Chapter 13.1

1478 Words
Kanina pa pabiling-biling sa higaan si Rowan. Even without looking at the clock, he knew it was past midnight already. Bumuntonghininga siya saka bumangon at niyakap ang sarili. Lagi na lang ba talagang ganito? Hindi ba talaga darating ang time na ipagmamalaki n’yo naman ako? Sa totoo lang, gusto niyang suntukin ang sarili. Alam naman niya noon pa man na hindi talaga matatanggap ng mga magulang niya ang gusto niyang career. Mula pa noong bata siya, nilinaw na nila na hindi nila gusto ang pagsusulat niya. He must be immuned by their snide remarks already by now. Kaso hindi. Masakit talaga. Mga magulang niya iyon. For him, if there was someone who should be proud of him, sila dapat iyon. Sinubsob niya ang mukha sa mga tuhod. Ilang taon ko na bang hinanakit ito? Kailan ba ito matatapos? Napansin niya ang phone niyang nakapatong sa night stand. Bumuntonghininga siya saka iyon inabot at tiningnan. Whenever he was frustrated, he had a tendency to post it on his social media account, lalo na sa f*******:. At dahil nakakarating sa parents niya, nagpapalala lang iyon madalas ng away nila. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi na siya active sa social media. But now, he needed distraction. Para lang mawaglit sa isip niya ang nangyari kanina. Baka sakaling makatulog na rin siya. He connected his phone to the Wi-Fi. Biglang nag-alert ang Messenger app niya, dahilan para mapitlag siya sa gulat. Nakasagad pa naman ang volume ng phone niya. It was a message request notification coming from Darryl. Noon lang naalala ni Rowan na nag-message nga pala ito. He decided to check the content of the message: Hey, Rows! Don’t forget to add me up, okay? ;) “Oo nga pala.”  But before he added him, Rowan scanned his profile quickly first. Baka kasi may pinost siyang hindi dapat makita ni Darryl. Mahirap na at baka bigla itong ma-turn off. But he had not posted nor shared anything for the last two weeks. Puro cat clips lang din ang mga nasa bungad ng timeline niya, kaya nagdesisyon siyang safe i-add si Darryl. And once he was done, he decided to reply to his message. Kaso laking gulat niya nang makita ang ellipsis symbol sa app niya. Napalunok tuloy siya. Darryl was about to send a message. With his hands shaking from anticipation, he looked at the screen intently.  Ano kayang sasabihin niya? Kaso biglang nawala ang ellipsis. Akala niya, magse-send na ang message. And yet, a minute passed, wala namang dumating.  He sighed in disappointment. Ano kaya iyon? He decided to close the app. Nag-scroll din muna siya sa newsfeed niya bago siya nagdesisyong mag-offline na. Saktong pagka-disconnect niya ng Wi-Fi, bigla na namang nag-alert ang Messenger niya. Dali-dali niyang tiningnan kung sino iyon. It was Darryl! Biglang sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya. He clicked it open. Hey, I’m not sure kung gising ka pa pero kakaseen mo lang ng msg ko but just want to say this - i should be sleeping rn but i cant. pls get out of my head already! hehe jk lang. good night, Rowan! see you soon, okay? sana as soon as possible. ngayon pa lang miss na kita Napatakip na lamang siya ng bibig. What the heck, Darryl! Napailing-iling din siya, kasabay ng pag-iinit ng pisngi niya. Then, he decided to write a reply: Ay wow? Patay na patay ka talaga sa akin, ano? But when he sent it, he realized that the internet was disconnected already. Bubuksan na sana niya pero naisip niyang bukas na lang niya siguro ise-send. Pasado alas dos na rin kasi. Kung hindi siya nagkakamali, may klase mamaya si Darryl. Kailangan na nitong matulog. Sa halip, tinabi na lamang niya ang phone saka muling humiga at niyakap ang isang mahabang bolster. Minutes later, he fell asleep with a wide smile on his face. - Kahit puyat, maaga pa ring gumising si Rowan para magluto ng almusal. Gumawa lang siya ng egg fried rice saka nagprito ng tuyo. Pagkatapos, naligo na rin siya para maghanda sa pagpunta sa branch nila. Natapos niya lahat ng gagawin by six-thirty. Mayroon pa siyang halos isang oras. Tulog pa rin ang mga magulang niya noon, kaya sinamantala niya ang panandaliang katahimikan para magkape at mag-browse saglit sa f*******:.  Saktong pag-connect niya sa internet ay saka lang niya naalala ang message na hindi na-send kagabi. When he re-read the message, gusto niyang suntukin ang sarili.  Pocha! Ang awkward ng sinabi ko! Thankfully, merong nang remove message na feature ang Messenger. Mabuti na lang din ay offline pa si Darryl kaya hindi pa nito iyon nababasa. Kaso, baka magtaka naman siya dahil may binura akong message. He shrugged his shoulder and decided to send another one na mas simple at hindi nakakailang: Hehehe. Grabe ka naman. Good morning, btw. Good luck sa class mo mamaya. Pagka-send nagdesisyon siyang mag-browse na. By seven o’clock, ginising na rin niya ang mga magulang para kumain ng almusal. Nang matapos, saka lang siya naghanda nang pumunta sa branch. - Isang linggo pa lang hinahawakan ni Rowan ang branch ngunit ramdam niyang kaunti na lang ay magbu-burnout na naman siya sa sobrang stress. Bukod kasi sa naninibago pa siya sa bagong workplace, tambak agad ang trabahong bumungad sa kanya. His cousin was actually doing a horrible job of managing the shop. Ni hindi nga nito nasinop ang mga resibo ng kanilang mga past order! Wala rin sa ayos ang mga paninda. So for the whole week, nakatuon ang buong atensyon niya sa pag-aayos ng hardware nila. Kaya malaking blelssing in disguise ang biglang pagpapapunta sa kanya ulit sa Maynila para samahan si Lianna. Nasa Baguio kasi ang tita nila, for a weeklong convention. At dahil walang makakasama ang kapatid niya, siya ang pinapunta. Grabe, pumangit yata ako lalo, hindi niya maiwasang isip habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin. Gumaspang kasi lalo ang balat niya dahil na rin siguro sa sobrang exposure sa alikabok.  Napailing-iling siya. It’s not like he can do anything about it. Magtitingin na lang siguro siya ng pandagdag sa kanyang skin care routine. Pero hindi ito nangangahulugang hindi pa rin siya naco-conscious. Not when he would go out with Darryl. Actually, naghahanda siya noon dahil niyaya siya nitong maggala. Sakto raw kasing free time nito. He decided to pick his best shirt. Gusto sana niyang gamitin ang pulang shirt na binili ni Lianna noon pero naalala niyang nakita na ni Darryl iyon. Mabuti na nga lang, may biniling bagong shirt ang mama niya para sa kanya nang minsa’y dumaan ito sa isang mall sa Balanga. Iyon na lang ang sinuot niya. “Pero ano bang gagawin ko dito sa mukha ko?” sabi na naman niya sa sarili nang matapos makapagdamit. “Maglagay kaya ako ng BB Cream?” Hinalungkat niya ang cabinet ni Lianna at laking tuwa niya nang makita ang make-up kit nito. Then, he checked a quick tutorial in Youtube kung paano maglagay ng make up. He settled with a minimal look, para hindi mahirap.  “Sorry talaga, Lianna, kung ginalaw ko itong gamit mo,” sabi na lang niya habang tinatapos ang ginagawa. It was actually a lot easier than he thought it would be. Mas simple kasi ang paglalagay sa lalaki. After a while, natapos din siya. He liked the result. Maganda kasi ang coverage ng concealer ni Lianna, kaya mukhang spotless na ang mukha niya. Saktong pagkaligpit niya ng gamit, tumawag na si Darryl an malapit na raw ito.  “Sige, bababa na ako,” sabi niya. “I can’t wait to see you again. Alam mo bang miss na miss kita? There’s not a day I don’t think about you. Gustong-gusto kitang mayakap.” His cheeks flustered upon hearing that. “Ikaw ha! Bolero ka na naman.” Tumawa ito. “Bola ka d’yan! Nagiging honest lang.” “Okay!” Napaikot siya ng mga mata. “Sige na, baba ko na to. Ingat ka sa pagda-drive, ha?” “Sige, bye! Natatanaw ko na yung condo nyo.”  “Okay. Pababa na ako.” Binaba na niya ang tawag. Before Rowan went out, he gave himself a last look on the mirror. Noon lang niya na-realize na parang ang kapal pala ng foundation. Katunayan, may mga kumapit na nga sa kwelyo ng shirt. “Oh my God.” Agad siyang kumuha ng tissue sa ibabaw ng tokador upang punasan iyon. Binawasan din niya ang nasa mukha’t leeg. Kaso napariin ang pagpunas niya, kaya muling lumitaw muli ang pores niya sa mukha. “f**k!” He spent half of a minute horrified, while looking at that spot. Anong gagawin niya? He had no time to fix it! Biglang nag-text si Darryl na nagsasabing naroon na raw siya. Napamura na lang tuloy siya saka inabot ang tuwalyang nakapatong sa kama. Nagdesisyon siyang alisin na lang ang make-up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD