Chapter 14.1

977 Words
Gustong sapakin ni Rowan ang sarili. Ngayong kumalma na siya, na-realize niyang ang OA niya kanina. Shuta, nakakahiya naman! Ngitngit niya habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. Nasa comfort room siya noon. Baka kung anong isipin ni Darryl! Baka ma-turn off iyon bigla sa ugali ko. Tapos, bumuntonghininga siya. Okay, he won’t deny na ang OA nga niya kanina, pero masisisi ba siya nga lahat? Masyado kasing sensitibo ang tungkol sa PWD. Like he mentioned earlier, he grew up being bullied for his condition. Ilang beses niyang naranasang mapahiya sa klase dahil lang doon. But the worse part was his parents. Sila mismo, hindi naiintindihan ang kundisyon niya. He still remembered kung paano siya pagalitan ng mama niya for not being the top one of the class. Kahit ilang ulit niyang sabihin sa lahat na balakid ang kapansanan niya para ma-maximize ang kanyang academic performance, ayaw nilang makinig. For them, he’s just making excuses, lalo pa meron naman daw kasi siyang hearing aids. That’s why whenever he hears people treat his PWD ID as if it’s a VIP card, nagngingitnit siya sa inis. All of these people see were the perks, but never the struggles that come with it. Dahil sa totoo lang, if he had a choice, he would give up on these perks if it meant he would have a pair of normally functioning ears. Bumuntonghininga siya. Okay, now was not the time to be sensitive. Kailangan niyang hanapin muna si Darryl para humingi ng pasensya. Then, he would do what he should have done earlier: educate him. Tingin naman niya, hindi makitid ang ulo ni Darryl. He would probably listen if Rowan would explain why his impression on PWD ID is wrong. Pero sana naman hindi pa siya natu-turn off sa akin, hays. Lumabas na siya ng banyo saka nagdesisyong I-text ito. Aba’y sa kasamaang-palad, saktong kaka-expire lang ang load niya. “Ay talaga naman, Rowan! Alam nang aalis, hindi pa sinigurong may load!” ngitngit niya sa sarili. “Meron kayang mapapa-loadan dito?” Sa kabutihang palad, meron naman daw, ayon sa isang male staff na nakasalubong niya. Medyo may kalayuan nga lang ang pwesto niyon dahil nasa kabilang dulo pa ng amusement park. Sana makasalubong ko si Darryl habang papunta ako. Pero hindi natupad ang hilig niya. Narating na niya ang convenience store ngunit hindi pa rin niya ito nakikita. Mabilis lang niyang ni-loadan ang number tapos namili na rin siya ng tubig saka siya lumabas doon. Hindi kalayuan, may nakita siyang bench. Naupo muna siya roon saka tinext si Darryl. Five minutes later, walang reply na dumating. Dapat yata yung may pantawag na lang pina-load ko, isip niya. He immeditaely protested against that idea. Bukod sa mas mahal, hindi niya talaga hilig ang tumawag. Robotic kasi pakinggan ang tawag ng phone kapag tinapat sa tenga niyang may nakasalpak na hearing aids. His apparatus ended up giving more inconvenience than help. Kaya naman nagdesisyon siyang I-text na lang ito ulit. He told Darryl his whereabout before he waited again. To entertain himself, he decided to watch the ride in front of him. The ride was shaped like a giant hammer. Bale nakasakay ang mga tao sa ulo niyon tapos umiikot iyon. “Di kaya sila nave-vertigo dyan?” bulong na lang ni Rowan sa sarili. He noticed that the spinning speed was inconsistent. Babagal-bibilis iyon. Then, the ride suddenly spun faster. And faster. And faster. Napatayo si Rowan. Something about it didn’t feel right. Umaangat-angat na kasi ang paanan. “Hala? Di kaya nagma-malfunction itong ride?” taranta niyang sigaw. He got his answer when he noticed a black smoke coming from the ride. Nangangamoy sunog na goma! “Oh my God!” bulalas na lang niya. Nagsimula nang magkumpulan ang mga tao, but Rowan’s attention was solely on jerking barricade. Kada umaabot sa taas ang sinasakyan ng  mga tao, umaangat nang bahagya ang ride. “s**t, delikado ito!” The next thing Rowan knew, he came rushing to the barricade and attempted to pin it down to the floor using his body weight. But his weight was insufficient. Pati siya, umangat. Shit, parang for the first time in my life, nagsisi akong pumayat ako! Isip niya. Sa totoo lang, nanginginig ang kamay at tuhod niya. What if tumilapon siya  pagnatumba ang rides?  But his desire to do something for the people trapped inspired him to keep on holding on. Humarap siya sa mga tao. “Tulong!” sigaw niya sa mga ito. Then, he saw someone rushing.  Si Darryl! Pumuwesto ito sa tabi niya saka tinapakan ang barricade. Samantalang, napamaang si Rowan nang makita ang lalaki. But before he could say anything, may nasisunuran na rin sa pagpigil. People came rushing until the entire place was flocked. Noon din ay tumigil na ang pag-angat ng barricade. The footing was stabilized! Hindi rin nagtagal, bumagal na ang pag-ikot ng ride. Unting  sandali pa, tumigil na iyon.  “Good job, everyone!” masayang sigaw ni Darryl habang ngingitian ang mga nakakaharap. Then, Darryl looked down on Rowan and smiled. “Especially you, Rowan,” saad nito. Darryl gave him a headpat. “You’re so brave, Rowan. Good job.” Then, he hugged him tightly. “I’m so proud of you, Rowan,” he said again before kissing him in the forehead. When that happened, randam ni Rowan ang pagkislot ng puso niya. Mabuti na lang, abala sa paglayo ang mga tao kaya walang nakapansin sa ginawa ni Darryl na paghalik. Mabilis ding kumalas si Darryl saka siya hinila palayo. Nakisabay sila sa paghupa ng mga tao. Nang buong sandaling iyon, nakayuko lang si Rowan. His gaze was fixated on their hands. Magkahawak-kamay sila, and Darryl seemed not to mind it at all. But he does.  But not in a negative way. As a matter of fact, napapangiti pa nga siya. Kinikilig siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD