KABANATA 3

3766 Words
Sabado. Birthday ni Riley. Kahit busy sa negosyo ay sinisiguro ng Mama nito na available lagi kapag birthday ng anak. Hindi ito nagtitinda at buong araw itong naghahanda katulong ang tatlong tindera nito sa tindahan. Andun din sa kabilang bahay ang Mama nya para tumulong. Sinubukan nyang pumunta dun para tumulong pero sinaway lang siya ng Mama ni Riley kaya't bumalik siya ng bahay nila at inayos muna ang ireregalo sa kaibigan. Bumili talaga siya ng malaking frame para ilagay ang larawang iginuhit nya. Maayos nyang binalot iyon. Nasa school kasi si Riley at may practice ng baseball. Dapat sabay sila nito kung hindi siya tumigil sa softball. Gusto sana nyang bumuntot-buntot pa rin dito kahit hindi na sya player pero baka masyadong halata na sya. Imbitado lahat ng kaklase nila pati na ang mga kasamahan nito sa mga larong sinasalihan nito. Sinilip nya ang bahay nito sa bintana nya. Tinitingnan nya kung dumating na ba ito. Nakita nyang nagsimula nang magsidatingan ang mga kaklase nila bandang alas tres ng hapon. Hindi pa muna siya bumalik doon dahil wala ito. Humiga siya sa kama habang akap ang regalo nya dito. Hindi nya namalayan nakatulog na pala sya. Nagising lang siya nang may tumapik sa pisngi nya. " Hoy, may balak ka bang tulugan lang birthday ko?" mahinang boses ang narinig nya pero masarap iyon sa pandinig. Dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata at nakita nya ang mukha ni Riley na nakatunghay sa kanya. Nakangiting tinaas nya ang kamay para haplusin ang mukha nito. Nananaginip ba siya? Sana ganito lagi ang mga panaginip nya. Parang nangangarap na ngumiti siya at hinaplos na ang mukha nito. Nahawakan nya ang malambot nitong pisngi at pinisil-pisil nya iyon. Saka lang tuluyang nagising ang diwa nya nang ma-realize na may hinahawakan nga siya. Namilog ang mga mata nya nang marinig ang malutong na halakhak ni Riley. Hindi iyon panaginip! Binawi nya agad ang kamay na nasa pisngi nito at kinusot-kusot ang mga mata. Nakita nyang tawang-tawa ito hanggang sa napahiga na rin ito sa kama nya sa katatawa. Napapahiyang bumalikwas siya ng bangon at tiningnan ang oras. Mag-aalas singko na. Nakita nyang nakabihis na ito at halatang bagong ligo. Sinipa nya ang paa nitong nakabitin sa kama nya nang wala pa rin itong planong tumigil sa katatawa.  Parang tuwang-tuwa talaga ang mokong! Napilitang tumigil ito nang inis na syang nakatayo sa harap nito. Bumangon na rin ito habang maluha-luha na ang mga mata dahil sa katatawa. " Sino bang napanaginipan mo? Si Edward?" ayaw pa rin nitong tumigil sa panunukso. " Tse!" sabi nyang tumalikod na dito at humarap sa salamin at nagsuklay ng buhok. " Kung nagkataong hinalikan ka ng loko sa panaginip mo, madadamay pa ako. Mahahalikan mo ako nang wala sa oras!" pagkasabi nun ay tumawa na naman. Parang na-hurt sya ng konti sa sinabi nito. So, parang isang malaking joke talaga ang mahalikan nya ito?! Inis na hinagis nya ang hawak na suklay dito. " Umuwi ka na nga sa bahay nyo. Hindi na ko pupunta sa inyo," nakasimangot na sabi nya dito. Saka lang ito tuluyang tumigil talaga. " Sorry na. Halikana, pinapasundo ka na ni Mama. Andami ng tao sa bahay, ikaw na lang ang wala. Hindi daw matutuloy ang birthday ko pag wala ka," nakangiti nang sabi nito. Umingos lang siya. Napansin nito ang regalo sa kama nya. " Para sa akin ba ito? Wow, parang pinaghandaan, ah," sabi nito nang mapansing maganda ang pagkakabalot nun. Inis na kinuha nya ang regalo dito saka lumabas na ng kwarto. Hinabol siya nito saka siya inakbayan. Siniko nya ito pero tumawa lang ito nang mahina habang nakaakbay pa rin. Ito na ang nag-lock sa pinto nila nang makalabas sila. Nakita nyang nagkumpulan ang mga kaklase nila sa labas ng bahay nito dahil malaki ang espasyo doon. Nakita din nya ang mga mukha ng mga babaeng sa phone lang ni Riley nya nakikita. Ito iyong mga babaeng nali-link kay Riley. Hindi nya alam kung naging girlfriends ba talaga ito ng kaibigan nya. Flings kaya? Ansama ng mga tingin nito sa kanya. Taas noo pa nyang tinignan din ang mga ito nang dumaan sila. Mamatay kayo sa inggit! sabi ng isip nya dahil nakaakbay pa rin si Riley sa kanya kahit nang papasok na sila ng bahay. Pero agad din naman nitong tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya nang makita ang isang babaeng nakaupo sa may sala. Noon lang nya nakita ito at kahit siya ay nagagandahan dito. Agad na lumapit si Riley dito nang tumayo ang babae. " Denise, kanina ka pa ba?" Oh, so, ito pala si Denise? Gusto sana nyang tingnan ito mula ulo hanggang paa pero pinigilan nya ang sarili pero hindi ang babae. Tiningnan siya nito from head to toe saka ngumiti nang matamis sa kanya bago bumaling kay Riley at hinalikan ito sa pisngi. " No, kararating ko lang. Happy Birthday!" malambing na sabi nito saka inabot ang hawak na regalo dito. " Oh, thanks. Nag-abala ka pa," nakangit pang sabi ni Riley habang kinuha ang inabot nito. " By the way, this is Leigh, my bestfriend," pakilala nito sa kanya. " Leigh, meet Denise, my girlfriend."  For now, gusto sana nyang idugtong. Pero ngumiti din siya sa babae.  Agad na humawak sa braso ni Riley ang kamay ng babae at parang ayaw nang bumitiw kaya kesa magmukhang tanga sa harap ng dalawa ay nagpaalam na muna siya. " Ri, puntahan ko muna sina Mama sa may kusina," paalam nya sa kaibigan saka tinanguan lang din si Denise. " Oh, sige," iyon lang ang isinagot nito at bumaling na agad ang tingin sa bagong girlfriend. Ngumiti uli si Denise sa kanya pero parang may kakaiba din sa klase ng tingin nito. Binalewala nya na lang iyon at agad nang tumalikod. Bitbit pa rin nya ang regalo nya kay Riley nang pumasok sa kusina. Nakita nyang hindi na nagluluto ang Mama nya pati ang Mama ni Riley. Nakaupo na ang mga ito habang nilalabas ng mga tindera ng Mama ni Riley ang mga pagkain. Sa tingin nya ay doon ilalagay ang mga pagkain sa malaking mesa na nasa labas. Ngumiti ang Mama ni Riley nang makita sya. " Oh, ba't ngayon ka lang?"  Lumapit na siya sa mga ito at nagmano sa Mama nya saka lumapit sa Mama ni Riley at humalik sa pisngi nito. " Hi, Tita.  Sensya na po if ngayon lang ako. Nakatulog po kasi ako."  Napatawa ang mga ito. " Asan si Riley?" tanong ng Mama nito. " Nasa labas po kasama iyong bagong girlfriend nya," walang anumang sabi nya pero sumasama talaga loob nya kada malalaman nyang may girlfriend na naman ang kaibigan.  Pero kailan ba naman nabakante ito ng girlfriend? " Naku, yang batang iyan. Wala pa namang ipinakilala sa akin ng pormal," naiiling na wika ng Mama nito. " Ganyan talaga pag bata pa. Hayaan mo na muna. Ang mahalaga ay hindi naman nya napapabayaan ang pag-aaral nya," sabi ng Mama nya dito. " Sa anak ko, may tiwala ako, natatakot ako sa mga girlfriends nya lalo't wala naman talaga akong nakikilala pa sa kanila. Paano kung mapikot iyan at makabuntis ng maaga? Naku, Diyos ko po! Huwag naman sana," anito saka nag-sign of the cross pa. Natawa silang dalawa ng Mama nya sa ginawa nito. Pero sa loob-loob nya ay nag-aalala din. Paano nga ba kung makabuntis ito at mapikot? Nakita pa naman nya na parang desperada iyong iba. Parang gusto na rin ata nyang magdasal na, huwag naman sana. " Hindi naman siguro. Hindi ka naman din nagkulang sa pangaral sa anak mo," pang-aalo ng Mama nya. Tumingin sa kanya ang Mama ni Riley habang patikim-tikim sya sa pagkain na nasa harap nya. " Kung sana si Leigh ang girlfriend ng anak ko siguradong matatahimik loob ko."  Muntik pa siyang mabilaukan sa narinig. " Naku, bawal pa si Leigh mag-boyfriend boyfriend," parang ang Mama naman nya ang kinakabahan sa narinig. Tumingin siya sa mga ito. " Huwag po kayong mag-alala. Wala pa pong nagkamaling manligaw." pampalubag loob nya dito. Mukhang umepekto naman iyon sa Mama nya.  " At bakit wala? Sa ganda mong iyan," depensa ng Mama ni Riley. Sasagot na sana siya nang biglang dumating si Riley. " Sino'ng maganda?" nakangiting sabi nito. " Sabi ko, ang ganda nyang kaibigan mo para walang magkamaling manligaw."  Gusto sana nyang tigilan na ng mga ito ang pag-uusap tungkol sa kanya na para bang wala siya.  " Paano naman may manliligaw diyan, eh, Amazona iyan," pagbibiro nito habang nakatingin sa kanya. Tumawa ang mga ina nila. Agad na hinampas nya ito sa braso. " Oh, kita nyo na ang ibig kong sabihihin?" nakatawang sabi nito at hinawakan pa ang brasong hinampas nya. Nakitawa na rin ang mga tindera ng Mama nito na nasa kusina. Umirap lang siya dito saka inabot ang regalong hawak. " Kunin mo na baka magbago pa ang isip ko," padabog na sabi nya dito. Napalitan ng ngiti ang tawa nito. " Akin pala talaga ito, ha?" Parang na-excite naman ang mga magulang nila. " Buksan mo na nga, anak," sabi ng Mama nito. " Mamaya na lang po," siya ang tumanggi kasi nahihiya siyang makita ng mga ito ang iginuhit nya baka mas itukso pa siya dito. " Sige na, para makita ko din," pang-uudyok naman ng Mama nya sa kaibigan. " Oh, panu ba yan, Leigh? Sumunod tayo sa mga magulang natin," nakatawang sabi nito. Parang gusto nyang umalis doon nang magsimula nang buksan nito ang regalo nya. Pati ang mga tindera ng Mama nito ay tumigil din sa pagkilos at nakaabang sa laman ng regalo nya. Sabay pang napa " Wow!" ang mga ito nang makita ang binigay nya. Si Riley naman ay lumawak ang pagkakangiti nang makita iyon. Parang nahihiya pa siya. Di kaya parang model ng sexy magazine ang pagkakaguhit nya dito? Pero tingin nya ay hindi naman dahil manghang-mangha ang mga ito sa gawa nya. "Ikaw ba ang gumawa nyan, anak? I'm so proud of you," parang maiiyak na sabi ng Mama nya. Nilapitan nya ang Mama nya at niyakap ito nang iabot nito ang mga braso sa kanya para yakapin sya. Wala  man siyang narinig mula kay Riley ay nakita naman nyang tuwang-tuwa ito sa binigay nya dahil ayaw na nitong tantanan ng tingin iyon kung hindi pa kinuha ng Mama nito para tingnan. " Grabe, ganyan ba talaga ako ka gwapo?" nakangiting sabi ni Riley. " Feeler. Magaling lang talaga akong mag-drawing kaya't nagmukhang tao ka diyan, unggoy," irap nya dito. Tumawa ito nang mahina saka sumeryoso na nang lapitan siya. " Thank you," sabi nito saka siya niyakap sa harap ng mga magulang nila. Natigilan sya saka hindi makakilos. Sanay siyang akbayan nito pero iyong yakap! At sa harap pa talaga ng mga magulang nila! Nag-init ang mukha nya hanggang sa maramdaman nya iyon sa buong katawan nya. Hindi nya alam paano mag-react dahil natahimik din ang lahat ng nasa kusina. Nabasag lang iyon nang may magsalita. " Hi, I just want to know if you need any help?"  Napalingon ang lahat sa may-ari ng boses. Nakita nya si Denise na parang nagulat nang makitang nakayakap si Riley sa kanya pero nakabawi naman ito agad at tuluyan nang pumasok ng kusina. " Hi, I'm Denise," ito na ang nagpakilala ng sarili. Bumitiw agad si Riley sa pagkakayakap sa kanya at lumapit kay Denise. " Ah, yah. Ma, si Denise, girlfriend ko. Denise, Mama ko, saka si Tita Laura, Mama ni Leigh," pakilala ni Riley na itinuro ang Mama nila. Lumapit si Denise sa mga ito at humalik sa mga pisngi nila. " Hi. Titas. " di maalis-alis ang ngiti sa mga labi nito. Nabigla man ay ngumiti din ang mga ito sa babae. " May maitutulong po ba ako dito?" agad na tanong nito sa mga magulang nila. " Naku, wag na. Pumunta na kayo sa labas at mag-enjoy kayo," taboy ng Mama ni Riley sa kanila. Tumikhim pa muna si Riley at saka mabilis na hinawakan sa siko ang girlfriend. " Okay, Ma, Tita, dun na muna kami sa labas," at inaya na nito palabas ang babae. Diyata't di na naalala ni Riley na andun siya! Naiwan siyang nakatanga lang sa nilabasan ng dalawa. " Leigh, ilagay mo nga muna ito sa labas."  Napalingon na lang siya nang utusan siya ng Mama nya at inabot nito ang mga plato sa kanya. Agad na tumalima siya kahit parang tinusok-tusok ang dibdib. Bakit, parang iba itong Denise sa mga naging girlfriends ni Riley? At ito pa lang talaga ang pinakilala na girlfriend sa Mama nito. Lalo syang nanamlay nang makitang iniwan na din nito ang regalo nya.  Ang Mama pa nito ang nagtabi nun. Naghihimutok ang loob nya habang bitbit ang mga plato. Nang mapadaan sa sala ay nakita pa nyang nagbubulungan ang dalawa. Parang ang saya-saya ni Riley, nangingislap pa ang mga mata nito. Inlove na kaya talaga ito?  Parang gusto nyang umiyak. Nang makalabas ng bahay ay nakita nya ang mga kaibigan at kaklase nila na mukhang nag-eenjoy naman. May inarkilahan na videoke machine ang Mama nito at andun halos lahat.  Nakita pa nga nya si Edward at si Chloe. Invited pala ang mga ito? Parang tama nga ang sinabi ni Riley sa kanya dati na gagamitin lang siya ni Edward dahil nakita nyang sweet na sweet na naman ang dalawa. Nakipagbalikan na ata si Chloe dito. Iniwas na nya ang tingin sa mga ito at inayos ang mga plato sa malaking mesa sa labas. Nang halos mailabas na lahat ng pagkain at maayos na sa mesa ay umupo na siya sa isang silya at ipinagpatuloy ang pagmumukmok. Naintriga siya nang biglang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nina Riley. Isang tingin pa lang ay alam nyang mamahalin iyon. Bigla ay may lumabas na lalaking matangkad na sa tingin nya ay lampas kwarenta na pero parang mukhang artista. Gwapong-gwapo ito kahit sa ganung edad. Agad na tumingin ito sa bahay nina Riley at inilibot ang mga mata sa mga taong naroroon. Maya-maya ay may lumabas ding batang babae na sa tingin nya ay mga sampung taon lang. Nanlaki ang mga mata nya nang matandaan ang mukha ng bata. Kapatid iyon ni Riley! Nakita na nya ang picture nito nung ipakita ni Riley sa kanya minsan. Agad na pumasok siya sa loob. Hindi na nag-isip nang biglang hinila nya si Riley patayo kahit kausap nito si Denise. " Andyan ata Papa mo," bulong niya dito. Hind na nya nakita ang biglang pag-ismid ni Denise nang makita ang ginawa nya. Hindi na nagawa pang magpaalam ni Riley kay Denise at hinila na rin sya nito palabas. Nakita nga nila nang pumasok na ng gate ang Papa nito kasama ang batang babae. " Kuya!" masayang salubong ng bata nang makita si Riley. Tumakbo ito at agad na yumakap kay Riley. Niyakap din naman ito ni Riley at ngumiti din dito pero tumingin din agad sa Papa nya na nakatayo lang sa may gate. " Happy Birthday, Kuya!" sabay abot nito ng regalo. Masayang tinanggap naman ito ni Riley. Lumapit na rin ang Papa nito. " Happy Birthday, son," sabi nito saka niyakap ang anak. Alam nyang hindi ganun ka-close si Riley sa ama nito pero yumakap na rin ito sa ama. Pinapasok nito ang ama at kapatid sa loob. Hindi na sya sumunod sa mga ito. Maya-maya lang aylumabas ang Mama nya at si Riley para pakainin muna ang mga bisita. Nagdasal muna sila sa pamumuno ng Mama nya at pagkatapos ay inasikaso na nito ang mga bisita dahil agad nang bumalik si Riley sa loob. Nakita nya din nang lumabas na si Denise. Hindi pa muna ito kumilos sa kinauupuan habang maiingay na nagsikuha na ng mga pagkain ang mga kaklase at schoolmates nila. Tumulong sya sa Mama nya sa pag-asikaso sa mga bisita ni Riley. Nang makakuha na nang makakain ay pumuwesto na rin sya katabi ng mga kaklase nilang babae. Tiningnan nya si Denise na nakaupo pa rin at parang wala atang balak kumuha ng pagkain. Nakita nya nang lapitan ito nang Mama nya pero umiling lang ito. Saka naman lumabas si Riley na agad lumapit kay Denise. Kinausap nito saglit si Denise at saka umalis para kumuha ng pagkain. Pagkatapos nitong kumuha ng pagkain ay lumapit ito sa babae at binigay ang plato. Hmph. Hinintay lang pala nitong pagsilbihan ni Riley. Napasimangot sya habang nakatingin pa rin sa mga ito. Alam nyang di lang siya ang nagmamasid sa dalawa. Kundi halos lahat ng mga babaeng andun. Pagkabigay ay pinuntahan muna ni Riley ang mga bisita para tanungin kung okay na ba. Hindi na nga sya nito napapansin dahil pagkatapos ay kumuha na rin ito ng pagkain nito at umupo sa tabi ni Denise.  Tiningnan nya ang dalawa. Kahit kumakain ay parang ang ganda din tingnan ng babae.  Pero bakit parang di nya talaga ito gusto? Bakit? Ni minsan ba ay may nagugustuhan ka talaga sa mga babaeng nagugustuhan ni Riley? pang-ookray ng utak nya sa sarili. Ang higpit ng hawak nya sa tinidor. Parang gusto nyang itusok sa magandang mukha ng babae. Parang sarap din tuhugin nitong si Riley! Nakita nyang panay ang ngitian ng dalawa habang kumakain. " Hi. Can I sit beside you?" lumuwang lang ang pagkakahawak nya sa tinidor nang marinig ang sweet na boses ng bata. Nakita nya ang kapatid ni Riley na matipid na ngumiti. " Yah, sure," nakangiting sabi nya dito. Nakita nyang may dala din itong plato na may pagkain. " Okay ka na ba dyan? Or may gusto kang ipakuha sa akin?" tanong nya dito. Masyado ring cute ang kapatid nito. Mamula-mula pa ang pisngi nito. Ang sarap kurutin nito. " Okay na po ako," nakangiting sabi ng bata. " By the way, I'm Ate Leigh. Di ba, Yanna ang name mo?" sabi nya dito. " Opo. I know you na po, Ate Leigh. Nung nagpunta si Kuya ng bahay last summer, pinakita nya picture mo."  " Oh!" tanging nasambit nya. Para namang pumalakpak ang tenga nya sa narinig. " Ahm, is that her girlfriend po?" si Denise and tinutukoy nito dahil nakita nyang nakatingin din ito sa dalawa. " Yah," maikling sagot nya. Tumingin ito sa kanya saka minasdan syang mabuti. " But I like you more. I thought you're Kuya's girlfriend," bumungisngis pa ito. Namula ang mukha nya sa narinig. " B-ba't mo naman nasabi?" nakuha pa nyang itanong kahit uminit ang mukha nya. " I don't know. He kept mentioning your name so I thought he was in love with you," parang walang anumang sabi nito. Parang gusto nyang kiligin sa narinig pero napurnada din naman dahil nang tumingin sya uli sa gawi ng dalawa ay nakita nya nang hawakan ni Riley ang kamay ni Denise. " Do you like my Kuya?" hindi nya inaasahan ang tanong ng kapatid nito. " H-ha? H-hindi, ah. Feeling gwapo kaya masyado, Kuya mo," agad na tanggi nya na binawi na ang tingin sa dalawa. Napabungisngis uli ito habang sumusubo ng cake. Napatawa na rin sya. " Pero ikaw ang cute mo. Buti hindi ka nagmana sa Kuya Riley mo." Naghagikgikan na silang dalawa. " Parang narinig ko ang pangalan ko," nakita nya ang papalapit na si Riley. Bigla kinarga nito si Yanna para ito ang umupo sa pwesto ng kapatid at saka ito kinandong. " Ano'ng itsinismis ng Ate Leigh mo sa'yo?"  Bumungisngis lang ang bata habang nagkatinginan silang dalawa. " Parang nakakita ka ng kakampi, ah," sabi nitong bumaling na sa kanya. Tiningnan nya ang iniwan nitong girlfriend na parang pailalim na ang pagkakatingin sa kanya. " Ba't iniwan mo ang girlfriend mo dun?" sabi na lang nya. " Ipapakilala ko sana si Yanna pero parang mamaya pa ito matatapos kumain ata dahil sa kwentuhan nyo. So ano'ng pinagkukwentuhan nyo?" malambing na tanong nito sa bata. Kahit hindi kasi magkasama madalas ang magkakapatid ay alam nyang malapit ang mga ito. Araw-araw itong tinatawagan ni Riley. "Sabi ko, buti hindi sya nagmana sa Kuya nyang mukhang unggoy," siya na ang sumagot. Kunyari ay hindi makapaniwalang tumingin si Riley sa kanya. " Mukhang unggoy pala, ha, kaya ba ginawa mo akong model?" nag-aasar na sabi nito. Tumawa pa silang lalo ni Yanna. Natigil lang sila nang lumapit si Denise sa kanila. " Ri, pwde bang samahan mo ko sa restroom nyo?" Restroom? Ang ek ek. " Yah, sure," agad na tumayo ito at pinaupo uli ang kapatid. " Meet my sister pala, Yanna. Yanna, this is Denise."  " His girlfriend," parang may pagkadiin pa ang pagkasabi nito na sa kanya nakatingin. Ipinagpatuloy na lang nya ang pagkain. Nagpaalam na muna si Riley sa kanila at nakita nyang umabrisyete na naman sa braso nito ang babae. " Kapit-tuko," di mapigilang sabi nya. " What?" agad na tanong ng kapatid nito. Narinig pala siya kahit mahina ang pagkakasabi nya. "  Wala. Kumain ka na uli," nakangiting sabi nya dito. Hindi nagtagal ang ama ni Riley at nagpaalam din agad. Yumakap si Yanna sa kanya bago umalis. Ang sweet na bata, nakangiting sabi ng isip nya nang gumanti ng yakap dito. Pagkatapos yumakap sa kanya ay yumakap din ito kay Riley. Nakatingin lang sa kanila si Denise. " Aren't you going to hug, Ate Denise too?" sabi pa ni Riley. Nag-aatubiling tumingin si Yanna sa babae at dahan-dahang lumapit. Yumuko ang babae at ngumiti sa bata. Yumakap na rin dito ang kapatid ni Riley. Isa-isa na ring nag-alisan ang mga bisita nito nang mag-alas otso na ng gabi. Pumunta siya sa kusina at kunyari ay tutulong dahil naaalibadbaran siya sa nakikitang sweetness ng dalawang lovebirds sa labas. Nakita nyang seryosong nag-uusap ang mga ina nila. Parang pinag-uusapan nito ang ginawang pagbisita ng Papa ni Riley. Iyon kasi ang unang beses na pumunta ito sa birthday ng anak. Gusto nya sanang makinig pero itinaboy siya ng Mama nya at sabi ay usapang pang matanda iyon. Kaya't nakasimangot na lumabas siya at pumunta ng sala. Nasa labas kasi halos lahat ng tao.  Umupo siya doon at nakatunganga. Bigla ay pumasok sa loob ang nagtatawanang magkasintahan habang magkahawak kamay pa rin. " Oh, ba't mag-isa ka dyan?" pansin ni Riley sa kanya. Kasi parang kambal-tuko na kayo ng bago mong girlfriend!, gusto nya sanang isagot dito. Akmang sasagot na sya pero nagsalita si Denise. " Ihatid mo na kaya ako sa amin para mapakilala na din kita ng pormal kina Mommy," nakangiting sabi ng babae kay Riley. " Talaga? Ipapakilala mo na ako bilang boyfriend mo?" parang nanunudyong sabi nito. Ansarap tapunan ng  sapatos ang dalawa! " Diyan ka na muna, Leigh, ha? Ihahatid ko na muna si Denise. Magpapaalam muna kami kay Mama."  Tumango lang sya dito. Nakita nyang ni hindi na sya tinapunan ng tingin ni Denise nang akayin na ito ni Riley sa kusina. Maya-maya lang ay nakita na nya uli ang mga ito at magkahawak kamay na naman. Muling nagpaalam si Riley at wala uli syang narinig pa mula kay Denise. Malapit nang mag- alas diyes pero hindi pa rin umuwi si Riley. Tumulong na siya sa pagliligpit para may dahilan pa siyang manatili sa bahay nito. Naghuhuntahan pa sa may kusina ang mga ina nila at sya naman ay kunyari ay nanonood ng TV sa sala. Narinig nya ang pagbukas ng gate kaya dali-daling umayos siya ng upo saka tinutok na ang mga mata sa TV. Bumukas ang pinto at alam nyang si Riley na iyon pero hindi nya ito tinapunan ng tingin. Naramdaman na lang nyang tumabi ito sa kanya at itinaas nito ang dalawang braso sa sofa.  Nang hindi ito nagsalita ay nilingon nya ito. Nakita nyang ngiting-ngiti pa ito na nakatingin sa kawalan. Bigla ay bumaling ito sa kanya. " You know what? I think I received my best gift ever!" nangingislap pa mga mata nito nang sabihin iyon. Inlove na nga ata talaga ito! Iniyakan nya iyon nang buong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD