Chapter 12.2

1773 Words
“Ang bilis ng oras.” Napatingin na lamang si Rowan kay Darryl. “Ha?” “Sabi ko, ang bilis ng oras. Tatlong araw na pala ang lumipas nang pumunta ako dito. Bitin ang bakasyon ko. Ngayon, babalik na ako ulit sa Manila.” Umiling-iling ito. Nagmamaneho si Darryl, at gaya nga ng sabi nito, pauwi na sila.  Hindi nagtagal, narating na nila ang kanto kung saan siya bababa. Dahil malapit na naman na iyon sa bahay nila, nag-request siya kay Darryl na doon na lamang siya ibaba. “Sure ka? Madilim na rin, oh?”  “Grabe ito. Alas ocho pa lang naman. Tamo, bukas pa ang mga tindahan.” “Okay, sabi mo e.” Bakas sa boses ni Darryl ang pagkadismaya. Pero sumunod naman ito sa nais niya. Tinabi nito ang kotse. Tinanggal niya ang seatbelt. “Thank you ulit, Darryl, ha? Sa libre pa-bakasyon mo,” nakangiting aniya habang sinisinop ang mga bitbit na nasa paanan niya.  “Welcome. Uy, yung number mo nga pala.” Kinuha nito ang phone sa phone holder na nasa dash board at inabot sa kanya. “Para ikaw na ang kokontakin ko next time, di na si Lianna.” Kinuha niya ang phone nito saka tinipa ang number. “Kaso hindi ako madalas mag-load e. Baka hindi rin kita mare-replyan.” “Gano’n ba? Tatawagan na lang kita.” Ngumuso siya. “Ayokong may tumatawag sa akin e.” “Ha? Bakit?” Tinuro niya ang tenga. “I have hearing problem, remember?” “Ah, oo nga pala.” His lips pointed sideway, as if thinking. “Ganito na lang, add kita sa sss. Para sa messenger na lang kita icha-chat.” Natigilan si Rowan. “Ia-add mo ko sa… f*******:?” “Yes. Syempre.” Tumawa ito. “We’re friends, right?” Napakurap-kurap siya. Oo nga naman. What was stopping me anyway? E binigay ko na ang number ko. But the thing is iba pa rin kasi ang social media account niya kesa sa mobile number. His accounts were giving him some sort of security. Safe space niya iyon. Iyon lamang ang outlet niya madalas para sa mga nararamdaman niyang hindi niya kayang sabihin nang personal sa iba. Pero sa huli, binigay din niya kay Darryl ang account through searching it. Iyon nga lang, pagbukas niya, follow button lang ang available. “Ano ba iyang sss mo? Pang-isnabero,” natatawang biro ni Darryl. Napakamot siya ng ulo. “Ako na lang mag-a-add sa iyo later.” “Sige. Gano’n na lang. Don’t forget, ha? PM na rin kita para hindi mo malimutan.” Darryl pressed the message button. Tapos, nag-send nga ito ng message sa account niya. “Done. Wag mo kakalimutan, ha? Iiyak ako kapag kinalimutan mo.” Ngumuso pa ito. Ano ba tong si Darryl? Parang bata. And yet, hindi niya maiwasang matawa. Ang cute kasi nitong tingnan. “O, sige na. Bababa na ako.” Binitbit niya ang mga gamit saka lumabas ng kotse. “Ingat sa pagda-drive, ha?” pahabol niya bago sinara ang pinto. Rowan stood by and waited for Darryl to go. Kaso imbis na magmaneho, binaba nito ang bintana sa passenger’s seat. “Bakit?” nagtatakang aniya. “Ah… ano…” Napakamot ng ulo si Darryl at para bang nag-iisip. “Kailan ka babalik sa Manila?” Nagkibit-balikat siya. “Ewan.” “Babalik ka pa ba?” “Siguro.” “Hmmm…” Para na naman itong nag-isip. “How about yung meeting mo with your publisher?” Biglang kuminang ang mga mata ni Rowan nang maalala ang tungkol doon. Kaninang tanghali kasi’y nakatanggap siya ng e-mail from his publisher. Apparently, they’re negotiating with a popular streaming platform to adopt his novel into a TV series. “Napangiti ka bigla, ha?” sambit ni Darryl. “Who wouldn’t? Malaking katuparan iyon ng pangarap ko.” His novel is called Vainglory: Lucifer’s Creed. It is a a fantasy series that follows a young man named Mikhail who made a pact with a being that called himself “The Creator”. Mikhail was blaming himself for the death of his best friend, Kahlil, and he wished to go back to past. The Creator granted him his wish. Uulitin niya ang buhay niya, basta hahanapin niya ang lalaking nagngangalang Noah Grace at tutulungang makalaya. They made a pact, and Mikhail was reborn. However, he was reincarnated on a different world where magic exists and Kahlil doesn’t. And Noah Grace, who looks like his late best friend, was a dangerous monster. The novel was released four years ago, but two years ago, it suddenly went viral because of a popular vlogger who included the book on his list of favorite books. Dahil sikat ang lalaki globally at nagkataong English ang lenggwahe ng libro, bigla na lang iyong pumatok. “Congrats ulit, Rowan,” sabi ulit Darryl. “Hanapin ko nga ang book na yan tapos aralin ko yung karakter—“ “Nako, wag na. Nakakahiya—“ “Tapos, mago-audition ako para ako ang gaganap na bida.” Natigilan si Rowan. “Ha?” Darryl smiled. “Remember, dream kong mag-artista para sa kapatid ko, di ba? Malay mo naman, makuha ko ang title role tapos dahil ba sayo ako sumikat.” Napamaang si Rowan. Pero napaisip din siya. Pwede ngang gumanap na Mikhail si Darryl. Pareho kasi sila ng personalidad. Not to mention, they have the same build pa. “Oo nga. Pwede pala,” napapatangong tugon niya. “Mag-audition ka sa role kapag open na.” Biglang kumislap ang mga mata nito. “s**t, na-excite ako bigla! Inform mo ako agad kapag pwede nang mag-audition, ha? Or pwede ring ako na ang ireto mo.” His brows wiggled. Natawa si Rowan. “Sige, kung iyan ang gusto mo,” sabi na lang niya. Gusto rin niya ang ideya ni Darryl.  Then, there was silence. Nakatingin lamang si Darryl sa kanya. And Rowan was starting to feel awkward. Hindi na tuloy siya nakatiis. “Uhm, Darryl, hindi ka pa aalis? Gagabihin ka masyado.” “Ah? Ah.” Napakamot ito ng ulo saka umiwas ng tingin. At iyan, lumungkot na ulit ang mukha. “Ang bilis ng oras. Gusto pa kitang makausap.” Bumuntonghininga ito. Ang clingy, ha? Napangiti naman siya. “We can talk in Messenger naman.” “Sabagay.” Binaba na nito ang handbreak bago muling humarap sa kanya. “So paano? Good bye na?” “Bye.” “Good night.” Lalong lumawak ang ngiti niya. He’s convinced na pinapahaba lang talaga ni Darryl ang pag-uusap nila. “Good night din. Ingat sa pagda-drive.” “Sure!” Isa pa ulit na sulyap, saka nito tinaas ang bintana. Kumaway naman si Rowan sa huling sandali bago tuluyang natakpan si Darryl. Tapos, hinatid niya ng tanaw ang sasakyan nito. And once he was gone from his eyeshot, napabuga siya ng hangin at muling ngumiti. He really likes me, ano? Napailing-iling siya. Initially, he was rejecting that idea but not anymore. Gustong-gusto na niya iyon. Na-realize din niyang tama nga si Lianna. Bukod pa sa may feelings si Darryl sa kanya, hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon. He should take the risk. Maybe Darryl was the one for him. Nagdesisyon siyang umuwi na. Napapa-hum pa siya habang naglalakad. Iniisip niya kung ano ang mga pwedeng gawin ni Darryl ngayon nagpalitan na sila ng contact information.  Tatawagan niya ako sa umaga para gisingin ako? Kaso baka masyadon busy iyon kaya tatanghaliin na ng gising madalas. But if he really likes me, gagawa siya ng paraan para magkausap kami at magkita. Napatigil pa siya saka napatakip ng bibig. That thought was making him blush. Kinikilig siya. Sa wakas, nakarating na siya sa kanila. Pinagpasalamat niyang hindi pa nakakandado ang gate kaya nakapasok siya. Tapos, siya na ang nagkusang magkabig niyon. Pagpasok niya sa bahay, nadatnan niyang kumakain ng dinner ang mga magulang niya. Nagulat tuloy siya dahil normally, natutulog na ang mga ito nang ganoong oras. Lumapit siya sa mga ito saka nag-kiss sa mga pisngi. Tapos, umupo siya sa tabi ng mama niya. “Kumusta ang gala?” tanong ng mama niya. Kulang na lang ay magningning ang mga mata niya nang simulang ikwento ang mga adventure na ginawa nila. Tatango-tango lang ang mga magulang niya. “By the way nga pala, Ma, Pa, hindi ko pa nakwekwento sa inyo pero magkakaroon ng TV adaptation ang isa kong book!” nakangiting aniya. Then, he looked at them and waited for their reaction. But he got a cold shoulder, instead. Gaya ng laging nangyayari. Nagtagis ang mga panga niya per mabilis din ngumiti. Baka pagod lang sila. I’m sure deep inside, proud na sila sa akin. “Tapos sa Netflix ipapalabas. Imagine? Netflix! International ang target. I’m so excited na--” “Rowan,” putol ng papa niya. Natigilan siya. At napalunok. He knew that tone. That dismissive tone. Napalunok tuloy siya at nagsimulang manginig. Pakiramdam niya’y binuhusan siya ng malamig ng tubig. “Yung pinsan mo, magre-resign na next week,” pagsisimula nito. “Kaya simula bukas, gusto ko, tumao ka na sa branch. Pag-aralan mo na ang sistema do’n. Pati mga customer, maging pamilyar ka na. Para kapag umalis na siya, smooth na ang takbo. Maaasahan ko ba iyon?” Napalunok siya ulit. Neutral ang tono ng papa niya yet it was really commanding and intimidating. Pakiramdam niya’y may hahagupit na latigo sa likod niya kapag tumanggi siya. Kaya sa huli, tumango na lang siya. “Sige po.” Yumuko siya. “Good. Simula bukas, maging seryoso ka na sa negosyo. Huwag nang kung ano-anong ginagawa. Hindi ka na bata. Dapat pagpapayaman na lang ang inaatupag mo.” Lalo niyang niyuko ang ulo. “Opo.” Pumikit siya.  And then, there was silence. Rowan decided to excuse himself. Dumiretso siya ng toilet. Pagkasara ng pinto, saka niya binuhos ang luhang kanina pa niya pilit na pinipigilan. Ganito na lang ba parati? Himutok niya habang nakatakip ang kamay sa bibig upang pigilan ang paglabas ng tunog roon. All they ever care about is business! Ni hindi nila magawang maging proud sa writing career ko! But what really hurt him the most was the last statement. Huwag nang kung ano-ano ang ginagawa? Bullshit, Pa! Gusto niyang isigaw iyon. Hanggang ngayon ba talaga hindi n’yo pa rin sineseryoso ang pangarap ko? Umupo siya sa inidoro at sinubsoba ng mukha sa mga palad. Kailan ba kayo magiging proud sa achievements ko? Hindi ba talaga darating ang panahon na ipagmamalaki ninyo ang mga nagawa ko? And just like that, his perfectly good day was ruined.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD