One and a half years later... Graduating na si Luigi sa kursong Business Administration, at isa sa final non-academic requirement niya for graduation ay ang sumama sa retreat ng mga graduating student na gaganapin sa isang liblib na retreat house na matatagpuan sa Lipa, Batangas. Pitong oras ang biyahe niya. Dahil excited, hindi siya nakatulog nang gabi ng nakaraang araw kaya iyon siya at tulog sa buong biyahe. Nang magising siya, naroon na sila. Magkakasama sa isang bus ang magkaka-block. Bale, apat na bus iyon. Inutusan sila ng coordinator na pumila ng maayos. Pinaghiwalay na ang babae sa lalaki. Agad naman siyang tumalima. Pumila siya sa likod nina Marcus at Jobert. Nag-arms forward pa nga sila habang nagtatawanan dahil para silang mga boy scout kumilos. Tapos, pinalakad na sila a

