe. Sa halip na magbihis ay tumungo siya sa receiving area ng kaniyang kwarto, umupo sa couch bago inabot ang alak na nakapatong sa center table. Kasalukuyang nagsasalin siya ng alak sa shot glass nang may kumatok sa pinto. “Come in!” malakas niyang wika bago sumimsim ng alak. Habang sinadama niya ang mainit na paguhit ng mainit na likido sa lalamunan ay pumasok naman si Slick na may bitbit na folder. “Nahanap mo na ang pinahahanap ko sa’yo?” tanong niya kaagad kahit pa tuluyang nakakalapit sa kaniya si Slick. “Yes, Sir.” Ipinatong ni Slick ang folder sa ibabaw ng center table. Nanatili itong nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. Ibinaba ni Logan ang alak at inabot naman ang folder at binuksan iyon. Isa-isa niyang pinasadahan ang nakasulat roon bago tiningala si Slick. “You didn’t found her parents?” Umiling si Slick. “Walang naka-register na parents.” “Wala siyang middle at wala ring parents na nakalagay,” nagtatakang aniya. “Hindi ba siya galing orphanage?” “Hindi, Sir. Walang record na galing siya sa orphanage.” Lalong nagsalubong ang kilay niya. “Anong connection niya kay Genelyn Oliviera?” “Hindi sila magkamag-anak pero sa tingin ko’y magkaibigan sila. Lumabas na tinutulungan si Miss Eila ni Genelyn Oliviera. Ito ang nagpapa-aaral sa kaniya sa AllyRose University. Si Genelyn rin ang bumayad ng bahay na tinutuluyan ni Miss Eila.” “Did you dig things about Genelyn?” “Sorry, Sir. I tried, but limitado lang ang nakuha kong impormasyon sa kaniya. Ugali ng mga Oliviera na maging maingat sa bawat impormasyon nila.” Tumango-tango siya. Ibinalik niya ang tingin sa papel. Ang totoo niyan, pinatitigil na siya ng ama na kulitin si Genelyn Oliviera tungkol sa nangyari sa kaniyang half-brother. Para sa ama, hindi lang basta isang malaking pader ang mga Oliviera. They were more powerful than Kyde. At kung gugustuhin ni Genelyn Oliviera na patahimikin siya upang maproteksyunan ang paaralang pinamamahalaan, magagawa ng babae. But she chose to face everything in a humble way. Nakabayad na ang mga taong nanakit sa half-brother pero nang makita niya si Eila sa AllyRose, nakakita siya ng rasong bumalik sa paaralan. “Babalik pa po ba tayo sa paaralan bukas?” “Yes. I’ll call Mrs. Oliviera later.” “Do you think it’s worth it?” Logan eyes narrowed. “What’s with the sudden question?” “I want to say something, Sir.” Nag-angat siya ng mukha nang mapansin ang pagseryoso sa tinig ni Slick. “What?” “If you really like Miss Eila, why don’t you just ask her properly to go out with you?” Naikiling niya ang ulo. Simula nang muntik na siyang mamatay mula sa kamay ng mga kakompetensiya niya sa negosyo three years ago, naisipan niya nang kumuha ng bodyguard. One of his colleagues referred him in a private agency. They gave him a bodyguard that would suit him. At noon dumating si Slick sa buhay niya. Loyal itong bodyguard at kahit kailan ay hindi siya hinayaang mapahamak. May mga pagkakataon pa ring may kinakaharap silang mga problema o mapapanganib na sitwasyon pero palagi itong handang proteksyunan siya. He’s always ready to bleed for him. Not because of money, but because it’s his duty. Slick also liked giving prompts and suggestions anytime he needed one. Pampersonal man o pangtrabaho handa itong umalalay pero hindi niya inaasahan na pati sa ganitong bagay ay may masasabi ito. “What made you think that?” Umayos siya nang pagkakaupo. “She’s a nice lady, Sir. She deserves it.” Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Tama naman ito. Habang tumatagal ay nakikita niyang isang mabuting babae si Eila. However, realization hit him. Marahas na napatingin muli siya kay Slick. “Do you think I’ll break her?” Hindi sumagot si Slick. Nanatili ring diretso ang tingin nito. Ibinaba niya ang folder. “People see me as danger.” “Because you could be.” Walang kagatol-gatol nitong tugon. “At pati si Eila ay ganoon ang tingin sa akin?” “Hindi ko kayang sumagot para sa kaniya. Ang alam ko lang, you will not break her, but the way you’ll want her can be the reason.” Natigilan siya sa naging sagot ni Slick. He’s really a man of few words but with full thoughts. Logan smiled ruefully. “You really think that?” “I apologize, but yes, Sir.” “Hindi ba dapat sinusuportahan mo ako sa plano ko?” “Miss Eila is innocent. That’s another thing, Sir.” Isa pa ito sa nagustuhan niya kay Slick. Alam nito kung kailan o-oo at hihindi sa mga utos niya. “Then let’s have a deal.” Tumayo siya at taas-noong sinalubong ang mga mata nito. “Kapag nakikita mo nang nasasaktan na siya, patigilin mo na ako.” Hindi kaagad tumugon si Slick. Ilang segundo ang lumipas na walang ibang maririnig kundi ang mahinang pagtunog ng orasan at ang mahinang paghinga nila. Magkasalubong ang mga mata nila, naglalabanan ng intensidad. “Copy, Sir,” pangako ni Slick. “Good.” Inilahad ni Logan ang kamay. “Aside from me, protect her too.” “I will, Sir.” Tinanggap ni Slick ang kamay niya at hinawakan ng mariin. ***** Napahikab si Eila habang naghahalo ng batter niya para sa ginagawang cake. Sumulyap siya sa wall clock na nasa kusina. Alas-syete pa lang naman ng gabi pero nakailang hikab na siya. Hindi pa naman siya inaantok pero ang paulit-ulit na paghikab ang nagpapalambot sa kaniya. Dumagdag pa na napakarami niyang order ngayon. Minsan tunay talaga na kung kailan ka maraming gagawin ay tsaka ka maagang dadalawin ng antok samantalang kapag wala siyang ibang kailangang gawin, mag-aalas dose na, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Katatawag lang ni Lyza kaninang alas-sais y media na o-order ito ng double chocolate mousse cake at tatlong dosenang éclair in three flavors—hazelnut, strawberry at blueberry. Halos malula ang buong katauhan niya dahil sa sinabi nito pero ang people pleaser side niya ay hindi makatanggi. Wala siyang ibang nagawa kundi sabihin sa sariling, ‘hindi siya maaaring magpahinga ngayon.’ Bukod sa sayang ang orders ay baka tuluyan nang magalit si Lyza sa kaniya. Pinagbigyan niya na lang ang kaibigan dahil kahit tanghali na siya pumunta ng school bukas. Sisikapin na lang niyang matapos ang kailangang gawin ngayon bago magpahinga. Maaga ang pick-up ng mga order bukas. ***** Kinabukasan… Nanlalata ang katawan ni Eila habang naglalakad patungong office ni Tita Gen. Puyat na siya kagabi dahil pinilit niyang tapusin ang cake at ang paglalagay ng fillings para may oras itong mai-refrigerate. Maaga pa siyang gumising dahil tsaka niya lang nilagyan ng frosting ang cake noong madaling-araw para may time pa itong mag-set bago i-pick up. Ganoon na rin ang ginawa niya sa mga éclair. Kulang na lang ay hati-hatiin niya ang sarili. By 7:30 a.m. na-pick up na ni Lyza ang mga order nito. Nagsabi na rin itong hindi na papasok. Nakatulog pa siya ng 7:30 pero pagpatak ng 8:38, nagising na siya dahil sa tawag ng kaniyang Tita Gen. Siguradong may ipapagawa ito sa kaniya. Minabuti na lang niyang maghanda papuntang school. Dinala na rin niya ang labis na gawang éclair para sa kaniyang Tita Gen. Siguradong magrereklamo na naman itong nasisira na ang pigura dahil sa matatamis na dinadala niya. Idinadaan na lang niya ito sa tawa kapag inuungulan siya. Hihikab-hikab si Eila nang marating niya ang building kung nasaan ang opisina ng kaniyang Tita Gen. Nakahiwalay ang building kung nasaan ang opisina nito. Ang first floor ay opisina ng registrar at cashier. May malawak na lobby kung saan maaaring maghintay ang mga may transaction. Sa second floor ay tanging ang opisina ng kaniyang Tita Gen at ang conference room ng paaralan ang makikita. Dahil wala masiyadong tao sa taas, hindi gaanong issue na madalas naroon siya. Ang iniisip rin ng ibang mga guro at estudyante ay inuutusan siya nito. Nang sapitin niya ang opisina ay kita niyang nakaawang ang pinto. Marahil kanina pa siya hinihintay nito. Naglakad siya papasok kasabay ng hindi mapigilang paghikab. “Goommoowning.” Pagbati ni Eila na hindi halos maunawaan dahil nang paghikab. Nakatakip ang likod ng palad niya sa bibig habang humihikab at dahil napapapikit ay hindi niya kaagad nakita ang tatlong taong gulat na gulat sa pagpasok niya. “Mukhang puyat ka yata, Eila,” puna ni Tita Gen. Akmang tutugon si Eila nang mahimasmasan pero daig pa niya ang binuhusan nang malamig na tubig nang mapagtantong hindi lang ang tita ang tao sa loob ng opisina. Bukod sa tita ay may dalawang pares ng mga mata ang nakatingin sa kaniya. The first pair seemed amused while the other looked like he was dazzle with something breathtaking. Namimilog ang mga matang kaagad nagyuko ng ulo si Eila. “Sorry for interrupting. Good morning!” maagap niyang bati upang itago ang pagkapahiyang nararamdaman. ‘Ohhh geez! Ganito ba talaga kapag nababangag?’ ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD