Island hopping ang una nilang ginawang activity during their stay in Amelia Coast. Rowan was actually not aware na meron palang maliliit na isla sa paligid ng Bataan. Nakarating nga sila hanggang Morong sa kanilang paglilibot sakay ng speed boat.
Pagbalik nila, lunch time na. Boodle fight na seafood ang nakahanda nilang pagkain. Kaso dahil allergic si Rowan sa seafood, nagkasya na lamang siya sa mga gulay na kasama niyon. Darryl offered to buy some grilled meat, pero tumanggi na siya.
“Okay na ako dito sa okra at pritong talong. Saka pwede naman akong kumain ng inihaw na bangus,” paliwanag niya.
Darryl gave him a weird look when he ate an okra. When he asked why, sabi nito’y hindi ba siya nandidiri sa okra.
“Luh? Masarap kaya! Try mo!” Inabutan niya ito ng isa.
But Darryl said, “No thanks.”
Hindi na rin niya ito pinilit.
Pagkatapos niyan, nagpahinga sila sa may beach area. Natulog si Darryl habang siya naman ay nagbasa ng e-book sa cell phone niya. Then, few hours later, nang malapit nang mag-sunset, sa inflatable island naman sila nagtungo. Wala pa iyon noong una niyang pumunta kaya ganoon na lamang ang excitement niya.
Kakaunti lang ang tao sa inflatable island, kaya na-enjoy nila iyon. Naglaro pa sila ng habulan doon, at syempre, talo siya parati. Ang bilis kasing gumalaw ni Darryl. At hindi pa ito nadudulas, gaya niya. Ilang beses pa siyang nahulog sa dagat. Ang hirap pa naman umkyat ulit dahil natural na mahina ang likod niya.
They stopped when the sun was finally coming down. Closing na rin kasi iyon ng floating island. Bumalik sila sa pampang at sinauli ang life vest. Tapos, nagdesisyon silang umupo sa dalampasigan at panoorin ang sunset.
The first thing that Darryl did after sitting down was took his rash guard off. Hindi maiwasan ni Rowan na mamangha sa katawan nito. Nice pecs, was what he initially thought. Walang abs ang lalaki, flat lang ang sikmura, pero dahil maliit ang baywang nito at malapad ang likod, napaka-sexy nitong tingnan.
Biglang ibinaling ni Darryl ang tingin sa kanya. Napitlag tuloy siya saka napaiwas ng tingin. s**t! Nakakahiya. Pasimple pa siyang umubo kunwari para itago ang pamumula ng mga mukha niya.
Darryl just laughed. Tapos, ginulo ang buhok niya.
“Uy, bumababa na ang araw,” sabi nito.
Sabay silang napatingin sa harap. And immediately, Rowan saw the beautiful sunset he loved. Parang nagsaboy ng kulay kahel na pintura ang araw sa dagat. The color was vibriant, bold, and just simply fascinating.
Wala sa loob na napangiti siya. There was really something magical on it that could take away his angsts and doubts. It was quick, of course, pero sapat na iyon para malusaw pansamantala ang mga naipon niyang hinanakit.
“Man, I really love the sunset here.”
Napatingin siya sa katabi. Noon lang niya napansin na hawak pala nito ang phone at kasalukuyang tinitingnan ang larawang kinuha.
Sinilip ni Rowan ang kinuhanan nito. Darryl was swiping back and forth between different pictures of the sunset earlier. Parang hindi ito makapagdesisyon sa kung ano ang kukuhaning larawan.
Hindi na sana niya ito papansinin kung hindi lang nito na-swipe ang isang hindi naman sunset kundi ibang litrato.
“Hoy, ano iyan?” aniya. Natutulog ang nasa picture at parang siya iyon.
“Wala!” nakangiting anito.
“Hoy, ano nga? Patingin!”
Sinubukan niyang agawin ang phone nito pero mabilis nitong nilayo. Tapos, tumayo pa.
“Darryl!” sigaw niya saka ito hinabol.
They ran in circle non-stop. Siya, tinatawag ito. Si Darryl, tawa nang tawa.
Pero dahil pagod na siya, it did not last long. Tumigil siya at naghabol ng hininga.
Noon lang din tumigil si Darryl, na mahigit dalawang metro ang layo sa kanya. “Okay ka lang?” tanong nito habang lumalapit sa kanya.
Pag-irap ang iginawad nito sa kanya saka tumalikod at humalukipkip. Natawa naman ito sa tinuran niya saka ginulo ang buhok niya.
“Ito naman, hindi mabiro,” nakangiting sabi pa nito.
“Hmp!”
Napakamot ito ng ulo saka kinalikot ang phone. “O, ito na.” Pinakita nito ang litrato.
Tama nga siya. Picture niya iyon habang natutulog nang nakatagilid.
Namula siya. “Hoy, i-delete mo nga iyan!” angil niya. Sinubukan niyang agawin ang phone, pero gaya kanina, mabilis lang nitong nilayo iyon.
“Ayoko! Bleh!” May pagdila pa itong nalalaman.
“Darryl kasi! Burahin mo.”
“Bakit ba? Ang cute mo naman dito, ah?” Muli nitong kinakilot ang phone para tingnan ang picture. “Para kang baby.”
“Exactly! Kaya nga i-delete mo. Nakakahiya.”
“Nope! Ayoko.” Ngumisi ito.
“Darryl kasi!”
Tumawa ito. “Hindi ko naman ipapakita sa iba. Promise. Gusto ko lang ng remembrance.” He looked at the picture again and smile. “I like how you look here, Rowan. You look so… hmm… paano ko ba sasabihin?”
Tumaas ang kilay niya. “What? Hilarious?”
“No!” halos padura nitong tanggi. “Ang gusto kong sabihin e parang hindi ka guarded. Parang wala kang pinag-aalala masyado. You see, nakangiti ka pa nga?”
Zinoom nito ang litrato sa mukha niya. Darryl was right. Nakangiti siya.
“I love this smile, Rowan. You look a lot better when you smile.” Darryl put his hands on his cheeks, before tracing his lips with his thumb. “But I like it better when you do it naturally, gaya kanina habang nagkukulitan tayo sa inflatable island. For the first time, naramdaman kong hindi ka ilag sa akin.”
Napitlag siya saka napakurap. “Ha?”
“Yes, Rowan. Naramdaman ko kanina. Dumadaldal ka. Kumukulit ka. And especially, ngumingiti ka. I like it. I really like it. And I’m hoping I’m the reason why it happened.”
Then, Darryl stepped forward. “Remember what I said last night? Noong magkatabi na tayong sa kama?”
“You… remember?” hindi makapaniwalang aniya. The reason why he did not dare to discuss it was because he realized Darryl might be half-conscious when he said that. For him, it was not counted.
“Of course. Inaantok lang ako no’n pero alam ko lahat ng sinabi ko.” Tumawa ito bago sumeryoso ulit. “But for recap, ang sabi ko, gusto kitang sumaya. And I want to be a reason why you smile.”
Kinuha nito ang kamay niya. “I know this is a selfish request, Rowan, but I want you to be happy. Kahit para sa akin lang. Yes, this is really selfish dahil binibigyan kita ng burden, but I meant it. I want you to be happy. That’s because I like you.”
Biglang namula ang mukha ni Darryl. Napalunok tuloy si Rowan dahil sa kaba. Baka may makakita sa kanila. Buti na nga lang, walang tao sa paligid at madilim na rin kaya hindi rin nila makikita ang reaksyon niya. Especially when even he was not better. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya.
Thankfully, Darryl did not demand for a reply. Umiwas lang ito ng tingin saka nagkamot ng ulo. Tapos, nagyaya na ring bumalik na sila sa hotel dahil nagsisimula na ring guminaw.
Binitbit nila ang mga dalang gamit. Tapos, umakbay si Darryl sa kanya habang naglalakd sila.
Normally, Rowan would feel jittered if Darryl would do it. But not now. If anything, he wanted Darryl to pull him even closer and jeopardized his intimate space. Dahil nang sandaling iyon, tuluyan na niyang tinanggap ang lalaki sa buhay niya.