Hinihintay nyang sabihin ni Riley sa kanya na break na ito at si Denise. Tinagalan nya ng isang buwan ang relasyon ng dalawa pero magdadalawang buwan na ay wala pa itong sinasabi sa kanya. Madalang na rin nya itong nakakasabay umuwi dahil dumideretso ito kina Denise.
Gusto na nyang magtampo dito pero naisip nyang wala naman siyang karapatang sumama ang loob kung mas inuuna nito ang girlfriend dahil nakikita naman nyang parang masaya ito. Hindi na rin ito masyadong nakikipag-flirt sa ibang babae. Tinamaan nga talaga ata ito kay Denise. Lagi itong tumatambay kina Denise. Minsan ay napapadaan ito sa kanila pero andalang lang nun at parang nagpapakita lang sa kanya.
Hawak-hawak nya ang sketchpad nya pero wala naman siyang ginuguhit. Kinikiskis lang niya ang dulo ng lapis sa papel sa kung saan-saang direksiyon. Kasalukuyang nasa sala siya noon at as usual nakatunganga since wala naman syang kasama lagi sa bahay. Bumukas ang pinto ng bahay nila. Di sya naglo-lock if hindi pa gabi at kung nasa sala lang siya kasi tahimik naman sa lugar nila.
Nag-angat siya ng tingin at nakita nya si Riley. Nakangiti agad ito nang pumasok. Hindi nya ito nginitian at binalik lang ang mga mata sa sketchpad.
" Dinalhan kita ng meryenda, oh," sabi nito at inilapag ang dalang supot sa mesa sa harap nya.
" Bakit naligaw ka? Wala ba kayong date ni Denise?" walang emosyong tanong nya na di pa rin ito tinitingnan.
Hindi ito sumagot at mataman lang siyang pinagmasdan. Pinisil nito saglit ang pisngi nya bago nagsalita.
" I'm sorry if di ako masyadong nakakapunta dito kasi..."
" Ok lang iyon. Naiintindihan ko," pinutol nya sasabihin nito pero nanatiling nakayuko lang sya sa sketchpad nya.
" Kaya nga bumabawi ako now. Nagpaalam ako kay Denise na may gagawin lang para mapuntahan kita dito. Alam ko kasi wala kang kasama," sabi nito habang binubuksan ang bitbit na pagkain.
" Oh, kain ka muna," anito at inilapit sa bibig nya ang sandwich.
" Busog ako," matipid na sagot nya.
" Kainin mo na, please. Ako gumawa nyan," pakiusap nito na hindi pa rin inaalis ang sandwich malapit sa bibig nya.
Tiningnan nya ito at nakita nya ang parang nagsusumamong mukha nito. Na miss nya talaga ito. Pabuntung-hiningang kinuha nya ang sandwich at walang imik na kinagatan iyon. Ngumiti ito at tinitingnan lang sya habang kumakain.
" Bakit?" tanong nya dito dahil naaasiwa siya.
" Na-miss kita sobra," seryosong sabi nito.
" Weh," di naniniwalang sabi nya.
Kung na-miss mo ko ba't ngayon ka lang nagpakita? Ang sabihin mo di mo maiwan-iwan iyong Denise mo, sabi ng isip nya.
" Parang si Denise ata ang makaka-break ng record sa lahat ng mga girlfriends mo."
Ngumiti na ito uli.
" Yah. I think it's real this time."
Andun na naman iyong kirot!
" T-talaga? Bakit? Ano'ng meron sa kanya na wala sa iba mong naging girlfriends? Bukod sa siya ang pinakamaganda?" di mapigilang tanong nya kahit parang tinusok-tusok ang dibdib nya.
" I don't know. Basta iba siya. I just feel it here," sabi nitong tinuro pa ang dibdib.
Hindi nya inaalis ang tingin sa gwapong mukha ng kaibigan. Nakikita nyang masaya nga ito. Ngumiti na rin sya kahit napipilitan.
" Well, atleast nalaman kong marunong din palang ma-inlove ang isang Riley Yohan," nakangiting sabi nya pero hindi naman umabot sa mga mata nya.
" I hope na magkakalapit din kayo."
I doubt it. Kontra ng utak nya pero hindi naman niya isinatinig iyon.
Ngumiti lang siya bilang sagot.
" Baka gusto mong sumama minsan pagpunta ko sa kanila?"
Para ano? Para maging saksi sa pagmamahalan nyo habang tinutusok ng kutsilyo ang puso ko? OA na sabi ng isip nya.
" Ano ka ba? Para kang engot. Magbibitbit ka ng ibang babae sa bahay ng girlfriend mo? Mapapalayas ka nang wala sa oras ng parents nya," pabirong sabi nya.
" Of course not, hindi naman sila mag-iisip ng kung ano if makita ka nila."
Ouch! Parang sinasabi na rin nitong walang mag-iisip na magugustuhan siya ng isang Riley Yohan!
Hindi na siya kumibo pang muli at kunyari ay busy na sa pagkain.
" Wait. Sasaglit lang ako ng bahay. Balik ako agad," paalam nito.
Tumango lang sya. Nakita nyang naiwan ang phone nito sa sofa. Kinuha nya iyon at nagsisisi kung bakit pinakialaman pa nya dahil nakita nya ang mukha ng dalawa na sweet na sweet dahil ginawa nitong wallpaper iyon. Ngayon lang nito ginawang wallpaper ang mukha ng gf. Iba nga ang tama ng kaibigan nya kay Denise. Gusto na nyang pumalahaw ng iyak nang magulat dahil biglang tumunog ang phone na hawak. Nakita nya ang pangalan sa screen.
Love? Pangalan ba iyon ng ibang babae? Nanatiling nakatitig lang siya sa phone at parang walang balak magbaba ng phone ang tumatawag kaya napilitang sinagot nya iyon.
" Hello?"
" Who's this?" mataray na sagot nang nasa kabilang linya.
Nabosesan nya ang tumatawag.
Si Denise! Love siguro ang endearment ng mga ito kaya Love ang naka save sa phone ng kaibigan.
" Denise?" tanong nya pa rin para makasiguro.
"Yah, who's this? Bakit na sa'yo ang phone ng boyfriend ko?" mas tumaray pa ata ang boses nito.
" Ahmm, si Leigh ito. Pumunta lang saglit si Riley sa bahay nila. Naiwan iyong phone nya dito."
" What? Saiyo lang pala sya pumunta? Sabi nya may importante siyang lakad? Ano'ng ginagawa nya sainyo?" tuluy-tuloy ang bibig ng babae.
Muntik pa nyang babaan ito ng phone dahil naiinis na rin sya sa klase ng pagtatanong nito.
" I'm not sure, Denise. Maybe galing sya dun sa sinasabi mong importanteng lakad nya at sumaglit lang dito," paliwanag na lang nya.
" And why? Bakit diyan sya dumiretso at hindi sa amin?" parang inis na inis na tanong nito.
Huminga muna siya nang malalim para huwag nyang mapatulan ang babae. Buti na lang at dumating na si Riley.
" Here. Girlfriend mo. Hinahanap ka," hindi maipinta ang mukha nya nang ibigay kay Riley ang phone.
Nagtatakang kinuha nito ang phone. Sumenyas lang si Riley sa kanya na lalabas muna. Doon nito sinagot ang tawag ni Denise. Hindi nya masyadong narinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil mahina lang ang boses ni Riley. Matagal bago ito pumasok uli. Twenty minutes ata nitong kausap si Denise sa phone. Tiningnan nya ito nang pumasok. Hindi ito umimik at parang nag-iba ang mood nito. Tahimik lang ito at hinayaan nya na lang muna.
" I'm sorry about that.," maya-maya'y sabi nito.
" Maybe you should go there na lang."
Matagal itong nakatingin lang sa phone nito. Parang nagde-decide kung ano ang gagawin.
" Yah, I think so. Paano, aalis na muna ako? Okay ka lang dito mag-isa?"
" Oo naman," tanging sagot nya pero gusto nyang pigilan sana ito.
Naiinis pa rin sya sa girlfriend nito pero hindi na lang nya pinahalata. Tumayo na nga ito at nagpaalam sa kanya.
After nun, ay mas lalong hindi na nagagawi si Riley sa kanila. Nagkikita na lang sila nito sa school. Kahit weekends ay hindi na ito nakakatambay sa bahay nila. Tumatawag naman ito sa gabi para mangumusta pero mabilis lang din dahil laging napuputol kapag tumatawag si Denise.
Limang buwan na nitong girlfriend si Denise.
Oo, alam nya kahit ang monthsary ng mga ito. Limang buwan na rin nyang nami-miss ang kaibigan. Kahit kasi magkasama sila sa school ay iba pa rin iyong nakakasama nya rin ito after school.
Taga-ibang school kasi si Denise at kaedad lang din nila ito pero hindi na ito pa tweetums tulad ng mga kaedad nila kaya siguro nagugustuhan ito ni Riley.
Minsan ay sumama sya sa Mama nya sa mall. Nasa may food court sila nang may mapansing pamilyar na mukha sa kabilang mesa. Nang tingnan nyang mabuti ay nakilala nga nya.
Si Denise!
May kasama itong lalaki at hindi iyon si Riley. Nakaakbay pa ang lalaki dito habang may binubulong. May hitsura din ang kasama nito. Hindi nya hinihiwalayan ng tingin ang dalawa. At base sa mga kilos ng mga ito ay mukhang magkarelasyon. Nang makita nyang umangat ang tingin ni Denise sa gawi nya ay agad na siyang tumayo at nagpaalam sa Mama nya na pupunta siya ng CR. Buti na lang ay tumayo na rin Mama nya para sumabay. Hindi na nya nilingon ang kinaroroonan ni Denise.
Mag-iisang linggo na mula nang makita nya si Denise kasama ang ibang lalaki pero hindi pa rin nya nabanggit iyon kay Riley. Hindi nya kasi alam kung paano sasabihin.
Mag-aalas nuebe na noon ng gabi at nakahiga syang nakatitig sa kisame. Tinitingnan nya ang phone. Laging ganun ang gingagawa nya kada gabi, naghihintay kung tatawag ba si Riley or hindi. Gusto na nyang sabihin dito ang tungkol kay Denise.
Sabado naman bukas kaya matiyaga siyang naghihintay ng tawag nito. Nagulat pa siya nang may kumatok sa may bintana ng kwarto nya.
Nakita nya dun si Riley!
Nagmamadaling bumangon sya at binuksan ang bintana.
" Ano'ng ginagawa mo dyan?" nagulat pa siya nang parang amoy alak ito.
Nakainom ba ito?
Tiningnan nya ang nakangiting mukha nito. Pulang-pula iyon. Sinilip nya kung paanong inakyat nito ang bintana ng kwarto. Nakita nyang may maapakan naman pala ito paakyat. Agad na tinulungan nya ito papasok sa bintana dahil baka mahulog ito. Nang makapasok na nang tuluyan ay nakita nyang may hawak pa itong isang bote ng beer.
" Hoy, uminom ka ba?" paanas na tanong nya dito kahit obvious ngang nakainom ito.
Ngumiti lang ito saka sumalampak sa sahig at sumandal sa kama nya.
" Inom tayo, Leigh," sabi nitong tinungga ang bote ng alak.
" Akina nga yan," pilit na kinukuha nya dito ang bote pero iniwas nito ang kamay.
" Yaan mo na muna ako," nawala na ang ngiti sa mga labi nito.
Hindi na siya nakipagtalo dahil baka magising ang Mama nya sa ingay nila at pareho pa silang mapagalitan.
" Lagot ka talaga sa Mama mo nyan," sabi na lang nya na umupo na rin sa sahig sa tabi nito.
Hindi ito umiimik at pinagpatuloy lang ang pag-inom.
" Bakit ka naglalasing?" tanong na lang nya. Parang may hula na sya kung bakit.
" Wala na kami ni Denise," maikling sagot nito.
Kahit ini-expect na nya iyon ay nagulat pa rin sya. Parang nabunutan ng tinik ang dibdib nya.
" Parang ngayon ka lang nakipag-break at naglalasing ka pa talaga," parang walang anumang sabi nya.
" Nahuli ko iyong lalaki sa bahay nila nung pumunta ako kanina," napapatiim-bagang na sabi nito.
Hindi na nya sinabi dito ang nakita para wag nang dumagdag pa sa nararamdaman ng kaibigan.
" Madali ka namang makahanap ng bagong girlfriend di ba? Di ka na nasanay," pangungunswelo nya dito.
Tumingin ito sa kanya nang matagal. Gusto nyang maasiwa pero pinaglabanan nya dahil gusto nyang damayan ang kaibigan.
" Na-inlove ka ba talaga sa kanya?" tanong nya dito.
Imbes na sumagot ay tumungga lang ito uli sa bote. Huminga na lang din sya nang malalim at tahimik na nakaupo. Nakita nyang nilapag na nito sa tabi ang walang lamang bote. Alam nyang first time nitong uminom. Hinayaan nya na lang ito at isinandal nya ang ulo sa kama at nakatutok uli ang mga mata sa kisame.
" Tell me, Leigh, nainlove ka na ba?" bigla ay ibinalik nito ang tanong sa kanya sa lasing na boses.
Medyo napalakas ang pagkakatanong nito kaya agad na nilingon nya ito at tinakpan nang kamay ang bibig nito.
" Hinaan mo nga ang boses mo. Maririnig tayo ni Mama," mahinang sabi nya habang pinandidilatan ito ng mga mata.
Tumawa ito nang mahina.
" Ssshhhh." nakatawang sabi nito nang alisin nya ang kamay sa bibig nito.
Napatawa na rin sya sa mukha nito. Ang cute cute nitong tingnan lalo't namumula lalo ang mga pisngi nito sa kalasingan.
" Tumatawa ka pa. Brokenhearted na nga itong kaibigan mo," itinuro pa nito ang sarili.
" Maraming nagkakandarapa sayo,okay? Kaya hindi kawalan iyang si Denise," inis na sabi nya nang maalala ang nakita sa Mall.
" Pero siya ang gusto nito," tinuturo pa nito ang dibdib.
Naaawang napatitig na lang sya dito. Alam nya ang pakiramdam nito. Ang pakiramdam ng nasasaktan. Hindi nya namalayan na nakatitig na rin pala ito sa kanya.
" Alam mo ba kung bakit siya naghanap ng iba?"
Umiling lang siya na tumitig na rin dito.
" Dahil sa'yo," biglang sabi nito.
Napakurap-kurap siya sa sinabi ng kaibigan.
" Ako?" napamaang na turo nya sa sarili.
" Yah." maikling sagot nito.
" Hindi ko alam kung bakit selos na selos sya saiyo. Nag-away kami last week at hindi nya ako kinausap. Pinapili nya ako, actually. Kaya hindi ko sya maintindihan kung bakit kailangan kong mamili," sinandal na nito ang ulo sa kama nya at nagsimula nang pumikit-pikit ang mga mata nito.
Hindi siya makaimik sa narinig.
Pinagseselosan siya ni Denise?!
Narinig nyang huminga ito nang malalim at pumikit. Gumaya na rin sya at sumandal sa kama habang nakasalampak pa rin sa sahig at tumitig uli sa kisame.
" Nagseselos si Denise sa akin? Bakit?" parang sarili lang nya ang kausap nya nang sabihin iyon.
Narinig ang mahinang pagkilos ng katabi kahit hindi nya ito tinitingnan.
" Yah, I think we need to know the answer to that," bigla ay narinig nyang sabi ni Riley.
" Paano?" parang wala sa sariling sagot nya na nakatitig pa rin sa kisame.
Bigla ay naramdaman nya ang pagkilos nito at nagulat na lang siya nang makita ang mukha nitong nakatunghay sa kanya.
" I think I know how," sabi nito bago dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya.
Hindi sya makakilos sa pagkabigla lalo na nang maramdaman ang paglapat ng labi nito sa labi nya. Nakalapat lang ito nang ilang segundo hanggang sa dumampi-dampi na ang paghalik nito. Nanlaki ang mga mata nya kaya't kitang kita nya na nakapikit ito habang hinahalikan sya. Pipikit na rin sana siya nang marinig ang ang boses ng ina sa may pinto.
" Leigh?" tanong nito sa labas habang mahinang kumakatok.
Naitulak nya bigla si Riley at nagpa-panic na tumayo sa pagkakasalampak. Pinatayo nya na rin ito at hinila pahiga sa kama at agad na tinabunan ng kumot at mga unan. Inayos muna nya ang sarili bago lumapit sa may pinto pero hindi nya binubuksan.
" Yes, Ma?" medyo nanginig pa ang boses nya sa kaba.
" Parang may narinig akong kausap ka," sabi nito sa labas ng pinto.
" Ah, opo. Kausap ko po si Riley sa phone."
" Ah, okay. Matulog ka na. Sabihin mo na bumisita naman dito. Hindi ko na nakikita masyado iyong batang iyon. Akala ko ay may tampuhan kayo."
" Wala po, Ma. Naging busy lang siya sa school."
" Ok sige. Matulog ka na dyan. "
" Opo, Ma. Goodnight po."
Nang marinig nya ang papalayong hakbang nito ay saka nya binalikan si Riley. Kinuha nya ang mga unan na nakatakip dito. Nakita nyang nakapikit na ito at parang himbing na himbing na ang pagtulog. Tumingin sya sa mga labi nito. Hindi sya makapaniwalang ito ang magiging First Kiss nya!
Nag-init ang mukha nya nang maalala ang ginawa nito. Bigla ay napapangiting hinawakan nya ang mga pisngi habang nakatitig pa rin sa natutulog na kaibigan.
Hindi na nya ito ginising. Humiga sya sa espasyong naiwan sa kama nya. Buti na lang at malaki ang kama nya. HIndi rin naman siya nakatulog agad. Tinitingnan lang nya ang mukha nito buong magdamag.
Akala nya ay hindi sya makakatulog nang gabing iyon pero unti-unti na rin syang hinihila ng antok nang di nya namamalayan.
Nagising sya kinabukasan sa yugyog ng ina.
" Leigh, tanghali na. Hindi ka pa bumabangon."
Umungol pa siya bilang pagtutol nang maalala si Riley. Bigla ay bumalikwas sya ng bangon at tiningnan ang kama. Wala na doon ang kaibigan. Agad na nakahinga siya nang maluwang. Hindi nya alam kung paano nya ipapaliwanag sa ina kung sakaling nahuli nitong dun natutulog si Riley. Nagtaka ang Mama nya sa reaksyon nya.
" Tulog ka pa ata. Bumaba ka na. Magtatanghali na."
Nang tingnan nya ang oras ay alas onse na ng umaga. Napaisip siya kung ano'ng oras nagising si Riley. Bumangon sya at sumilip agad sa bintana. Sa tingin nya ay doon din dumaan ang kaibigan para makauwi sa bahay nito. Lumabas na ang Mama nya. Napapangiting napahiga siya uli sa kama. Naalala nya ang ginawang paghalik ni Riley sa kanya. Tiningnan nya ang phone. Nakita nyang may tatlong messages galing kay Riley. Excited na binasa nya iyon.
Sorry kagabi. Nagising ako mga 4am.
Tulog na tulog ka kaya't umuwi na ako baka makita pa ako ni Tita.
P.S
Sa bintana uli ako dumaan :)
Umawang ngiti nya.
Binasa nya uli ang ikalawang message:
Tulog ka pa?
At panghuling message nito:
Punta ako dyan mamayang hapon.
:)
Nakangiting dinala nya sa dibdib ang phone. Dinama nya uli ang mga labi at ini-imagine ang nangyari kagabi. Bigla ay tinakpan nya ng dalawang kamay ang mukha dahil sa sobrang kilig. Gusto nyang magsisisigaw sa tuwa. Nakangiting nag-reply siya dito.
Kagigising ko lang. Buti di ka naabutan ni Mama.
Kumain ka na ba?
Paimpit na sumigaw siya habang nakangiti nang pindutin ang SEND button. Hindi nagtagal ay nag reply agad ito.
Oo. Kaw, kumain ka na.
Ansakit ng ulo ko pagkagising. Nakatulog ako uli at kagigising lang din.
Pagkatapos ko maligo, punta ako dyan.
Oh my God!
Hindi nya kayang e-handle ang kilig nya ngayon. Para syang luka-lukang nagpapadyak sa ere. Nang mahimasmasan ay agad na bumangon para maligo dahil baka dumating na si Riley at hindi pa sya nakapaligo.
Nahihirapan pa syang pumili ng susuotin pagkatapos nyang maligo. Tatlo lang ata ang blouse nya and the rest puro maluluwang na T-shirts na. Napili nya ang pink na blouse saka shorts na white. Isang beses lang nyang nasuot ang blouse na iyon at pinilit pa talaga sya ng Mama nya noon.
Nagsuklay siya ng buhok at hinayaan nang nakalugay iyon. Hindi na nya tinalian iyon gaya ng nakagawian. Naglagay pa sya ng hairpin sa may tenga nya banda. Tiningnan nya ang mukha sa salamin. Hindi na sya ganun kabaluga. At dahil di na natatabunan ng sunog na kulay ang mukha ay unti-unti na ring nakikita ang taglay nyang ganda. Ngumiti sya nang masiyahan sa nakita. Naglagay pa siya ng cologne bago bumaba.
Nadatnan nya ang Mama nya sa kusina na naglilinis. Nagtaka ito sa ayos nya.
" May lakad ka ba?" hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
" Wala, Ma," sagot nyang hindi tumitingin dito habang tinitingnan ang pagkaing nasa mesa.
Hindi ito umimik sandali habang nakatitig pa rin sa kanya. Maya-maya ay nagsalita uli ito.
" May nanliligaw na ba sa'yo, Leighton?" seryosong tanong nito na itinigil na ang ginagawa.
Natigil ang pagsandok nya ng kanin dahil sa tanong nito.
" Ba't mo naman naitanong, Ma?" nabiglang tanong nya sa ina.
Hindi ito sumagot uli at mataman lang siyang pinagmamasdan. Agad na umupo na sya at sinimulan na ang pagkain nang wala nang marinig sa Mama nya. Tumunog ang phone nya. Napangiti sya nang makitang galing kay Riley iyon. Agad din namang napalis ang ngiti nang mabasa ang text nito.
Sorry. Maya na kita puntahan.
Magkikita kami ni Denise.
Matagal na tinitigan nya lang ang screen ng phone. Hindi nya namalayan na umiiyak na pala siya kung hindi pa nya nalasahan ang luha sa mga labi. Mabilis na pinahid nya iyon at tiningnan ang kinaroroonan ng Mama nya. Buti na lang at busy na uli ito sa ginagawa. Hindi na nya tinapos ang pagkain. Niligpit na nya iyon at dali-daling hinugasan.
" Tapos ka na agad?" nagtatakang tanong ng Mama nya.
" Opo, Ma. Sa taas na po muna ako," maikling sagot nya at agad na tumalikod na dito dahil parang hindi na nya kayang pigilan uli ang luha.
Sinara nya agad ang pinto pagkapasok ng kwarto at dumapa sa kama. Umiyak siya nang umiyak. Ayaw atang tumigil ng mga luha nya. Hindi nya alam kung gaano katagal syang umiyak pero dama nya ang pamumugto ng mga mata.
Kinatok sya ng Mama nya at nagpaalam na pupunta ng palengke. Umungol lang siya bilang sagot dito. Natatakot syang magsalita dahil mahahalata nitong galing sya sa pag-iyak.
Mga wala pang isang oras mula nang umalis ang Mama nya ay nakatulog sya habang nakadapa pa rin. Nagising siya nang tumunog ang phone nya. Hindi nya tiningnan ang screen kung sino'ng tumatawag sa pag-aakalang Mama nya lang iyon.
" Hello?" inaantok pa na sagot nya.
"Leigh, nagising ba kita?"
Tuluyang nagising ang diwa nya nang marinig ang boses ni Riley. Agad na tumihaya sya sa kama.
" Ahm, di naman. N-napatawag ka. Nagkita na ba kayo ni Denise?" agad nyang tanong.
Bumuntunghininga lang ito.
" Andito ako sa labas. Naka-lock pinto nyo. Umalis ba si Tita?"
Napabangon sya sa narinig. Mabilis na sinuklay lang ng kamay ang buhok. Tinanggal na nya ang hairpin sa buhok dahil hindi na maayos ang pagkakalagay nun. Kung kanina ay parang anghel ang tingin nya sa sarili, ngayon naman nang tingnan nya ang sarili sa salamin ay parang sinaniban ng ilang demonyo dahil sa kalat-kalat na buhok. Agad na tinali na lang nya uli iyon at tiningnan ang mga mata.
Bahala na.
Lumabas na sya ng kwarto at bumaba. Binuksan nya ang pinto at nakita nga nya sa labas si Riley. Kumunot pa noo nito nang makita mukha nya.
" Grabe naman tulog mo at namaga pa talaga mata mo," agad na salubong nito sa kanya.
Hindi siya nakasagot at inawang na lang nang malaki ang pinto para dito. Dumiretso ito at umupo agad sa sofa. Dahan-dahang lumapit sya dito at tinatantya kung naaalala nito ang ginawa kahapon pero wala syang nakitang indikasyon na naalala nga nito ang paghalik sa kanya. Kumirot uli ang puso nya. Umupo na din sya sa dulo ng sofa.
" A-ano'ng napag-usapan nyo ni Denise?"
Napahilamos ito sa mukha bago sumagot.
" Gusto nyang makipagbalikan."
Matagal bago siya nakapagsalita.
" And?" medyo kinakabahang tanong nya nang mahimasmasan.
" I said no." parang walang anumang sagot nito.
Hindi niya mabasa ang tunay na saloobin nito nang titigan nya ang gwapong mukha ng kaibigan. Nanatiling nakatitig lang siya dito at naghihintay ng paliwanag kung bakit.
" She wants me to stay away from you completely if magiging kami uli."
Nabuhayan ang puso nya. Para bang sinasabi nitong siya ang pinili nito at hindi si Denise.
" W-why?" gusto nyang marinig ang sagot.
Bigla itong tumingin sa kanya at tumawa nang mahina.
" Ano'ng why? Of course, sa tingin mo ba basta ko na lang itatapon ang friendship natin dahil lang sa isang girlfriend na walang tiwala sa akin?" nakangiti nang sabi nito at saka umusod palapit sa kanya para akbayan siya.
Friendship. iyon nga lang talaga ang kaya nitong ibigay sa kanya.
" But I thought sabi mo tinamaan ka talaga sa kanya?" nakatingin sya sa sahig habang nakaakbay pa rin ito sa kanya.
Friendship. Friendship.
Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak nya iyon.
" Talaga? Sinabi ko iyon kagabi?" tumawa pa ito lalo.
Tumango lang sya habang nakayuko.
" Alam mo, ganun pala pag nalasing kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig," natatawa pa rin ito.
" Hindi ko na matandaan ang mga pinagsasabi ko kahapon. Ni hindi ko nga maalala kung paano akong nakarating sa kwarto mo. Buti pala at hindi ako nalaglag nun."
Napatingin sya dito dahil sa sinabi nito.
Gaya nang di mo naaalala ang paghalik mo sa akin? piping sigaw ng puso nya.
" Next time, if may seseryosohin man ako, I'll make sure that they will also accept you as part of the package," nakangiting sabi nito.
Tahimik na yumuko na lang din siya uli.
Bakit di na lang kasi ako? Para di na kumplikado.
Tumingin na siya sa mukha nito at ngumiti na lang din sya ng tipid dito kahit pakiramdam nya ay parang pinipiga ng malalaking kamay ang puso nya.