KABANATA 1
Tirik na tirik ang araw at tanging baseball cap lang ang natatanging proteksiyon niya sa matinding sikat nito. Hindi niya alintana iyon dahil sanay na siyang magbilad sa araw. Nasa gitna siya ng field at nakahanda na ang baseball bat na hawak niya. Habang hinihintay ang bola ay napagawi ang tingin niya sa kinauupuan ni Riley na naka-baseball cap din at pinaglalaruan ang bola habang nakikipag-flirt sa isang babaeng katabi nito. Namukhaan niya iyong babaeng iyon na may patampal-tampal pa sa binti ng kaibigan niya habang tumatawa. Ahead iyon sa kanila ng one year.
As usual, kumikinang na naman sa kaputian ang babaeng kaharutan nito. Weakness nito ang mala-porselanang kutis. Napatingin pa siya sa sunog na sunog na balat. Alam niyang nagmumukha na siyang baluga sa halos araw-araw ba namang pagbibilad sa araw dahil sa larong iyon.
Sa katunayan, hindi niya hilig ang softball pero dahil player si Riley sa baseball ay nahikayat na rin siyang maglaro ng softball para may dahilan siya para sumama-sama sa practice nito at magpaturo na rin. Kalaunan ay nagustuhan na rin niya ang larong iyon hanggang sa naging mahusay na rin siya. Ikaw ba naman ang maturuan ng isang Riley Yohan del Rios!
Sikat ito sa school nila sa maraming kadahilanan. Unang-una ay ang angkin nitong kagwapuhan. Namana nito ang mukhang iyon sa Lolo nitong Italyano. Ang apelyedong dala nito ay nagpapahiwatig rin ng karangyaan sa buhay pero namumuhay lang ito ng normal kasama ang ina nito. Nagpakasal sa iba ang ama nito at nagkaanak ng isang babae sa asawa.
Matagal ng gusto ng ama ni Riley na kunin ito at sa mansyon ng pamilya nito manirahan o kaya'y ilipat sila sa malaking bahay at pag-aralin sa exclusive na paaralan pero tumatanggi lang ito lagi. Ayaw nitong iwan ang ina at kahit pa nga sabihin kasama nya ang ina sa lilipatan ay alam nitong maasiwa lang ang ina kaya minabuti nitong manatili sa maliit na lugar nilang iyon na parte pa rin naman ng Maynila.
Nakita niya nang may ibinulong si Riley sa babae na ikinakilig naman nito. Tingin pa nga niya ay parang mangingisay pa ito sa sobrang kilig.
Flavor of the month! Naisip niya. Alam niya kasing kabi-kabila ang nilalandi ng kaibigan at wala pang tumagal dito ng mahigit isang buwan.
Napaismid na binaling na niya ang tingin sa pitcher. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bolang palipad na sa gawi niya. Natatarantang pinalo niya agad iyon ng baseball bat. Kundi pa niya natamaan iyon ay siguradong sasamplak iyon sa pagmumukha niya. Napasigaw ang mga nanood nang makita kung saan patungo ang bolang tinamaan niya.
Napaangat na rin ng tingin si Riley at nakita ang bolang papunta sa pagmumukha ng babaeng kaharutan nito. Nabigla man ay maagap na nasalo ito ni Riley dahil suot-suot din nito sa kamay ang gloves sa baseball. Matinis ang sigaw ng babae habang nakapikit na tinatakpan ang mukha. Matagal bago ito kumilos. Saka lang nito inalis ang kamay sa mukha nang marinig ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Napakunot-noong napatingin si Riley sa direksyon nya, nagkibit-balikat lamang siya at pumunta sa mga kasama nya. Third strike na nya iyon kaya OUT na siya.
Agad na sumalampak siya sa damuhan sa tabi ng kasamahan nya na inabutan siya ng mineral water. Mabilis na kinuha nya iyon at habang iniinom iyon ay dumako uli ang mga mata sa kinaroroonan ni Riley na akap-akap ng babaeng kausap nito kanina. Nakita nyang hinimas-himas ni Riley ang likod nito na parang inaalo ito. Tinutukso naman ang mga ito ng mga tao sa paligid. Nakita rin nya ang ilan sa mga kababaihang nakamasid na masama ang tingin sa babaeng umaakap sa kaibigan nya.
" Ang OA," medyo napalakas na sabi nya na narinig ng katabi nya na nakatingin din pala kina Riley.
" Sila na ba ni Chloe?" tukoy nito sa babae na hanggang ngayon ay parang tukong nakakapit kay Riley.
" Aba, malay ko! Hindi ka na nasanay sa classmate nating iyan?" pabalewalang sabi nya na inalis na ang tingin sa dalawa.
" Hay, bakit ba kasi ang gwapo-gwapo ng kaibigan mong iyan. Ilakad mo naman ako," parang nangangarap na sabi nito habang nakatingin pa rin kina Riley.
Napataas kilay na napatingin siya sa katabi at muntik pang matawa. Mas lamang ang pagkabaluga nito kesa sa kanya.
" Asa ka pa, magpa-puti ka muna," nakatawang sabi nya.
Pero hindi siya nito pinansin at bigla ay umigik ito na pinagtaka nya.
" Aay, papunta na dito si Riley, eh!" parang sinisilihan ang pwet nito at hinila-hila pa ang manggas ng suot nya.
Napatingin din sya sa tinitingnan nito at nakita nga nya si Riley na papunta sa kanila. Parang nag so- slow motion ang lakad nito sa paningin nya. Siya man ay parang natulala dito na para bang bumaba ang isang anghel mula sa langit. Nahimasmasan lang siya nang bigla nitong pinisil ang magkabilang pisngi nya habang nakangiti.
" May kasalanan ka, ha?" anito sa kanya pero nakangiti naman.
Wala na siyang narinig mula sa katabi. Agad na nilingon nya ito at tama nga siya, parang aatakehin ito sa dibdib habang nakatitig lang kay Riley. Mas lalo pang nanlaki mga mata nito nang balingan ni Riley at ngitian.
" Hi, Dina," bati ni Riley dito.
" H-hi, R-ri," parang hirap pa itong magsalita. Napipilitan pa nga itong tumayo dahil tinawag ito ng coach nila.
Agad na inalis nya ang kamay ni Riley sa pisngi nya dahil di pa rin nito iyon binitawan.
" Tsk. Ano na naman ang kasalanan ko?" palis nya sa kamay nito at tiningnan ang pinanggalingan nito kanina at nakita nga nya si Chloe, Chloe ba iyon? Di ba iyon iyong sabi ng katabi nya?
Nakatingin din ito sa kanila na nakasimangot. Ang talim pa nga ng tingin nito sa kanya.
" Bakit nakabusangot iyong bago mong girlfriend?" nguso nya sa babaeng di ata sya tatantanan ng masamang tingin.
Napatawa lang si Riley at sumalampak na rin sa damuhan sa tabi nya at kinuha ang bote ng tubig na ininuman na nya at uminom na rin doon. Para namang may nagliliparang paru-paro sa tiyan nya sa ginawi nito. Para na rin silang nag lips to lips nito! Pero hindi nya pinahalata ang nararamdaman. Alam nyang namumula mukha nya dahil nag-iinit ang mga pisngi nya pero dahil ang baluga ng kulay nya, hindi rin nito mapapansin iyon.
" Hindi ko girlfriend iyon," anito nang makaupo na nang tuluyan saka ibinalik ang nangangalahati na nyang bote.
Patay-maling uminom rin sya para fresh pa ang bakas ng labi nito sa bunganga ng bote. Gusto din ata nyang mangisay sa kilig nang lumapat na bibig nya sa bote. Parang pakiramdam nya ay parang hinahalikan nya na rin si Riley.
" Are you okay?" biglang baling ni Riley sa kanya.
" Y-yah, w-why?" sagot nya nang pabulol.
" You look weird. Saka parang ayaw mo nang tantanan iyang bote, ah," sabi nito nang mapansing di pa rin nya inaalis sa bibig ang bote.
Umirap lang siya dito at mabilis na inubos na ang laman ng bote.
" Buti nasalo ko iyong bola kanina kundi kawawa ang magandang mukha ni Chloe." nakangiting sabi nito na nakatingin na sa gawi ng babae na biglang pumungay ang mga nanlilisik na mata kanina nang mapansing nakatingin na dito si Riley saka ngumiti pa sa lalaki kahit nasa malayo.
" Maganda ba iyan? Maputi lang iyan, eh," inis na sabi nya.
Napatawang napabaling ang tingin ni Riley sa kanya. Saka napakunot-noong napatitig sa kanya.
" Oo, alam ko. Wala akong karapatang manlait dahil mukha akong baluga. Pero nasunog lang ako sa araw. Pag pumuti ako uli, mas maganda ako diyan," sabi nyang di tumitingin dito nang mapansing parang mataman siyang pinagmasdan nito.
Napailing-iling na napatawa lang ito.
" If I didn't know you better, I would think that you're jealous," at mas lalo pa itong tumawa.
Mabilis na sinuntok nya ito sa braso.
" Ang kapal!"
" Aray!" sabi nito kahit di naman masakit ang pagsuntok nya saka tumawa pa ito lalo na halos ikahiga na nito sa damuhan.
" Sira!" sabi nyang umirap pa dito.
Pero sa loob-loob nya ay medyo kinabahan siya. Napaghahalata na kaya siya? Hindi nya alam kung kailan nagsimula iyong kakaibang nararamdaman nya dito. Simula't sapul ay sila na ang magkasama dahil matalik na magkaibigan din ang mga ina nila dahil magkatapat lang ang mga bahay nila sa isang Subdivision na malapit lang sa School na pinapasukan nila ngayon.
Parehong nasa third year Highschool na sila at magka-klase sila lagi. Hindi naman sa pagmamayabang pero pareho silang matalino ni Riley kaya lagi silang nasa Section One. Nangunguna lang talaga ito lagi at siya naman ay kasali lagi sa Top Ten. Kaya nga di na siya nagtataka kung marami mang babaeng nagkakandarapa dito kahit nga iyong mga nasa Senior year na dahil bukod sa gwapo ito ay lagi pang Top One. Hindi lang ito puro mukha. Kumbaga, complete package na.
Hindi yata nakatiis iyong Chloe dahil nakita nya itong papalapit sa kanila. Iyong nanlilisik na mata kaninang nakatingin sa kanya ay papungay-pungay na ngayong nakatingin kay Riley habang humahakbang ito palapit.
Nakangiting tumingin din dito si Riley at nang nasa harap na nila ito ay nagpalinga-linga pa ang kaibigan nya na parang may hinahanap. Nang makita ang Tshirt na nasa damuhan ay kinuha nito iyon at inilatag sa tabi nito.
" Hi, again! Upo ka muna," anluwang ng ngiti nito sa babae.
T-shirt ko iyon, ah! Tatayo sana siya para hablutin iyon nang makitang umiling-iling ang babae.
" I'd love to but No thanks. Magugusot uniform ko, eh," maarteng sabi nito na hinawakan pa ang palda.
" Oh, I see. But, yes, may kailangan ka?" nakangiti pa ring sabi ni Riley dito.
Pareho silang nakatingala dito habang patuloy naman ito sa pagpapa-cute at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
" Ahm, I think you forgot something," masyadong pabebe ang boses nito habang pahawi-hawi pa ito ng ilang hibla ng buhok sa mukha.
" And that is?" parang sinasakyan din ng lalaki ang pagpapa-cute nito.
Eww! Talaga bang magiging witness siya sa paghaharutan ng mga ito?
" My number," napahagikgik na sabi ng babae na inabot ang isang papel na may nakasulat. At di na nya kailangan hulaan kung ano'ng nakasulat doon.
" Oh!" tanging sabi ni Riley na agad na kinuha ang papel na di man lang iyon tinignan at agad na ibinulsa at nanatiling nakangiti sa babae.
" Sige. I have to go," malambing na wika pa nito saka nag-aatubiling tumalikod na para bang hinihintay nitong pipigilan ng kaibigan nya.
Kumunot lang noo nya na pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito na parang wala atang planong magbawian ng mga tingin.
Inis na tumayo siya at kinuha ang T-shirt na nilatag ni Riley kanina.
Saka naman tumingin si Riley sa kanya at mabilis na napigilan kamay nya bago pa siya nakaalis.
" Hey, wait!" tumayo na rin ito at tumango lang kay Chloe na hindi pa rin pala umalis kahit nagpaalam na ito.
Nakita pa nyang napaismid ito nang tingnan ang kamay ni Riley na nakahawak pa rin sa kamay nya nang makatayo na ito. Lalo pang di maipinta mukha nito nang akbayan siya ng lalaki.
" Saan ka ba pupunta? Hindi pa tapos laro nyo, ah," tanong nito sa kanya na nakaakbay pa rin.
Sanay na siyang akbayan nito pero magmula nang naging crush nya ito ng palihim ay kinikilabutan pa rin sya pag nahahawakan nito.
Tumingin sya sa score board.
" Sure namang panalo na kami. Magbibihis na ako para makauwi na. Sasabay ka ba?" tanong nya dito.
Nakita nyang parang tuod na nakatayo lang si Chloe sa harap nila. Bigla ay napahalukipkip pa ito na wala atang planong umalis.
Tumaas uli ang kilay nya na napatingin dito.
Ano ban'g hinihintay ng babaeng ito?
" Sabay saan? Sa pagbibihis mo?" tudyo ni Riley.
Nakita nyang kumibot-kibot ang labi ni Chloe nang mapatingin siya uli dito.
" Sira! Uuwi na ako pagkabihis, sasabay ka ba or lalandi ka pa?" diniinan nya ang huling salita saka sinulyapan ang babaeng di nya alam kung ano pang hinihintay na nakatayo pa rin sa harap nila.
" Of course, sabay na tayo," sagot ni Riley saka ito na ang naunang humakbang paalis habang akbay pa rin siya. Nakalimutan na nito ng tuluyan ang nakatangang babae.
Lumingon pa siya sa babae at nakita nya ang di makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito. Saka nya naman ito nginitian bago tuluyang nagpatianod kay Riley.
Dahil malapit lang naman ang school nila sa Subdivision na tinitirhan ay nilalakad lang nila ito ni Riley. Hindi rin naman ito umuuwi agad sa kanila dahil laging gabi na umuuwi ang ina nito na may pwesto sa Divisoria. Kahit kasi mayaman ang ama ni Riley ay hindi ito tumatanggap ng kung anuman galing sa Papa nito maliban na lamang sa buwanang sustento ni Riley na hindi rin ganun kalaki dahil ito ang nag-set ng amount na tatanggapin lang nito para sa anak.
Wala din naman siyang halos kasama sa bahay dahil ang Mama nya ay isang guro sa isang pampublikong paaralan na medyo malayo sa kanila kaya madalas din ay gabi na ito nakakauwi. Ang Papa nya naman ay matagal ng nangibang bahay. Seaman kasi ito at bigla na lang isang araw ay pinutol na nito ang komunikasyon at ang sustento sa kanya. Nalaman na lang nilang umuuwi na pala ito sa kabit nito.
Hindi na naghabol ang Mama nya. Nasaktan din sya at umiyak pero naka-move on din sya agad dahil di rin naman nya ito nakakasama palagi simula nung bata pa siya. Minsan sa isang taon lang nya ito nakakasama dahil nga palaging nasa barko ito. Kung magbakasyon man ay ilang linggo lang lumalagi sa kanila. Chickboy ang dating ng Papa nya kasi nga gwapo ito. Maganda din ang ina nya kaya nga madalas siyang tinutukso ni Riley kung kanino ba siya nagmana na ikinasama naman ng loob nya nang di nito alam. Dahil para na ring sinasabi nitong pangit sya kahit indirekta.
Dahil feel at home na masyado ang kaibigan nyang ito ay dumiretso na ito sa kusina nila nang makapasok sila ng bahay. Agad na kinuha nito ang pagkaing andun na alam nyam nyang hinanda ng Mama nya. Alam kasi nitong sa kanila dumidiretso ang kaibigan nya kaya't laging may nakahandang meryenda ito sa ref.
Nilalantakan na nito ang pagkain at siya naman ay dumiretso ng kwarto habang mabilis na naligo. Kanina pa siya nanlalagkit dahil sa laro nila. Intrams kasi ng school at pareho silang player ni Riley.
Mga five minutes lang siyang naligo at nagbihis na ng pambahay. Naka t-shirt at shorts na siya nang bumaba at naabutan nya itong kumakain pa rin habang nakaupo sa may kusina nila. Naka- uniform pa rin ito ng pang baseball at naka-cap pa rin.
Lumapit sya dito at kumuha na rin ng pagkain.
" Grabe, di ka naman gutom, noh?" sabi nya nang mapansing halos maubos na nito ang inihanda ng Mama nya.
Tumawa lang ito.
" Saka maligo ka na, amoy araw ka na, ha!" kunwari ay reklamo nya pero sa totoo lang ay mas mukhang mabango pa rin ito sa kanya kahit bagong paligo sya.
" Ah ganun? Bakit kaw mabango ka na ba?"
Hindi nya inaasahan ang ginawa nito nang lumapit ito sa kanya saka biglang inamoy ang buhok nya. Natigilan sya at bago pa sya atakehin sa puso ay bigla din itong lumayo.
" Amoy maasim ka pa rin naman, ah," nanunudyong sabi nito.
Wala sa loob na inamoy nya rin buhok nya saka ung Tshirt nya. Amoy Downy naman, ah!
Tumawa ito nang malakas nang mapansin ang ginawa nya.
Inirapan nya lang ito at itinuloy ang pagkain.
Mabilis na tinapos nito ang pagkain at nagpaalam.
" Uwi muna ako nang makaligo dahil nakakahiya naman sayo. Humahalimuyak na ang bango mo, eh," nang-aasar na sabi nito.
Akmang tatayo siya para hampasin ito nang tumakbo na ito palabas ng bahay nila habang tumatawa.
Natatawang napapailing na lang din siya habang ngumunguya.
Naligpit na nya ang pinagkainan nila ni Riley at umupo na sya sa harap ng TV at nanonood nang dumating uli ito. Hindi na nito ugaling kumatok. Preskong-presko ang mukha nito at amoy na amoy na nya ang sabon at shampoo na gamit nito. Kunyari ay hindi nya ito napansin. Umupo ito sa tabi nya at kinuha ang remote at nilipat ang channel.
" Dun ka kaya sa inyo manood," inis na sabi nya dito.
" Ayoko. Gusto kong katabi kang manood," sabi nito at kumindat pa ito sa kanya at parang walang anumang umakbay na sa kanya.
Kunyari ay inis pa rin sya kaya umismid pa kuno siya pero hindi na siya kumikilos. Gustung-gusto nya ang pakiramdam na malapit sa katawan nito. Pumikit siya at ninamnam ang sandaling iyon. Maya-maya ay naramdaman nya ang sariling buhok sa may tenga nya. Nilalaro na pala iyon ni Riley habang kinikiliti ang tenga nya ng buhok nya. Napadilat sya at agad na kinuha ang buhok nya na pinapasok nito sa loob ng tenga nya.
Anlakas ng tawa nito.
" Kainis ka talaga!" nanggigigil na kinurot nya ang kamay nito.
Gumanti rin ito at pinisil ang magkabila nyang pisngi.
" Ang cute mo talaga pag naiinis ka!" nakatawa pa ring sabi nito at parang ayaw na namang bitiwan ang pisngi nya.
" Tse!" hinawi nya ang kamay nito at umusog palayo ng konti dito.
Alam nyang tinititigan siya nito.
" Ano?!" pasinghal na tanong nya saka umirap.
Tumawa ito bago sumagot.
" Hoy, Leighton Skye, siguro dapat tumigil ka na sa kabibilad sa araw. Parang di ko na makita mukha mo. Parang natatabunan na ng dilim," nakatawa pero parang seryosong sabi nito at tinawag pa siya nito sa buong pangalan nya.
Parang gusto nyang maiyak sa sinabi nito. Tapos tiningnan nya din ito. Para talaga silang kape at gatas. Maputi naman siya dati noong hindi pa siya sumali-sali sa softball. Pati nga Mama nya ay pinupuna na kulay nya at mas madalas kasi nagbabalat mukha nya sa sunburn. Wala naman siyang paki noon kaso nung kay Riley na galing iyong mga punang iyon ay parang gusto na nyang wag masikatan ng init ng araw.
" Humanda ka pag bumalik kutis ko, Riley Yohan!" nasabi nya na lang dito na tinawag din ito sa buong pangalan saka kinuha na ang remote dito at nilipat na ang channel ng TV.
Hinayaan na lang din siya nito at biglang humiga na ito sa inuupuan nila habang nakaunan sa hita nya. Ugali na rin nitong gawin iyon pero nitong mga nagdaang mga araw ay bigla na lang nag-iinit pakiramdam nya sa tuwing madidikit ito sa kanya.
Inis na ipinilig nya ang ulo at pilt na binaling ang atensyon sa TV. Nakita nyang nakapikit na ito nang tumunog ang phone nito. Parang wala itong planong sagutin iyon kaya't siya na ang kumuha sa phone nitong nasa mesa sa harap nila. Hindi nakarehistro ang number sa phone nang tingnan nya ang screen pero sinagot nya pa rin iyon.
" Hello?"
Walang sumagot sa kabilang linya kaya't inulit nya.
" Hello?"
Pero parang wala atang planong sagutin iyon ng tumatawag kaya't papatayin na nya sana iyon nang magsalita ang isang babae.
" May I know who's this?" maarteng sabi nito.
Biglang tumaas kilay nya.
" Haler, kaw kayang tumawag. So sino ka?" malditang sagot nya.
Doon na bumuka ang mata ni Riley at agad na bumangon at kinuha ang phone sa kanya.
" Hello," agad na sabi nito.
Bigla ay napangiti ito saka umayos ng upo.
" Oh, hi, Denise. I'm sorry about that. Pinsan ko iyon. No, of course not. Wala akong gilfriend ngayon," narinig nyang sabi nito.
Denise? Parang di pamilyar sa kanya. Sino na naman iyon?
" Sure, ngayon na ba? Okay, I'll be there in thirty minutes," sabi nitong tinapos na ang pag-uusap at agad na tumayo.
" Pahiram ng bike mo, ha.? Punta lang ako dun sa kabilang kanto."
" Sino'ng Denise iyon?"
" You don't know her. Taga-kabilang block lang siya. Magpapaturo daw ng Math assignment nya. Alis na muna ako. Balik ko lang maya bike mo," hindi na ito naghintay ng sagot nya saka lumabas na ng pinto.
Ito na ang kusang kumuha ng bike na nasa bakuran nila.
Inis na pinatay nya ang TV saka umakyat na din ng kwarto. Humiga na rin sya at naiinis na tinakpan ng unan ang mukha.
Kasalukuyang nasa bench siya sa likod ng room nila at naghihintay ng oras. Maaga siyang pumasok at hindi na hinintay si Riley dahil naiinis pa rin sya dito.
Nagseselos kamo! pang-iinis na bulong ng isang bahagi ng utak nya.
Nakatutok ang mga mata niya sa hawak na libro pero wala naman dun ang isip nya.
Bakit kaya ginabi ng uwi si Riley kahapon? Ano'ng mukha ng Denise na iyon? Girlfriend ba nito iyon? Fling?
Busy utak nya sa mga ganung tanong nang may lumapit sa kanyang dalawang estudyante na sa tingin nya ay mga freshmen.
Nginitian nya ang mga ito. Hindi namin kasi sya maldita lagi. Pag naiinis lang siya kay Riley.
" Ate, kaklase mo ba si Riley?" kiming tanong ng isa.
" Oo, bakit?"
Nagtutulakan pa ang mga ito saka may binigay na sulat na parang pinaliguan ata ng isang bote ng perfume.
" Pakibigay naman po," nahihiyang sabi nung kumausap sa kanya.
" Saka ito din po," sabi naman ng kasama nito na inabot ang pagkalaki -laking imported chocolate.
Namilog mata nya sa chocolate. Mabilis na kinuha nya ang mga iyon.
" Okay," maikling sagot nya saka ibinaling na ang tingin sa libro pero gustung-gusto na nyang lantakan ang chocolate.
Walang imik na umalis ang mga ito. Mabilis na binuksan nya ang chocolate saka nagsimula nang kainin iyon. May basbas naman siya lagi ni Riley na kainin iyon. Ilang beses na kasi siyang nakakatanggap ng mga chocolates na pinabibigay ng kung sinu-sino para dito at malimit ay binibigay lang nito iyon sa kanya.
Gustung-gusto nga nya ding basahin ang mga sulat na kadalasan ay kasabay ng mga chocolates pero pinagbabawalan siya ni Riley dahil ayaw daw nitong mabastos ang mga nagpapadala nun. Alam naman nyang di rin nito binabasa ang mga iyon dahil kapag nagagawi siya sa bahay nito ay nakikita lang nyang nakatambak sa isang kahon ang mga sulat na di pa nabubuksan.
" Huli ka!"
Muntik pa nyang matapon ang hawak na chocolates sa gulat. Hindi nya namamalayan ang paglapit nito dahil busy nga siya sa pagkain.
" Sino'ng nagkamaling manligaw saiyo at namigay ng chocolates?" nanunuksong tanong nito kahit alam nitong malamang na para dito ang nilalantakan nya.
"Si Edward," simpleng sagot nya.
Si Edward, iyong Prince Charming ng kabilang section na di naman talaga nya crush pero sinasabi nya lang na crush nya para huwag nitong mapansing dito talaga sya patay na patay.
" Talaga?" kunyari ay naniniwalang sabi nito.
Kinuha nito ang kinagatan na nya at kumagat din sa parteng iyon.
Minsan naiisip nya talagang baka kapatid lang ang tingin nito sa kanya dahil lahat na lang nang ikinikilos nito sa kanya ay parang walang mga malisya.
Malisya. Oo, gusto nyang magka-malisya ito sa kanya!
Kunyari ay parang walang anuman ding kumagat siya uli sa kinagatan nito. Parang lalo atang tumamis iyong chocolates!
" Ba't ka nang-iwan?" tukoy nito sa di nya paghintay dito.
" Antagal mo kaya."
" Ang aga pa kaya," sagot nito.
Nagkibit-balikat lamang siya.
" So, sino si Denise? Bagong gf mo?" panimula nya nang umupo na ito sa tabi nya.
" Hindi pa. "
Napatingin siya dito.
" Iba na talaga ang gwapo. Pa-fling fling lang," sabi nya agad.
" So umamin ka ng nagwa-gwapuhan ka sa akin?" nanunudyong sabi nito sa kanya.
" Hindi, ah! Mukha ka ngang unggoy!" bawi nya agad dahil biglang uminit pisngi nya. Baka mabuking sya bigla.
Tumawa ito nang mahina.
Katahimikan uli habang ipinagpatuloy nya ang pagkain.
" Ri!" boses ng kaklase nilang si Krystel ang narinig nya.
Sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.
" Hindi ka nag-reply sa text ko kahapon," parang nagtatampong sabi nito.
" Sorry. Busy kasi ako kahapon," walang anumang sagot ni Riley dito.
Alam nyang hindi ito type ni Riley kahit pa nga maganda din ito. Sa katunayan ay muse nila ito. Sa tingin nya kaya hindi ito type ni Riley ay dahil hindi naman ito maputi. Morena ito pero pang contestant ng beauty pageant ang porma.
" Saan ka naman busy?" pinalambing pa nito ang boses.
Ngumiti lang si Riley dito at hindi na sinagot iyon.
" Busy siya dun sa pag tutor sa sino nga iyon? Denise?" baling nya kay Riley.
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Krystel.
" Sino'ng Denise?" parang bigla ding nag-iba ang tono nito.
Pareho tayo ng tanong. Gusto sana nyang sabihin dito.
" Nah. Just someone," maikling sagot ng kaibigan nya na tiningnan siya dahil sa sinabi nya sa babae.
Matagal siya nitong tiningnan sa mukha saka natawa nang mahina.
Nagulat pa sila pareho ni Krystel nang biglang pinahid ng kamay ni Riley ang gilid ng bibig nya.
" Sa katabilan mo kung saan-saan na napupunta kinakain mo," sabi pa nito nang punasan nito ang sa tingin nya ay chocolate na kumalat sa bibig nya.
Pareho silang natameme ni Krystel. Namula mukha nya pero alam nyang walang makakahulang namula nga mukha nya sa ginawa nito dahil nang tingnan nya mukha nya sa salamin kanina ay pulang-pula na iyon dahil sa sunburn.
" Well, okay," nang mahimasmasan ay tumaas ang kilay nito saka tumalikod na sa kanila pero bigla ring humarap.
" Kung hindi ko pa alam na imposibleng mangyari, iisipin ko talagang you're an item," sabi nito na ang tinutukoy ay silang dalawa ni Riley.
Item? Like mag jowa? Parang gusto nyang mangiti sa sinabi ng kaklase pero saka din pumasok sa utak niya ang naunang sabi nito na "Imposible". So parang nang-iinsulto ito na binawi lang sa huli.
" At bakit naman imposible?" nakangiting sabi ni Riley saka siya inakbayan.
" Ano ba, Hon, aaminin na ba natin sa kanila?" nangingislap ang mga mata nito habang tinitigan siya.
Kundi rin nya kilala ito ay siguradong hihimatayin na rin sya sa sobrang kilig.
" Huwag muna, Hon. Maraming babaeng iiyak," sinakyan na lang din nya ang sinabi ng kaibigan.
Nagkatitigan silang dalawa saka biglang humagalpak ng tawa. Inis na tinalikuran na sila nang tuluyan ng kaklase.