Chapter 13.2

1444 Words
“Sure ka ba talagang okay lang na samahan mo muna akong magpagupit? Parang wala ka sa mood, oh?” Gulat na napatingin si Rowan kay Darryl, na nagmamaneho. “Ha? Okay lang nga, bakit?” Nagkibit-baliakt ito. “Nakasimangot ka kasi. Parang napipilitan ka lang.” Hindi na lang siya umimik. Sa halip, inihilig na lang niya ang ulo sa glass window. Papunta sila noon sa isang sikat na salon along España. Medyo mahaba na raw kasi ang buhok ni Darryl kaya kailangang nang ipagupit. Rowan actually disagreed. Wala naman halos nabago mula nang huling beses silang nagkita. But well, syempre online heart throb ito kaya kailangang well-maintained ang itsura. Hindi nagtagal, nakarating na sila sa destinasyon. Hindi alam ni Rowan kung nasaan na sila eksakto pero nasisiguro niyang malapit lang sila sa Unibersidad de Santa Juana de Arco dahil nadaanan nila ang main gate nito bago sila pumarada. The salon was called Simply Sophispicated, and true to its name, the motif of the shop indeed looked sophispicated. Silver ang pangunahing kulay sa color scheme, and the interior had white marble floor and crystal chandelier. Kung hindi dahil sa mga salamin at swivel chairs, iisipin ni Rowan na hotel iyon. They were greeted by a girl in black blouse with blue green hair at the reception table. Her eyes actually sparkled in recognition when she saw Darryl. “Sir Darios, you’re here,” bati pa nito. Lumapit si Darryl sa babae. “Nand’yan si Ate Odette?” Tumango ito. “I think she’s free rin. Haircut service ba?” “Yes.” “Okay, upo ka muna.” Tapos, ibinalaing nito ang tingin sa kanya. “How about po sa inyo, Sir?” Sa totoo lang, gusto na rin ni Rowan magpagupit. Umaabot na kasi sa mata niya ang bangs niya. Kaso nang tanungin niya kung magkano ang haircut service nila, umatras siya dahil sobrang mahal. Mas mahal ng halos 10x sa barbero niya sa Bataan. “Sure ka bang ayaw mo pang magpagupit?” Hinawakan ni Darryl ang buhok niya. “Haba na, oh?” “Sa min na lang siguro. Saka hindi ko afford service nila.” “If that’s the case, e di ako na lang magbabayad.” Napamulagat siya. “Hala? Wag na! Nakakahiya naman!” “No, I insist.” Wala nang nagawa si Rowan nang harapin ni Darryl ang nasa front desk at bigyan ng go signal. Napakagat-labi na lamang siya as the woman led them to the haircut station. Magkatabi ang inokyupa nilang upuan. Tapos, lumapit sa kanila ang isang babaeng payat at may katandaan na. Rowan assumed she’s an assistant dahil ito ang naglagay sa kanila ng puting kapa. Magkasabay talaga kami? Isip ni Rowan habang pasimpleng sinusulyapan ng tingin si Darryl. Nakita niyang masaya itong nakikipag-usap sa assistant. Sanaol outgoing na tao. Hindi nagtagal, lumabas ang isang matangkad na babae. Or on other thought, transgender pala ito, and Rowan realized that when she approached Darryl. “Hello sa suki kong napaka-pogi!” sabi nito sa malalim na boses. Pinisil pa nito ang pisngi ni Darryl. She quickly inspectioned his hair. “Maikli pa naman ang buhok mo, ah? Kaw ha? Na-miss mo ako, ano?” Malakas na tumawa si Darryl. “Trim lang, as usual,” sagot nito. “By the way, meet Rowan.” Lumingon ito kay Rowan. “Rowan, meet Ate Odette. Ang nag-iisang diyosa ng haircut.” Nagkatinginan sina Rowan at Odette. Rowan smiled awkwardly as Odette’s eyes squinted, as if examining his face. Ilang sandali ang lumipas, humarap ito muli kay Darryl. “Siya ba ang bago mong nilalandi?” What? But before Rowan could react, nahagip ng tingin niya ang biglang pagtatakip ni Darryl ng mukha. Ang tukmol, namumula! - Wag mo namang ipagsigawan, Ate. Nakakahiya. Rowan closed his eyes and shook his head. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina sa salon. Darryl blushed after Odette dropped the question. Maya-maya, sinabi nitong wag daw maingay dahil nakakahiya. Did Darryl indirectly confirm na nilalandi nga siya nito? Imposible! Baka sinasakyan lang niya ang pang-aasar ni Ate Odette. Napabuga ng hangin si Rowan. Yeah, imposible talaga— “Hey, okay ka lang ba, Rowan?” Napitlag si Rowan saka napatingin kay Darryl, na nasa driver’s seat at kasalukuyang nagmamaneho papunta sa isang amusement park hindi kalayuan doon. “Ha? Bakit?” “Lalim kasi ng buntonghininga mo. May problema ba?” “Ha? Ah… wala naman.” Napakamot siya ng ulo. Of course, there’s no way he would tell Darryl about it. Nakakahiyang malaman nitong affected siya sa joke kanina ni Odette. Wait, bakit nga ba kasi siya affected? Pinilit na lamang ni Rowan na iwaglit sa isip niya ang tungkol doon. Sakto rin kasi at nakapag-park na si Darryl. Naunang bumaba si Rowan. Nakita niyang nagsuot ng sunglass si Darryl bago ito bumaba. Gwapong nilalang talaga nito, kainis, isip niya. Actually, binigyan ni Odette ng style ang buhok nito. Kinulot iyon. Bumagay naman sa binata. Lalong lumitaw ang natural nitong charms. Hindi nagtagal, bumaba na si Darryl. Matapos I-lock ang kotse, humarap ito sa kanya at ngumiti. “Let’s go?” Tumango siya saka sila sabay na naglakad patungo sa ticket booth. Palibhasa’y weekday kasi, mabilis silang nakabili ng ticket. “One with PWD discount, please,” sabi ni Rowan habang nilalabas ang ID mula sa itim niyang wallet. Napatingin si Darryl sa nilapag niyang ID sa harap ng kahera. “Meron ka pala nito?” Tumango siya. “Yeah. Laking tulong tipid din kasi lalo pa ang mahal ng battery ng hearing aids ko.” Mabilis na pinrocess ng kahera ang ticket nila.  “Napaisip lang ako,” maya-maya’y sabi ulit ni Darryl sa kanya habang kinakabit naman ng lalaking staff sa may entrance ang paper wristband sa pulsuhan nila. “About?” “Yung PWD ID. Di ba pwede ring mag-apply ang mga malalabo ang mata?” Napamulagat tuloy si Rowan sa sinabi nito. Pero bago siya nagsalita, pumasok muna sila sa loob. Sakto kasing nasuot na sa kanila ang band. “Bakit? Mag-a-apply ka ba?” “Yeah. Malabo na rin naman mata ko. Three hundred na grado ko, actually.” “Really? Ba’t di kita nakikitang nagsasalamin? “Naka-contact lens ako kasi. Kaya ako nagsuot ng shades ngayon para di matuyo agad kapag nag-rides tayo.” Tumango-tango si Rowan. “Ah. And gusto mo ring mag-apply ng PWD ID because of it?” “Yeah. May discounts din kasi.” Bigla itong tumawa. “Saka ang daming perks like may express lane kayo.” Tapos, naglakad na ito. Sinundan lang ito ng tingin ni Rowan. Nakakunot pa ang mga mata niya. A few steps later, Darryl realized he wasn’t moving. Bigla itong humarap sa kanya. “Hey? Tara.” Rowan rolled his eyes. Tapos, nilampasan niya. Napakurap-kurap si Darryl habang sinusundan siya ng tingin. Tapos, mabilis itong sumunod sa kanya saka umakbay. “Hey, what happened?” takang-takang tanong nito. “Wala. Nevermind.” Tapos, tinabig niya ang kamay nito. “May nagawa ba ako? May nasabi ba akong masama?” Nang hindi siya sumagot, dinugtungan ni Darryl ang sinabi. “About ba sa PWD ID?” Napatigil siya sa paglalakad saka ito hinarap. “Yes!” mariin niyang tugon. “That’s exactly it.” Muli itong napakurap-kurap. “What about it?” Nang hindi siya ulit nagsalita, nagpatuloy ito. “Bawal ba akong kumuha ng ID? I’m just joking about the discount. Pero yung perks kasi na di na ako pipila, I like that.” “See! Iyan mismo ang problema.” Marahas siyang napakamot ng ulo. Tapos, nilabas niya muli ang ID niya. “This is not a VIP card, okay? Sure, meron kaming perks because of our ID, but this is the least that you all can do to make our lives less miserable!” Muling napakurap-kurap si Darryl. “I don’t get it.” “Of course you won’t.” Binulsa niya muli ang ID. “Kasi hindi ka naman lumaking bingi. Hindi mo maranasang makutya sa pagiging bingi. Di mo naranasang mapahiya sa pagiging bingi. Di mo naranasang ma-bully dahil bingi ka. You know nothing about our struggles, Darryl! Kaya gano’n lang kababaw ang tingin mo sa PWD ID ko! Kaya tingin mo, VIP card ito.” Tapos, tumalikod siya saka kinapa ang dibdib. Na-stress siya sa narinig mula kay Darryl. Nahirapan siyang huminga. Parang tumalbog yata bigla pataas ang blood pressure niya. “Rowan—“ Tinangka siyang hawakan ni Darryl pero tinabig niya ito. “Mamaya na tayo mag-usap. Leave me alone muna.” Tapos, tuloy-tuloy siyang naglakad palayo, leaving Darryl confused on what to do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD