KABANATA 2

4179 Words
Nakalutang pa rin ang pakiramdam nya kahit nagsisimula na ang first subject nila. Ilang beses na syang napapangiti nang palihim kapag naaalala ang ginawa ni Riley kanina. Tiningnan nya ito sa inuupuan. Dahil matangkad ito ay nakaupo ito sa dulo ng last row habang siya naman ay nasa gitnang bahagi ng fourth row. Seryoso itong nakikinig sa guro nila. Kahit naman kasi parang hindi ito seryoso lagi ay nag-iiba ito pag nasa klase na. At gustung-gusto nya itong tingnan pag ganung nasa serious mood na ito. Mas gumu-gwapo ito sa kanyang paningin lalo na't napapakunot noo ito lagi habang nakikinig. Para bang andaming "matatalinong ideya" ang dumadaan sa utak nito kapag ganoon ang mukha. Napatawa siya nang mahina dahil sa naiisip. " Miss Cervantes, wanna share your thoughts para masiyahan din kami?" narinig na lang nya bigla ang pagtawag ng matandang dalagang guro nila na si Miss Tapia. Nawala ang ngiti sa labi nya at agad na inalis ang tingin kay Riley nang lumingon na rin ito sa direksyon nya. Actually, lahat ng mga kaklase nya ay nakatingin sa kanya! "A-ahm..." nag-init pisngi nya at hindi nya alam ang sasabihin. Naghihintay ng sagot nya ang lahat. " S-sorry po. May naalala lang po ako," wala siyang maisip na isagot. " At sino naman iyan, Miss Cervantes?" hindi ata siya tatantanan ng guro nila. Sa kanya pa rin nakatuon ang pansin ng lahat.  " Si Edward po, Miss. Iyong crush nya sa kabilang room," si Riley na ang bumasag ng katahimikan. Marahas na napatingin siya dito lalo na't kinakantyawan na siya ng mga kaklase. Kumindat lang ito sa kanya at kunyari ay busy na sa pagsusulat. Iyong teacher na din nila ang sumuko dahil nagsimula nang mag-ingay ang lahat. Pinatahimik nito ang mga kaklase nya habang siya naman ay nakayuko at na itinutok ang mga mata sa libro. Hindi nya pinapansin ang panunukso ng mga kaklase. Tumahimik na din ang lahat at nagpatuloy na sa pagdi-discuss ang guro nila. Break nila. Hindi siya umalis sa kinauupuan nang makita nya sa sulok ng mga mata ang paglapit ni Riley. Hindi niya ito pinapansin dahil inis pa rin sya dito. " Here," sabi nito sabay abot ng sandwich. Alam nyang pabaon iyon ng Mama nito at kasali din sya lagi sa pinababaunan nito. " Busog ako," sagot nyang ni hindi man lang ito tinatapunan ng tingin. " Hey, wag ka nang mainis. Sinadya ko iyon para hindi ka na ma -hotseat ni Miss Tapia. Alam mo namang di titigil si Maam if wala kang sasabihin," sabi nitong umupo sa katabing silya nya. Silang dalawa lang ang naiwan sa room dahil lumabas na ang ibang kaklase nila papuntang canteen. Hindi pa rin sya umimik. Nagsimula na itong kumain habang nakatingin pa rin sa kanya. At siya naman ay nagkukunwaring may sinusulat sa notebook when puro naman doodles lang ang andun. " So , di mo talaga ako kakausapin?" Umirap lang siya kahit hindi naman nakatingin dito. Bigla ay inilapit nito sa bibig nya ang sandwich. Binuksan na nito iyon at pilit na pinapasubo sa kanya. Dumikit na ang tinapay sa bibig nya. " Ano ba?" sabi nya pero di naman galit ang boses nya at hindi rin naman siya umiiwas. " Ayan, kakain na yan. Magtatampo si Mama if hindi mo ito kakainin."  Binitiwan na rin nya ang hawak na ballpen saka mabilis na kinuha ang sandwich na hawak nito. Mabilis na kinagat nya iyon saka inirapan ito. Ngumiti lang ito saka ipinagpatuloy na rin ang pagkain. Tahimik lang silang kumakain nang biglang may sumilp sa may pintuan. Si Edward. Ano'ng ginagawa nito dun? Nagtatakang tanong ng isip nya. Pareho nilang tiningnan lang ito ni Riley habang sumisilip ito na para bang may hinahanap. " Hi, sino si Leigh?" may pagka-bruskong tanong nito sa kanila. Lalo pa siyang nagtaka nang marinig na hinahanap siya nito. Muntik pa siyang mabilaukan nang maalala kung bakit. Baka may nakapagsabi dito na crush nya ito! Sasagot na sana sya pero inunahan siya ni Riley. " Bakit?" pormal na tanong nito. Kung ibang tao lang siguro iyon ay tiyak na mai-intimidate sa tono ni Riley. Pero dahil alam niyang may pagkamayabang talaga itong si Edward dahil hindi rin naman lalayo ang hitsura nito kay Riley pero syempre mas gwapo pa rin ang Riley nya, hindi man lang natinag ang lalaki sa klase ng pagtatanong ni Riley. Riley nya?! Parang gusto nyang pamulahan sa naisip. Tumingin si Riley sa kanya at nakita ang expression ng mukha nya na inakala naman nitong nagkaganun dahil hinahanap siya ng "crush" nya kuno. " I just want to know what she looks like." Biglang kumunot ang noo ni Riley. Parang di nito nagustuhan ang naging sagot ni Edward. Bago pa man ito nagsalitang muli ay biglang dumating si Krystel at tumabi kay Edward. " Yep, Edward, meet Leigh," nakangiti pang sabi nito na nakabuka ang palad na itinuro siya dito na para bang may pini-present na kung ano. Biglang napatingin si Edward sa mukha nya. Tinitigan syang mabuti. " Oh, not bad," nakangiting sabi nito. Biglang tumaas ang kilay nya at inis na tinapunan din ng tingin si Krystel. So ito iyong tsismosang salarin! Tatayo sana si Riley sa tabi nya at hindi nya alam kung bakit nang biglang nag RING iyong bell. Hudyat na tapos na ang break. " Nice meeting you, Leigh," nakangiting baling uli ni Edward sa kanya saka nagmamadali nang tumalikod. Nagsidatingan na rin ang iba pa nilang kaklase. Tuluyan na ring tumayo si Riley para bumalik sa upuan nito. " Jerk!" narinig pa nyang sabi nito kahit mahina lang iyon. Nakita rin nya ang mukha nitong parang na highblood na ewan. " Ba't mo ba iyon naging crush?" inis na tanong nito sa kanya na hindi naman naghihintay ng sagot dahil mabilis na itong umalis at bumalik sa upuan nito. Napamaang siya habang sinusundan ito ng tingin. Oh my God! He sounded jealous! parang gustong magbunyi ng puso nya. Parang gusto nya tuloy halikan sa tuwa si Krystel dahil sa pagiging tsismosa nito. Ngingiti-ngiti pa siya nang matapos na ang klase nila kinahapunan. Lumapit na siya sa upuan ni Riley para hintayin ito. Pag-angat nito ng tingin ay nakita pa nito ang ngiti nyang ayaw na atang mawala sa mga labi nya. " I see that you're still daydreaming," medyo inis pa rin ang boses nito. " Ha? Daydreaming ka dyan," sabi nya dito pero nakangiti pa rin. Tumayo na ito at seryosong tumingin sa kanya. Kailangan pa niyang tumingala dito konti dahil matangkad ito, hanggang sa may leeg lang siya nito. Bigla nitong kinurot ang magkabila niyang pisngi. Paborito nitong gawin iyon kapag iniinis siya pero sa ngayon parang ito ata ang inis habang ginagawa iyon. Tinikom na nya ang bibig para bitiwan nito mga pisngi nya. Nagpatiuna na itong naglakad palabas. At iiwan pa talaga siya nito! Bumangga pa siya sa likod nito nang biglang tumigil ito sa pinto nang parang may nakita sa labas. Saka humarap sa kanya at ngumiti at inakbayan siya. Nagtaka man ay ngumiti na rin sya dito at sumabay sa paglakad nito. Saka nya napag-alaman kung bakit nito ginawa iyon. Nakita nya si Edward na tumatambay sa labas ng classroom nila na parang may hinihintay.  Tumingin agad ito sa kanya para ngumiti sana pero nang mapansin ang nakaakbay na braso ni Riley sa kanya ay parang naudlot ang pagngiti nito pero parang nagtatanong lang ang mga mata. Hindi tumitingin si Riley sa lalaki nang madaanan nila ito. Kiming ngumiti lang sya kay Edward at kumindat naman ito sa kanya. Para siyang kinilabutan sa ginawa nito. Napaigtad pa siya dahil sa kilabot. HIndi dahil sa kilig kundi parang kilabot nung nanunood ka ng nakakatakot na palabas. Napansin ni Riley ang pag-igtad nya nang makalampas na sila sa lalaki. " Masyado kang pahalata," parang nawalan ng pasensyang bulong nito sa kanya sa pag-aakalang iyong reaction nya ay dulot ng kilig. Hindi na lang sya kumibo habang nilingon nya ito at tinititigan ang mukha nitong dretso lang ang tingin sa dinadaanan nila. Nakita nya ang matangos na ilong nito habang naka-side view. Kahit saang anggulo tingnan ay di ito nakakasawang pagmasdan. Bigla itong lumingon sa kanya. Nahuli siya nitong nakatitig. Tumaas kilay nito na parang nagtatanong nang hindi pa rin nya binabawi ang tingin. Medyo malayo na sila kay Edward. Biglang inalis nito pagkaka-akbay sa kanya. " Earth to Leigh," sabi nito nang hinarap sya at pumitik-pitik pa sa mukha nya. Bago pa nya binuka ang bibig nya ay nagsalita na ito. " Huwag kang pabobola dun sa Edward na iyon, ha?" sabi nito na parang bata ang kausap na pinagbabawalan. Tumango tango lang siya dito kahit di naman nya naiintindihan ang sinasabi nito. " Babe!" bigla ay nabalik sya sa mundo nang makarinig ng boses ng babaeng tumatawag dito. Babe?! Nakita nya iyong, Chloe ulit. Bigla ay nawala na siya sa mood. " Oh, hi!" bigla ay nawala ang seryosong Riley kanina lang at pumalit uli ang pa-cute image nito. " I thought dadaanan mo ako sa room?" parang nagtatampong tanong nito. " I'm sorry. Kalalabas ko lang din." nakangiting sabi ni Riley dito. Agad na kumapit sa braso nito ang babae na hinayaan lang ng kaibigan. Nagtatakang napatingin sya dito. " So, are you going to introduce me as your girlfriend now?" sa kanya ito nakatingin kahit si Riley ang tinatanong. Girlfriend? Nangangarap ata ito ng gising! Kabibigay niya lang ng number nya kahapon di ba? Tumikhim pa muna si Riley bago bumaling sa kanya. " Ah, yah. Chloe is my girlfriend now," simpleng sabi ni Riley sa kanya. Ngumiti pa ito nang matamis sa kanya na humihigpit pa ang kapit sa kaibigan nya. Nang mahimasmasan ay saka lang siya nagsalita. " Agad-agad?" di nya mapigilang sabi. " Of course, bakit naman patatagalin if pareho kayong nagkakagustuhan? Atleast di ako nagpipigil ng nararamdaman," hindi naman naaalis ang ngiti ng babae habang sinasabi iyon. Nagpipigil ng damdamin? Siya bang pinariringgan nito? " Ah, ganun ba? So mauuna na akong uuwi?" sabi nyang di na pinansin ang babae at bumaling na kay Riley. Parang naging hesitant ang mukha nito saglit. " Babe, di ba ihahatid mo ako?"  " It's okay," matipid na sagot nya bago pa man makapagsalita si Riley. Saka sya tumalikod na sa dalawa at hindi na hinintay pang sumagot ito. Nakatatlong hakbang na siya nang biglang may tumawag sa kanya. " Leigh!"  Nagtatakang napalingon siya. Nakita nya ang humahangos na si Edward at saglit nitong tiningnan sina Riley at Chloe. Nakita din nya ang pagsimangot ni Chloe dito. Hmm...something fishy. " B-bakit?" hindi niya sinadyang mabulol nang tanungin ito. " I think you dropped this," sabi nitong inabot sa kanya ang isang panyo na di naman kanya.  Dahil first of all, di naman siya nagdadala ng panyo.  " Nope. Hindi akin iyan," mabilis na sabi nya saka tumalikod uli dahil nakikita nyang nakatingin sa kanila sina Riley at Chloe. " Ah okay, akala ko sayo," narinig pa nyang sabi nito kahit nakatalikod na siya. Humabol pa ito sa kanya at sumabay na sa paglakad. Nakita nya nang ibulsa nito ang panyong hawak. " By the way, we were not introduced properly. I'm Edward," sabay abot nito ng kamay sa kanya. Nag-aalinlangang inabot nya din iyon. First time nya kasing may pumansin sa kanya nang ganun na para bang interesado sa kanya. " Leigh," sabi nya lang. Parang ayaw pa ata nitong bitawan ang kamay nya nang biglang pumagitna si Riley sa kanila. " Hey, you know what? Ihahatid muna kita sa bahay nyo. Isabay na lang natin si Chloe tapos ihahatid ko na sya pagkatapos kitang ihatid," sabi ni Riley sa kanya na nakaakbay na agad kaya napilitang tumabi si Edward. Tumigil sya sa paglakad at nilingon si Chloe sa likod na nakapameywang. " Huwag na. Ihatid mo na iyang girlfriend mo. Malapit lang naman ang bahay natin, para kang engot," sabi nya lang dito at nagsimula na uling maglakad. Pinigilan siya ni Riley. Nakita nyang nakatunganga lang sa kanila sina Edward at Chloe. " Chloe, you don't mind, right?"  Kumibot-kibot muna ang mga labi nito bago nagsalita. " S-sure," parang napipilitang sabi nito. Doon naman biglang sumabat si Edward. " Ihatid mo na muna girlfriend mo. Ako na bahalang maghatid kay Leigh," kay Chloe naman ito nakatingin nang sabihin iyon. Parang may tensyon sa pagitan ng dalawa. " No, thanks. Ihahatid ko muna 'tong kaibigan ko. Huwag ka nang mag-abala," pormal na sabi ni Riley dito. Nagsusukatan ng tingin sina Riley at Edward. Nainis na ata si Chloe kaya bigla itong nagsalita. " Forget it. Ihatid mo na siya. Uuwi akong mag-isa!" sabi nito at biglang tumalikod na. Nang biglang may maalala at humarap uli sa kanila. " And by the way, we're done!" sabi nito kay Riley saka tumalikod na. " Chloe!" hinabol ito ni Edward pagkatapos nitong tingnan nang masama si Riley. Matagal nang nakaalis ang dalawa nang bigla syang humarap kay Riley at inalis ang pagkakaakbay nito sa kanya. " What was that all about?" pinasingkit pa nya ang mga mata nang tanungin ito. Nagkibit-balikat lamang ito at inakbayan na siya uli. " Let's go," walang anumang sabi nito. Hindi siya kumilos kahit nagsimula na itong maglakad. " Leigh," pabuntung-hiningang sabi pa nito. Nilagay pa nya ang dalawang braso sa dibdib at walang planong kumilos kung hindi ito mag explain. Maraming mga estudyante ang dumaan na kaya nakakaharang na sila sa gitna. Giniya siya nito sa gilid saka nagsalita. " Okay, hindi ako nanligaw dun kay Chloe. Sya iyong may sabi na try lang daw naming maging kami then tignan if mag click." " Gustung-gusto mo naman. So, ikaw, okay lang sayo lumandi ka kung kani-kanino tapos ako hindi? " Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito. " At may plano ka talagang lumandi dun? Huwag kong makikitang lumalandi ka..." parang inis na sabi nito. " Or ano?" naiinis na din na sabi nya. Bumuntung-hininga uli ito. " He's just going to use you to get even. Girlfriend nya si Chloe. I mean ex. So he will use you para makaganti sa akin."  Meaning? Hindi kapani-paniwalang interesado si Edward sa kanya bilang babae? Na hindi siya kaaya-aya kaya't wag siyang mag-ilusyon? Iyon ang mga naglalaro sa utak nya na nagpatindi lang ng inis nya dito. " So, you're saying na imposibleng may magkakagusto talaga sa akin?"  Parang gusto nyang maiyak sa inis. Mabilis na tumalikod siya dito. At humakbang na palayo. Hinabol siya nito at sinabayan ang mabilis na paglakad nya. " Leigh, that's not what I meant."  Hindi nya ito kinakausap hanggang sa makarating sila ng bahay. Agad na tumakbo na sya papasok ng bahay nila. Hindi na ito sumunod sa kanya gaya nang nakagawian. Tumakbo agad siya sa kwarto at hindi na nya mapigilan ang pagpatak ng mga luha nang dumapa sa kama nya. Nang mapagod ay tumihaya saka maya-maya ay tumayo at humarap sa salamin. Pati siya ay napangiwi sa mukha nya. Nagbabalat iyon ng konti dahil sa sunburn at mukha pa rin syang baluga. Kahit sarili nya ay ayaw maniwalang may magkakagusto sa mukha nyang iyon. Ang totoo nyan, kung iisa-isahin ang mga parte ng mukha nya ay maganda naman sya. Malalantik ang mga pilik mata nya. Mapupula ang mga labi. Makintab ang mahaba nyang buhok na lagi naman nyang tinatali. Iyon nga lang parang di mo makikita iyon dahil sa sunog na kulay ng balat nya. Hindi naman talaga siya maitim. Fair iyong skin nya, nung hindi pa siya nagbibilad ng araw dahil sa larong softball. At dahil dun napagpasiyahan nyang tigilan na ang paglalaro ng softball. Mabilis na tinext nya ang Mama nya at nagpabili ng whitening soap saka whitening lotion dito. Humanda ka, Riley Yohan, pag pumuti uli ako, makikita mong maraming magkakandarapa sa akin. Tiningnan nya uli ang sarili sa salamin at taas noong umalis at pumunta na ng banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay bumaba na din sya at dumiretso  ng kusina. Agad na tiningnan ang hinandang meryenda ng Mama nya. Napasimangot pa siya nang makitang ang paboritong pagkain ni Riley ang andun. Minsan napapaisip na tuloy siya, sino ba talaga'ng anak ng Mama nya? Infairness din naman, kung siya ang napapagawi kina Riley ay ganun din ang Mama nito sa kanya. Mas siya ang inaasikaso nito kesa kay Riley. Nakaupo na siya at kasalukuyang kinakain ang handa ng ina nang marinig nyang bumukas ang pinto. May hula na sya kung sino iyon kaya hindi man lang siya nag-angat ng tingin nang maramdamang may pumasok sa kusina. " Galit ka pa ba?" hindi nga sya nagkamali dahil boses ni Riley ang narinig nya. Hindi sya umimik at kunwari ay walang narinig habang ipinagpatuloy ang pagkain. Lumapit ito sa kanya at may inilapag na isang supot sa harap nya. " Oh, ayan, pumunta pa talaga ako ng convenience store sa kanto nyan, " tukoy nito sa dala. Tiningnan nya saglit ang dala nito. Tingin nya ay puro chocolates iyon. Muntik nang manlaki ang mga mata nya sa tuwa pero pinigilan nya. " Inubos ko buong allowance ko dyan, ha," dugtong pa nito nang hindi pa rin nya ito pinapansin. " Bakit? Sinabi ko bang bilhin mo iyan?" kunwari ay galit pa rin na tanong nya. Nabigla pa siya nang hawakan nito ang baba nya at pilit na pinatingin dito. Agad na iniiwas nya ang mukha. Namumugto pa rin kasi mata nya sa kaiiyak kanina. " Pinaiyak ba kita?" masuyong tanong nito. Umirap lang siya dito. " Sorry na nga di ba. Ano ba'ng gusto mong gawin ko para kausapin mo ako? Kahit ano gagawin ko."  Biglang tumigil sya sa pagkain at tumingin dito. " Kahit ano?" naninigurong tanong nya. Parang nag-aalangang tumango ito lalo na at nakita nito ang pilyang ngiti nya. " O-oo. Bakit ano ba'ng ipapagawa mo?" parang kinakabahang tanong nito. " Wait lang," ngumiti na sya nang tuluyan at patakbong inakyat ang kwarto nya. Mabilis na kinuha nya ang sketchpad at lapis nya. Hinihingal pa siya nang humarap uli dito. Nang makita nito ang hawak nya ay umiling-iling ito. " Oh, no..no," sabi pa nitong todo tanggi agad kahit wala pa siyang sinasabi. " Wala nang bawian, Riley Yohan! Kundi, di na talaga kita kakausapin forever!" nagbabantang sabi nya dito. " Iba na lang."  " Halikana, dun tayo sa sala," hindi nya pinansin ang sinabi nito at hinila na ito sa braso. Napabuntung-hiningang nagpahila na lang din ito. Agad na pinapwesto nya ito sa sofa. " Humiga ka tapos itaas mo iyong braso mo dyan sa gilid ng sofa. Iunan mo yong braso mo sa ulo mo," excited na sabi nya. " Ano ba naman yan, Leigh," nagmamaktol na sabi nito pero ang cute pa rin nitong tingnan. " Ano? gagawin mo ba o hindi?" nakatayo siya sa harap nito habang nakahiga ito sa sofa. Walang imik na sumunod na lang ito sa kanya. Wala sa loob na tinaas nya T-shirt nito hanggang sa may dibdib nito na ikinapandilat ng mga mata nito. " Bobosohan mo lang ata ako," nagdududang sabi nito. Natawa siya sa sinabi nito.  " Sira! Hawakan mo iyang dulo ng T-shirt mo tapos pumorma ka na dyan na parang model ng underwear pero siyempre hindi ka maghuhubad, tyan mo lang ipapakita mo," hindi nya mapigilang matawa habang sinasabi iyon. " Pinagti-tripan mo lang ata ako." " Hindi, ah. Sige na umayos ka na para masimulan ko na." Alam nyang naaasiwa itong sumunod sa kanya. " Iyan. Ganyan. Huwag ka nang gumalaw," sabi niya nang masiyahan na sa nakikita. Tumingin lang ito sa kisame habang nakasimangot. " Tumingin ka dito, unggoy," nakatawa pa ring sabi nya. Tumingin nga ito sa kanya. " Ayusin mo naman mukha mo. Iyong parang nakatitig ka sa babaeng gustung-gusto mo,"  utos nya dito. Bumuntung-hininga ito uli pero maya-maya ay sumunod na rin. Nagtama mga mata nila nang sumeryoso na mukha nito. Bigla parang nagtayuan ang mga balahibo nya sa batok. Napalunok pa sya nang parang hinihigop siya ng mga mata nito.  Ang swerte naman ng mga girlfriends nito. Ganito pala sila titigan ng kaibigan nya kaya pala matagal bago maka-move on ang mga iyon! Hindi pa siya natitigan nang ganito ni Riley. Ngayon lang, dahil sa utos nya. Matagal na nakatanga lang sya dito at nahimasmasan lang nang magsalita ito. " Alam kong gwapong-gwapo ka na sa akin pero nangangalay na ako dito, Leigh," parang nawawalan ng pasensyang sabi nito. Uminit buong mukha nya sa hiya. Gusto nyang batukan ang sarili. Baka kasi mahalata na nito na may crush na sya dito. Kulang na lang kasi ay tumulo laway nya habang nakatitig dito kanina. Wala siyang pinagkaiba sa mga babaeng nagkakandarapa dito. Hinagilap nya ang sketchpad at lapis nya at agad na pumuwesto na rin sa harap nito bago pa magbago ang isip ng kaibigan. Matagal na kasi nyang kinukulit ito. Magaling kasi syang mag drawing at ang pinakagusto nyang iguhit ay mga portrait. Sa katunayan, may isang drawing pad sya na puro mukha nito at hindi nito alam iyon. Nakatago iyon sa drawer nya na may lock, baka kasi makita ng Mama nya at kung ano pang isipin. Naiilang man sa tuwing magtatama ang mga mata nila ay binabalewala na lang nya para maiguhit ito nang maayos. Seryoso na sya sa ginagawa at wala na siyang naririnig na reklamo dito. Kahit sixteen pa lang ito ay maganda na ang katawan nito dahil mahilig ito sa sports. Halos lahat ata ng laro sa school ay sinasalihan nito. Nag-init pisngi nya nang mapatingin sa may tyan nito. Hindi naman dahil sa gusto nya itong bosohan kaya gusto nyang makita tyan nito. May nakita kasi siyang model sa magazine na ganun ang porma at tingin nya ay babagay kay Riley. Para nga itong model sa ayos nito. Nang sa tingin nya ay parang nangangalay na ito ay kinuha nya ang phone at kumuha ng picture nito. " Oh, bakit mo ko pinicturan? Nagdududa na talaga ako sayo, Leigh. May plano ka bang ibenta katawan ko?" sabi nito pagkakuha nya ng picture at bumangon na rin. Natawa siya sa sinabi nito habang tinitingnan ang kuhang picture. " Sira. Para namang may bibili ng katawan mo. Malulugi ako sayo, uy," nakatawa pa ring sabi nya at agad na tinago ang phone dahil baka kunin nito iyon at burahin ang picture. Hindi naman ito tumayo nang makabangon at inunat-unat pa nito ang braso. " Grabe, hindi na kita aawayin sa susunod baka e-drawing mo na akong nakahubad," seryoso pa ring sabi nito nang hindi tumitingin sa kanya. " Eww!" agad na binato nya ang throw pillow dito. Nasalo naman nito iyon saka tumawa. "Patingin ako nyan. Baka naman mukha akong unggoy sa gawa mo," nakatayo nang sabi ito at lumapit sa kanya pero sinara na nya ang sketchpad bago pa man nito iyon makita. " Saka na. Hindi pa kaya tapos," nakaingos na sabi nya. " Okay lang. May karapatan naman akong makita iyan kasi hindi mo nga ako binabayaran sa talent fee ko. Hindi kaya birong maging model."  " Saka na sabi. Ang kulit."  " Hindi mo talaga ipapakita? Kikilitiin kita," akmang gagawin nga nito iyon nang tumunog ang phone nito. Dahil nasa harap nya ang mesa at andun ang phone nito ay sya na ang kumuha at tiningnan kung sino'ng tumatawag. Denise. Ito na naman? Naiintriga na talaga sya sa mukha ng babaeng iyon. Agad na kinuha ni Riley ang phone sa kanya at sinagot iyon. " Hi, napatawag ka?" nakangiti pa itong kumindat sa kanya at saka tumalikod at lumayo konti. Inirapan nya ito kahit nakatalikod na at saka umakyat ng kwarto para itago ang gamit. Saka na nya iyon tatapusin. Gagamitin nya na lang iyong picture na kinuha nya kanina para matapos iyon. Nang pababa na siya ay nakita pa nyang nakahiga sa sofa si Riley habang tumatawang nakikipagharutan sa kausap. Nang may maisip ay biglang lumapit dito. " Hon? Sino'ng kausap mo?" pinalambing pa nya ang boses at lumapit dito. Natigilan si Riley at nagtatakang napatingin sa kanya. " Halikana, Hon, kanina pa ready meryenda natin," mas lalo pa niyang pinatamis ang boses nya. Alam nya pag narinig iyon ng kausap nito ay mai-insecure ito. Marami nang nagsasabi sa kanya na maganda ang boses nya kapag kinakausap sya sa phone. Parang boses daw ng isang seksing babe na sobrang ganda kaya't ginamit nya iyon para inisin ang kausap nito. " Nah, it was just my friend," narinig nyang sabi nito sa kausap. Bumangon pa ito at umayos ng upo habang nagpapaliwanag sa kausap. " No, no, I don't have a girlfriend now."  " Hon? Sino'ng kausap mo? At bakit dini-deny mo na ako?" kunyari ay nag-galit galitan ang boses nya pero gustung-gusto na nyang bumunghalit ng tawa. Naiinis ang mukha ni Riley nang tingnan siya. Tingin nya binabaan ito ng phone ng kausap. " So gumaganti ka? Kala ko ba bayad na ako sa kasalanan ko?" inis na sabi ni Riley sa kanya. Tumawa lang siya dito saka pumunta na ng kusina. Napailing-iling na sumunod na rin si Riley sa kanya at nauna pang umupo at kinain na ang iniwan nyang pagkain para dito. Binuksan na rin nya ang supot na bitbit nito kanina at nakita nga nya ang naglalakihang chocolates na binili nito. No wonder, naubos nga allowance nito. Wala na silang imik habang kumakain.  Mga isang linggo din nyang natapos ang iginuhit. Tuwang-tuwa siya sa kinalalabasan. Parang buhay na buhay ang larawan nito. Madalas ay tinititigan nya lang ang drawing at parang pakiramdam nya ay totoong tinititigan din sya nito.  Hindi nya alam kung kailan nagsimula ang pagkakagusto nya dito pero tingin nya habang tumatagal ay lumalalim iyon. Nakadapa siya habang kinikilig na nakatunganga sa mukha nito na iginuhit nya. Alam nyang magaling sya sa pagguhit at namana nya iyon sa ama. Iyon lang ipinagpasalamat nya bilang anak nito. Hindi rin naman siya nagtanim na ng sama ng loob dito pero hindi na rin nya ito hinahanap pa. Minsan tumatawag ito at nangungumusta pero madalang lang iyon. Hindi na siya nakakasama sa practice kada Sabado kay Riley. Medyo nalungkot siya kasi hindi na sya sumasali sa softball. Seryoso talaga syang huwag nang magpasunog ng balat. Bumuti-buti na naman ang kulay nya mula nang iwasan na nya ang araw. Saka binilhan din talaga siya ng Mama nya ng whitening lotion at sabon. Supportive ito sa kanya, eh, napangiti siya habang tinitingnan ang balat. Binalik nya agad ang tingin sa mukha ni Riley na iginuhit nya. Hindi pa nya ipinakita iyon dito. Gusto nyang sorpresahin ito. Balak nyang ibigay iyon sa birthday nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD