Seven thirty pa lang ay nakahanda na siya. Nagpaalam na siya sa Mama nya. Quarter to eight nang dumating si Raine. Nang makasakay ay nagtaka siya nang may nakitang mga bote ng alak sa likod. Nagtatanong ang tingin nya dito. " Oh, I need that para magkalakas loob akong sabihin kay Riley ang tungkol sa pag-alis ko," sagot nito. Tumango lang siya. " Siyanga pala, sabi ni Riley may sorpresa ka daw sa kanya?" naalala nyang itanong habang nagmamaneho ito. " Yep. Surprise naman talaga iyon saka hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya, eh. Kailangan ko talaga ng support mo at ng alak," kinakabahang sabi nito. " It's okay. Andito lang ako. Tutulungan kitang magpaalam kay Riley," nakangiting sabi nya. " Thanks, Leigh," nakangiting baling din nito sa kanya. Pagdating nila ay naabutan

