CHAPTER NINE “We Meet Again”

1935 Words
“Papasok na po ba tayo?” “In five.” “Yes, Sir.” Mula sa loob ng sasakyan ay pinanonood ni Logan ang dalawang dalagang nakaupo sa bench hindi kalayuan sa pinag-parkingan ng kaniyang kotse. Sa tuwing pumupunta siya ng AllyRose, pinapapasok niya ang sasakyan sa field hanggang sa tapat ng building kung nasaan ang opisina ng may-ari ng paaralan. At isang magandang pagkakataon na makarating siya nang maaga sa paaralan. “Hindi ninyo po ba siya lalapitan?” tanong ni Slick, ang personal bodyguard at driver niya. Ito rin ang kasama niya nang gabing nalagay si Eila sa kapahamakan. Ito rin ang inutusan niyang maghatid sa dalaga sa bahay nito. He had to set distance from her that day, or he’d lose his grip. “No. Not now.” “Okay, Sir. Maiba po ako. Ano pong gagawin doon sa apat na lalaki?” Nakuyom niya ang kamao. Hanggang sa mga oras na iyon ay dama pa niya mula sa kamao kung paano halos malasog ang buto at panga ng apat na lalaking sumubok pagsamantalahan si Eila. Wala siyang pinalagpas kahit isa sa mga ito. “Hindi na ba sila magsasalita?” “Pagkatapos ng nangyari sa kanila, malabo na Sir. Baka nga hindi na sila makilala pa.” “Release them, but make sure that once they repeat the same mistake, I’ll hunt them.” Mariin at puno ng pinalidad na aniya. “I’ll tell the boys.” Hindi na siya nagsalita. Nanatiling nakatuon ang tingin niya sa dalawang dalaga na kasalukuyan nang naglalakad patungo sa building. ‘Hindi pa ito ang oras, Logan… Maghintay-hintay ka lang…’ ***** Tapos na ang exam kaya naman wala na ring klase. Halos madalang na lang ang mga estudyante na pumapasok sa AllyRose. May ilan naman nag nagko-kompleto pa ng mga projects nila kaya pumapasok. Si Eila, complete na siya sa lahat ng projects niya sa lahat ng subjects. Kumpleto na rin ang pirma ng clearance niya. Pumapasok na lang siya para mag-assist sa ibang teachers na kailangan ng tulong, para sa practice ng graduation march at siyempre para sa Tita Gen niya. Pangiti-ngiti siyang naglakad patungo sa office nito. Break time at nakasanayan niya na kapag panahon ng completion ay dinadalahan niya ito ng kung ano-ano sa opisina nito. Kung nabuksan na nito ang orange roll, isa na lang ang kailangan nito—coffee. Nang sapitin niya ang opisina ay isang pamilyar na lalaki ang nakita niyang nakatayo sa labas ng pinto. Nilingon siya nito pero hindi ito nagsalita. Ilang segundong tinitigan niya ito nang may bumbilyang tila umilaw sa ibabaw ng ulo niya. Kilala niya ito! “Hi, Kuya Hmm—ano ngang pangalan mo?" Napakamot siya sa ulo habang iniisip kung anong pangalan ng lalaki. “Pasensiya ka na, hindi ko alam ang pangalan mo,” bulalas pa niya. “Anong ginagawa mo rito?” Ito ang pares na lalaking inutusan ni Logan na sunduin siya sa silid at ihatid siya sa bahay niya. Alam niyang natatandaan siya nito. Nakakapagtaka lang na hindi ito nagsalita na para bang wala itong naririnig. Tiningnan lang siya nito. “May kailangan ka ba sa loob?” tanong pa niya sabay hakbang palapit sa pinto ng opisina. “Pwede ka namang pumasok sa loob.” Akmang kakatok si Eila nang makarinig siya ng malakas na paghampas sa loob na sinundan nang malakas na tinig ni Tita Gen. “No, Mr. Kyde! Siya ang nagpapasok sa mga estudyante na iyon. Kung may kakulangan man ang paaralan sa nangyari sa kaniya, handa kaming magbigay ng danyos-perwisyo pero hindi sa paraang gusto mo.” Parang tuod na nanigas si Eila sa kinatatayuan habang nasa ere ang kamay. Hindi niya lubos na naunawaan ang ibang sinabi ni Tita Gen pero nang marinig ang pangalang Mr. Kyde, mukhang alam niya na kung bakit nasa labas ang lalaking kaharap niya ngayon. Nasa loob si Logan! Weird, but her heart began to thump harder than before. Kausap nito sa loob ang Tita Gen niya. Marahas na nilingon niya ang hindi nakikilalang lalaki. “Is Logan talking to Tita Gen?” The man with no name didn’t speak but his eyebrows furrowed. “May nangyari ba?” pag-uusisa pa niya subalit nananatiling tahimik ang lalaki. Alam niyang hindi pipi ang lalaki dahil minsan na silang nagkausap nito. Kung ang paraan nang pagkilos, pag-akto at pananalita nito noon ang pagbabasehan, isa lang ang ibig sabihin noon—trained bodyguard ito. And that's the reason why he's not answering her. Bakit ba hindi niya agad naisip na ang gaya ni Logan ay kailangan ng isang bodyguard. Eila was about to ask him again but paused when the door went open. Napaurong siya nang lumitaw mula sa nabuksang pinto si Logan. Nakasuot ito ng all black suit and white undershirt. Gaya noong una niyang makita ito sa labas ng opisina ni Mr. Guanco, seryoso ang mukha ng binata. Nakahawak ang kanang kamay nito sa seradura ng pinto habang ang isa ay nakalahad na para bang may iminumwestra ito. Isang simpleng gesture pero parang may kakaibang dating sa kaniya. Truly, Logan had this kind of charisma that no woman couldn't resist. Napalunok siya nang magtagpo ang mga mata nila. Something in his eyes sparked the moment he saw her. He seemed surprised and the other... she couldn't describe what it was—fascination? Longing? Hopeful? No. That's impossible! Mabilis lang ang naging pagbabago ng ekspresyon ni Logan at bumalik na sa pagiging seryoso at intimidating. Ni walang bakas ng kahit anong reaksyon sa mukha nito. “L-lo—" “Eila?” Parang nahimasmasan si Eila nang marinig magsalita si Tita Gen mula sa tabi ni Logan. Mabilis na umalis siya sa daan nang pinaunang palabasin ito ni Logan bago ang binata. “S-sorry, Mrs. Oliviera.” Tahimik at walang kangiti-ngiting nakatingin lang sa kaniya si Logan habang nagtatanong ang mga mata ng kaniyang Tita Gen. “Hmmm…” Naglipat ang mga mata niya sa dalawa bago tumigil sa kaniyang tita. “Nagdala po ako ng coffee.” Itinaas niya ang dalang dalawang kape. “Partner sa orange rolls.” Pinilit niyang ngumiti kahit na hindi niya na talaga maipaliwanag ang nararamdaman. Mukha siyang shunga sa harap ng mga ito. Bakit ba nawala sa isip niyang may issue pang inaayos ang kaniyang tita at si Logan. “I see. Thank you.” Nilingon nito si Logan. “By the way, this is Mr. Logan Ezekiel Kyde of Kyde Enterprises.” Pagpapakilala ni Tita Gen. Wala itong alam na magkakilala na sila. Pasimpleng nilingon niya si Logan. Matiim ang tingin nito sa kaniya pero tila may sinasabi ang mga mata nito. Dalangin niya, ‘wag sana nitong maungkat na nagkakilala na sila. “Hmmm… Good morning, Mr. Kyde. Welcome to AllyRose. It’s a pleasure to see you here,” pagbati niya bago nag-bow ng mabilis. Isang nakagawiang pagbati sa tuwing may dumarating na mga kilalang tao sa paaralan. “Good morning too, Miss Eila,” ganting bati nito na nagpatigil sa kaniya. ‘Geez, bakit kailangan niyang banggitin ang pangalan ko?’ Naglipat ang tingin ng kaniyang Tita Gen sa kaniya at kay Logan. “Do you know each other?” “Hmmm…” “Yes.” Gustong lumuwa ng mga mata ni Eila nang sumagot si Logan. Ang kaninang mabilis ng t***k ng puso niya ay mas nadoble ang bilis na para bang lalabas na lang iyon mula sa rib cage niya. Hindi maaring sabihin ni Logan na iniligtas siya nito. Hindi pwedeng malaman ng tita niya ang nangyari noong isang gabi. “Really? curious na tanong ni Tita Gen. “How?” Pigil ang hiningang akmang sasagot siya nang naunang magsalita si Logan. “Nagkita na kami sa labas ng office ni Mr. Guanco. I just her something.” “Ohh.” Tumango-tango si Tita Gen sabay baling sa kaniya na para bang hindi ito kumbinsido sa sinabi ni Logan. “O-opo, Ti—Mrs. Oliviera.” “I see.” Si Logan naman ang binalingan niya. “Working student po ako rito kaya kung makikita ninyo akong pakalat-kalat rito, that’s the reason why.” “Now I know why you have those.” Makahulugang sinulyapan nito ang dala niyang kape. Napakagat-labi siya. “Well, maraming salamat, Mr. Kyde. I hope maayos na natin ito this time.” Laking pasasalamat niya at inagaw na ni Tita Gen ang atensiyon ng binata. “Yes, Mrs. Oliviera. I’ll phone you once na nagkasundo kami.” Binigyan siya ni Logan ng huling sulyap bago tumalikod na ito. Nang tuluyang mawala ito sa paningin niya ay bahagya siyang nakadama ng kapanatagan. Hindi niya napansin na halos hindi siya humihinga. “Mabuti pa’y pumasok ka muna,” paanyaya sa kaniya ni Tita Gen nang tuluyang makaalis ang dalawang lalaki. Sumunod naman si Eila rito. Nagtaka pa siya ng i-lock nito ang pinto at isara ang mga blinds bago nanghihinang naupo sa couch na nasa tapat ng table nito. “Gosh! But talking to that man felt like I’m walking on fire.” “Is he really that dangerous… just like what you said?” Eila asked cautiously while she put down the coffee. “He can be if he wanted to.” “Ano po bang gusto niya?” patuloy siyang nagtatanong habang kinukuha naman ang box ng orange rolls na dala kanina. Kumuha rin siya ng platito at kubyertos mula sa kitchenette ng opisina at inilapag sa center table. Huminga nang malalim si Tita Gen bago sumagot. “Noong una, gusto niyang maalis ang mga guard na bantay ng mga oras na nabugbog si Tom Kyde, pati na ang teacher na duty that time. It’s irresponsibility in his perspective. Which is hindi ko naman siya masisisi kung iyon ang naiisip niya.” “Pumayag po kayo? Sinabi ninyo na si Tom mismo ang nagpapasok rito sa campus ng mga kabataang iyon.” “Na hindi mangyayari kung naging maingat ang guard that time o kung napansin kaagad ng teacher na nawawala ang bata.” “Pero hindi na po siya bata,” hindi mapigilang giit niya. Umiling-iling si Tita Gen. “Noong una kaming mag-usap, na-settle ko na ito.” Napasandal si Tita Gen sa couch at marahang hinilot ang sentido. “Nagkasundo na kami na suspended ang guard at teacher na duty ng mangyari ang insidenti. Kami na rin ang bumayad ng mga nagastos ni Tom sa pagpapagamot. Pero bigla na lang nagbago ang isip niya." “Nagbago? Paano po?" “I don’t know. I think he’s just playing around. Hindi problema sa kaniya ang perang pagpapagamot at wala siyang pakialam sa mga guard at teachers. Pero parang may hinahanap siya sa paaralang ito.” “What do you mean?” May pagkabahalang tinitigan siya nito. “Hindi nagpapatalo ang mga Kyde, Eila. Hindi sila tumitigil hanggang hindi sila nakakatiyak na alam mo na kung hanggang saan ka lang. Pero sa tuwing maglalatag ako ng compensation sa kaniya, para bang may iba siyang gusto.” “Do you think he wanted revenge…” “Na kung gusto nilang makuha ay hindi nila mababalikan rito sa paaralan. Wala rito ang bumugbog sa half-brother niya." “Kung ganoon, ano po?” “Hindi ko rin alam.” Inabot ni Tita Gen ang platito at kumuha ng rolls. “Ikakain ko muna ito para makapag-isip ako nang maayos.” “Sige lang po.” Pinanood niya ito habang iniisip kung anong gusto ni Logan. Ang nakilala niyang Logan noong isang umaga ay kabaligtaran ng Logan na ipinapakita sa kaniya ni Tita Gen. Kung aling Logan ang totoo, iyon ang hindi niya alam... ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD