Nabanggit ni Riley na plano nilang magpakasal sa taon ding iyon nang minsang tumawag ito pagkatapos ng proposal. Matagal nang napag-usapan ng dalawa na once na makasal sila ay titigil na sa pagmo-model si Raine na sinang-ayunan naman ng babae. Kaya nga todo suporta si Riley dito habang hindi pa sila ikinakasal. Hinahayaan nito ang nobya sa pinili nitong trabaho. Linggo ng umaga ay nakahilata pa rin sya sa kama kahit mag-aalas nuebe na. Araw ng pahinga nya iyon kaya't okay lang na tumunganga muna siya bago bumangon. Mag-isa lang din naman siya sa bahay dahil kahit Linggo ay nasa Divisoria ang Mama nya dahil sabi pa nito ay mas maraming customers kapag weekends. Nakatulala lang siya nang biglang tumunog ang phone nya. Tiningnan nya kung sino'ng tumatawag at nakita nyang si Raine iyon. Na

