CHAPTER TEN “Ride of Life”

1982 Words
Bitbit ang dalawang malaking brown paper ay naglakad patungo sa sakayan ng jeep si Eila. Pagkalabas niya ng school ay dumiretso na siya sa bayan para mag-groceries. Bumawas siya sa budget niya pang-sunod na buwan para mag-stock ng ibang kailangan sa bahay. Namili na rin siya ng ilang kailangang sa pagbe-bake para kung may biglaang order ay magawa niya kaagad. Ayaw niya nang maulit ‘yung nangyari noong nakaraan na kung kailan gabi at tsaka siya lalabas para mamili ng kailangan. Matuto na sa nangyari noon. Wala pang sasakyan nang marating ni Eila ang sakayan. Mabilis magpuno ang mga jeep ngayon dahil weekdays at oras ng ilalabas ng mga estudyante at magtatrabaho. Naalala pa niya na noong unang beses na tumapak siya sa bayan, kasama pa niya ang kaniyang Tita Gen, hindi siya magkaintindihan kung saan pupunta at kung saan sasakay. Noong umalis siya ng mansion, ang tangi lang niyang dala ay ang tira-tira niyang pera sa araw-araw na allowance noon. Marahil, dala ng pride at kagustuhang tuluyang makawala sa anino ng ama, iniwan niya ang mga credit card at ang passbook kung nasaan ang savings na inilaan ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Lahat silang magkakapatid ay may fund para sa pangangailangan at gusto nila, at kahit iyon ay iniwan niya. Mabilis naubos ang dala niyang pera. Sa isang kisapmata, parang naglaho lahat ng meron siya. Inalok siya ni Tita Gen na tumuloy sa bahay nito, but she liked it the hard way. Pinili niyang mag-working student sa AllyRose at maghanap ng dagdag na trabaho. Hindi madali. Madalas siyang nagkakasakit at umiiyak dahil sa pagod at hirap tuwing gabi. Madalas gusto niya nang mag-breakdown. But she already learned her lesson. Wala pa siyang kaalam-alam noon nang sinubukan niya minsang mag-taxi pauwi kaya ang ending wala siyang allowance ng dalawang buwan. May araw na lumang mga tinapay lang ang kinakain niya o kaya naman ay natutulog siyang walang laman ang tiyan. Those times, she wanted to surrender. Ilang beses na parang gusto na lang niyang umuwi sa pamilya. Doon, nakakain niya ang lahat ng gusto. Sa isang pitik lang ng kamay, nakukuha niya ang gusto… pero matigas ang ulo at puso niya… Heto na siya ngayon. Huminga nang malalim si Eila habang nakangiti. Mainit pa rin kahit alas-kwatro na ng hapon pero hindi niya na iniinda iyon. Malayo na ang narating niya at naniniwala siyang malayo pa ang mararating niya. Marami na siyang kayang gawin at marami pa siyang matututunan sa bu— “Hoy, kung hindi ka sasakay, lumayas ka nga diyan. Pahara-hara ka.” Napaisod si Eila nang bigla siyang tabigin ng isang matandang babae na maraming dalang bag. “Mga kabataan ngayon, hindi mo na maunawaan. Mga nakatulala sa kawalan at pangiti-ngiti. Tsk… tsk…” Bubulong-bulong pa ang matanda habang naglalakad palayo. Kukurap-kurap habang nakaawang ang bibig niyang sinundan ng tingin ito habang pasakay sa jeep. “Anong problema niya?” Hindi makapaniwalang saad niya sa sarili, hindi inaalis ang tingin sa babaing nakasakay ng jeep… “Jeep?” Namilog ang mga mata niya. “Sasakay nga pala ako ng jeep!” bulalas niya at akmang sasakay pero tumakbo na ang jeep. “Kuya, wait lang po!” tawag niya sa konduktor pero kinawayan lang siya nito. Ngali-ngali niya nang sapakin ang sarili. “Ano ba, Eila? Nangangarap ka na naman ng gising diyan.” Abala pa siya sa pagkastigo sa sarili nang may tumigil na magarang itim na kotse sa harap niya. Natigilan siya nang bumusina ito. Nasa tamang tigilan naman siya at hindi naman traffic kaya maayos ang daloy ng trapiko. May kabang lumukob sa kaniya sa isiping baka isa sa mga kapatid ang nasa kotse kahit na alam niyang hindi ganoon ang sasakyan ng mga ito. Mahaba ang tatlong taon, malay ba niya kung bumili ang mga ito ng bago. Bumaba ang salamin noon. Handa na siyang tumalilis palayo nang makita ang pamilyar na mukha ni Logan na sumilip. “Need a ride?” swabeng tanong nito. “Logan?” He grinned. “We see each other again.” Nahihiyang gumanti siya ng ngiti. “Hi!” “Sakay ka na, ihahatid na kita pauwi,” pag-aalok nito. Eila should be happy. Hindi na siya maghihintay pa nang matagal, makakatipid siyang pamasahe at hindi na siya maglalakad pa papasok ng compound. Pero ang taksil niyang isip ay sumisigaw ng kabaligtaran. No. “Hindi na. Salamat na lang.” “Why? Baka mas hapunin ka pa diyan.” Iniligid niya ang tingin sa paligid. Maaga pa naman kung tutuusin. “Hindi pa naman dilim.” “Do you think danger just lurk in the dark?” Eila felt her body gone rigid. Alam niyang nagbibiro lang si Logan dahil pabiro ang paraan nang pagsasalita nito, pero ang mga nakaraang panganib sa buhay ay nag-iwan ng takot sa dibdib niya. Labag man sa loob ay napilitan siyang sumakay. “I don’t mean to frighten you,” Logan assured. “Hindi naman. Salamat.” Sinimulan nang patakbuhin ni Logan ang kotse. Kalmado lang ito habang siya ay hindi mapakali sa kinauupuan. May kakaiba talaga kay Logan na para bang kinakapos siya ng hininga at lumiliit ang paligid. Aminado siyang mabango ang loob ng sasakyan nito. Amoy na amoy rin niya ang mabangong panlalaking amoy ng binata. Hindi rin masikip ang kotse. O siya lang talaga iyon? “Come on. Relax. Wala nang makakagalaw sa’yo.” Nilingon niya si Logan na kahit blangko ang mukha ay dama niya sa tinig ang pagkasinsero. Ipinilig niya ang ulo. “Wala ito. May naalala lang ako.” “It’s bad?” “Hindi naman.” Hindi siya komportable sa usapan kaya naman iniba niya iyon. “Iba ata ang dala mong kotse at wala kang kasama.” “May iniuutos ako kay Slick.” Nagsalubong ang kilay niya. “Slick?” “Ang lalaking naghatid sa’yo sa bahay.” “Ah! Si kuyang hindi nagsasalita?” malakas niyang ani sabay sulyap kay Logan. “Slick ang pangalan niya?” gulat na gulat niyang tanong. Hindi niya akalaing may tao palang may ganoong pangalan. Logan chuckled. “That’s his codename, but not his true name.” “Ohhh… I see.” “He’s an efficient but crafty man. Slick as a snake. That’s why he’s known as Slick.” “I thought it’s because of his hair.” Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala ang magandang pagkakasuklay ng buhok ng lalaki. Madaling-araw nang makita niya ito pero maayos na maayos ang buhok. Hindi man lang nga nagbabago ang hairstyle nito. She heard Logan laughed. “Hindi ko sasabihin sa kaniyang sinabi mo iyan.” “Is he grumpy?” Logan shook his head. “Depends.” “Ohh… Bodyguard thingy,” she muttered. “How do you know he’s my bodyguard?” Logan questioned. Napalingon siya rito. “H-hindi ba?” May kabang lumukob sa dibdib niya nang mapansin ang pagbabago ng tinig nito. Mukhang mali na gumawa siya ng assumption na bodyguard nito ang lalaki. “I’m not saying his not. Nagtaka lang ako kung paano mo nasabi.” “Hmmm…” ‘Bilisan mo pag-iisip, Eila. Daldal mo kasi!’ sigaw ng utak niya nang tila maubusan na ng isasagot. “Ano… Ganoon kasi ang madalas kong nakikita sa AllyRose. Napakaraming anak-mayaman ang pumapasok roon kaya madalas magkita ako ng personal driver at mga bodyguard. Kapapanood ko rin siguro ng movie.” Tumango-tango si Logan. “Mukhang close kayo ni Mrs. Oliviera.” Awtomatikong nakagat niya ang pang-ibabang labi. Mukhang hindi talaga tama na sumakay siya. Ang daming napapansin ni Logan. “Halata ba?” “Just my assumptions.” Bumaba ang mata niya sa kandungan. “She’s the one helping me right now. Siya ang nagpapaaral sa akin at ngayong ga-graduate na ako, malaki talaga ang utang na loob ko sa kaniya.” “Wala ka na bang mga magulang?” ‘Darn it! Mukhang mali pa rin ang sagot niya. Come on, Eila… Thinkkkkk!’ Hindi pa siya nakakasagot nang magsalita muli si Logan. “Sorry, I didn’t mean to pry. I shouldn’t be asking personal questions.” “Ha? Hindi naman. Okay lang iyon.” “Kakikilala pa lang natin pero heto ako at tanong nang tanong ng kung ano-ano.” “It’s fine.” Hindi niya masisisi si Logan. Kahit siya naman parang unti-unting napapalagay ang loob niya rito. Kung wala lang siyang itinatago baka walang problema sa kaniya na makipagkwentuhan rito. “Magtatanong ako pero kung ayaw mong sagutin ay okay lang.” “Shoot.” “Kumusta ang kapatid mo?” Dagling nagbago ang ihip ng hangin. Sasansalain na sana ni Eila ang itinanong nang tumugon si Logan. “Maayos na siya. Nagpapalakas na lang pero baka sa sunod na pasukan na siya makapasok.” “Mabuti naman at ayos na siya. Sorry about what happened to him.” “He did that to himself,” may riing ani Logan. “I didn’t like what happened to him but he had a choice that time. He made that choice once he let those funks enter your school.” Nagugulumihanang binalingan niya si Logan. Magkasalubong ang kilay nito at nakaisang linya ang labi. Dama niya ang inis nito, kung sa sariling kapatid o sa mga taong nanakit sa kapatid nito—hindi niya alam. “Perhaps, he’s up to something,” mahinang usal niya. “He’s too cocky.” “Siguro hindi pa niya nakikita ang halaga ng buhay.” Eila didn’t understand why she was saying those things. Hindi niya ipinagtatanggol ang kapatid nito, naguguluhan rin siya. “You haven’t meet him yet.” Pinili na lang niyang manahimik. Hindi niya lubos na kilala si Logan o ang kapatid nito. Ang tangi lang niyang pinanghahawakan ay ang pagliligtas ng binata sa kaniya. Wala na siyang karapatang manghimasok sa buhay nito. Minsan pa’y iniba niya ang daloy ng usapan. “Salamat nga pala sa hindi pagsasabi kay Mrs. Oliviera ng nangyari noong gabing iyon.” “So, it’s true na ayaw mong ipasabi sa kaniya.” “Ayaw ko lang siyang mag-alala.” “Then you owe me one more time.” “What?” Logan grinned. “I smelled the orange rolls in her office. I’m thinking what it tastes like.” Bumuka ang bibig niya pero dahil sa kawalan nang sasabihin, napatawa na lang siya. Para kasi itong batang hindi nakatikim ng paboritong kendi. “Dito na ba ang bahay mo?” Tumingin siya sa labas. Nasa tapat na nga sila ng gate ng bahay niya. At hindi niya napansin iyon dahil sa kwentuhan nila ng binata. “Dito na nga. Thank you so much, Logan.” “Nothing to worry about.” Ipinarada nito ang kotse sa gilid. Bumaba sila ng sasakyan. “Pasensiya ka na, hindi pa kita maiimbitahan sa loob.” May tabinging ngiting aniya. “Wala iyon. May pupuntahan pa rin naman ako.” Nilapitan siya nito at inilahad ang palad. Napatingin siya roon. “This is my card. In case you need anything, just contact me.” Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Inabot niya ang card nito. “No… I’ll contact you to give your cupcakes.” “Then that’s better.” Umangat ang sulok ng labi nito. Tuluyan nang nawala ang seryosong Logan dahilan para mas lalo itong gumwapo sa paningin niya. “Thanks again for the ride of life.” “Ride of life?” nagtatakang usisa ni Logan. “Nakalibre ako ng sakay na may bonus na kwentuhan. It’s good to talk to someone.” And that’s true. She, sometimes, missed to make some deep talks. “Then, let’s do it again… sometimes…” Tinitigan niya ang binata. She would love that offer… But was it the right choice? “Perhaps when I claim my rewards cupcakes,” Logan continued. “Yeah…” She beamed as she calmed her nerves. Perhaps, next time… or some other time… ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD