‘Nasaan ka na ba talaga?’ Ito ang bulong ng isip ni Eila habang nakatitig kay Slick na humahakbang palapit sa kaniya. Pasimple niyang nililingon ang sasakyan sa pag-asang biglang bababa roon si Logan pero nakalapit na sa kaniya si Slick ay walang Logan ang bumababa mula sa sasakyan. Naniniwala rin siya na kung naroon ang binata, tiyak na ito ang unang bababa ng kotse. Kung paano siya nakakasigurado sa bagay na iyon. Hindi niya alam. “Miss Eila…” bati ni Slick nang makalapit sa kaniya. Nag-focus ang mga mata niya kay Slick. “H-hi! Long time no see,” may himig pagbibiro na aniya. “Akala ko mali ako nang nakita kaya muntik na kitang malampasan. Pasensiya ka na.” He sounded apologetic. “Wala iyon.” Tipid na nginitian niya ito bago nagpatuloy. “Saan ka pala pupunta?” “May iikutan lang sa

