“So, Miss Solace, narito na sa kusina lahat ng kailangan mo.” Maarteng iwinagayway ni Chef Cris ang kamay niya habang naglalakad. “We have different types of oven, mixer and refrigerator. Depende sa pangangailangan ng pastry. Siguro naman ay alam mo na iyon?” “Yes, chef,” mabilis niyang tugon. Ito ang Executive Pastry Chef ng Dolce Amor sa branch kung saan siya na-assign. Matapos siyang samahan ng staff kahapon sa HR ay pinagsimula kaagad siya kinabukasan. Nag-iipon pa siya ng maraming lakas ng loob kaninang umaga bago pumasok pero ang bumulaga sa kaniya ay ang banidosong si Chef Cris. Puting-puti at talagang plantsado ang suot nitong uniporme nang harapin siya. “Good. Nasa kabilang section naman ang mga proofing cabinet.” Tumigil ito sa paglalakad at kunwa’y huminga nang malalim habang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


