Chapter 11.2

1240 Words
Ilang oras na rin siguro nang mag-lights off pero kanina pa pabiling-biling sa kama si Rowan. Hindi rin niya mawari kung dahil ba sa massyadong malambot ang kama at sumasakit ang likod niya o dahil namamahay siya. O baka dahil nasa iisang kwarto lang sila ni Darryl. Napalunok na lamang siya. He, sharing a room with this guy? Never in his wildest dream he ever thought that this would actually happen.  Paano kung maghilik ako? O kaya e magtulo ng laway? That thought alone was embarrassing him. Malakas pa naman siya maghilik (sabi ng mga kasama niya sa bahay) at nagtutulo rin ng laway. Tapos, sobrang likot din matulog. Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit pinipili pa rin niyang matulog sa sala kahit ba kasya naman sila ni Lianna sa twin-sized bed na hinihigaan nito. Bumuntonghininga siya saka bumangon. He knew he was overthinking and it would not help him fall asleep. Pero ang hirap kasing hindi maging conscious, lalo pa maraming nagko-complain kapag katabi siyang matulog. Bakit nga ba ako kasi pumayag na sumama kay Darryl? Napakamot siya ng ulo. Lahat kasi ng overnight na pagyayaya ng mga kaibigan niya ay tinanggihan niya for the same reason. Sabagay, binigla kasi ako ni Darryl. Tapos nandoon pa si Mama. Napailing-iling na lang siya. His mom always urged him to go outside and make friend. Parati raw kasi siyang nagkukulong sa kwarto with his books or gadgets for writing. “Can’t sleep?” Napitlag na lamang siya saka napatingin kay Darryl. Saktong binuksan din nito ang lampshade na nakapatong sa night stand sa pagitan ng kama nila. “Sorry, nagising ba kita?” Umiling ito saka bumangos. “Hindi naman,” tugon naman nito habang nagkukusot ng mata. Tapos, humikab ito. Iyan ba ang hindi nagising? Hindi niya maiwasang mapakunot ng noo. “Gusto mong magkwentuhan muna tayo?” sabi nitong muli. Napapapikit na ito nang sabihin iyon. Umiling siya. “It’s fine, Darryl. Alam kong pagod ka sa pagda-drive, so don’t mind me.” Nang hindi ito tuminag, dinugtungan niya ang sinabi ng, “Hey, sleep.” Humikab ito saka humiga patagilid, paharap sa kanya. “But I want to talk to you.” He smiled stubbornly. “I really want to know you more.” Naningkit ang mga mata niya. Ang kulit din nito, ano? “Hindi na. Matulog ka na.” “But I don’t want to!” Ngumuso ito na parang batang nagtatampo. “So kwentuhan mo na ako. Pretty please?” “Makulit ka rin, ano?” “I know.” Humalakhak ito saka bumangon. At lumipat sa tabi niya. “Hey, hey, hey. What are you doing?” nanlalaki ang mga matang aniya. Prente muna itong humiga, with his arms serving as cushions. “Tabi na lang tayo matulog tutal ayaw mong magkwento.” “Luh? Di tayo kasya dito.” “Kasya iyan.” “Hindi nga--whoa!” Bigla siya nitong hinatak para mapahiga. His head landed on Aldoud’s chest, making him gasped. Napamulagat din siya. “Di ba? Sabi ko sa iyo, kasya tayo,” nangingising anito. Tapos, hinigit pa siya nito para mapalapit lalo bago ipinatong ang braso nito sa katawan niya. “I like this better. Ang init mo.” Saka ito pumikit. Napalunok siya. “Kung nilalamig ka, hinaan mo ang aircon.” “Ayaw!” Ngumisi na naman. “Darryl!” And he did not get a reply. Sa halip, tumagilid ito at niyakap siya sa pagtulog. Shit, s**t, s**t! Paulit-ulit na sigaw ng isip niya na parang mantra. Pinilit niyang kumawala sa yapos nito pero ayaw magpatinag ni Darryl. Napalunok na naman siya. Naramandaman niya ang lalong pagbilis ng t***k ng puso niya. And he’s afraid Darryl would hear it! He put his hands on Darryl’s chest and put pressure on it. “Darryl, please, wag--” Natigilan siya. Then, he let go for a moment before putting his hands again on Darryl’s chest gently. What the hell? Ang bilis ng t***k ng puso nito! What was making Darryl giddy? Naputol ang pag-iisip ni Rowan nang marinig niyang bumuntonghininga ang lalaki. “Rowan, you heard what I said earlier, right?” sabi nito sa mababang tono. Rowan could barely hear it. Wala na kasi siyang suot na hearing aid. And yet for whatever reason, he felt so confident he was hearing everything right. Pero hindi na naman siya sumagot. Lumunok lang ulit. Another sigh, then Darryl spoke again. “I’m sure right now that you can feel it. Ramdam mo ang t***k ng puso ko, hindi ba?” Bahagyang humigpit muli ang yakap nito. “You already know what it means, Rowan. So please, accept my feelings.” And then, there was silence. Well, not quite. As time went by, Rowan’s heart activity worsened. His heart was so loud, hanggang sa ulo yata niya’y ramdam ang pintig niyon. But Darryl was not better. Ramdam niya Rowan sa mga palad niya. Parang nais na niyang lumabas sa ribcage nito! It was getting hot and uncomfortable, so Rowan pushed Darryl. Mabuti na lamang, pinagbigyan na siya nito. Pareho silang tumihaya. Rowan looked at the ceiling, but decided to secretly look at Darryl because he was curious about what he’s doing. To his surprise, he caught him staring with those sleepy eyes. Ngumiti ito. Saka siya hinagkan sa noo. And Rowan swore he felt something exploded in his chest. “Good night.” Tumagilid ito muli saka siya niyakap. “I hope by tomorrow, mas open ka na sa akin. Because trust me, I meant no harm. If anything, I just want to love you. You deserve it, Rowan. You deserve love. You have suffered enough, so make up for those times you lost. Gusto kong sumaya ka, at gusto kong maging dahilan ng pagsaya mo.” Darryl finally closed his eyes and doze off. And Rowan was left hanging. He wanted to move, but he could not. Well, hindi rin naman siya alam kung anong gagawin. He was so wonderstruck about what happened. Hindi nga niya maipaliwanag ang nararamdaman. Nariyan ang hindi siya makapaniwala sa nangyari, ang pagtataka kung bakit at paano ito nangyari. Meron ding takot na baka panaginip lang ito, at disappointment kung sakaling hindi nga ito totoo. Naramdaman niya ang paghapdi ng mga mata. At paglabo. Parang nahilam yata siya sa sariling pawis. He wiped his face with the back of his hands. But it did not stop. No, actually, it was not sweat. Luha pala iyon. Umiiyak siya? But why? Of course, he knew why. Dahil sa lahat ng emosyong nararamdaman niya, isa ang higit na nangibabaw.  Tuwa. Dahil sigurado siyang totoo nga ito. And that he was in the arms of some who was giving him this comfort he had been seeking for God knows how long. Dahan-dahan siyang huminga. Wala na ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Parang ang gaan ng nga pakiramdam niya. He would not be surprised if anytime now he would float. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Darryl. Nagtaas siya ulit ng tingin. He saw Darryl smiled. Hindi lang siya sigurado kung natutulog ba ito, pero totoong ngumiti ito. That smile was beautiful and heartwarming. Wala tuloy sa loob niyang ginaya niya ito. Tapos, pumikit siya at tumagilid. Naramdaman niya ulit ang paghigpit ng yakap ni Darryl. Hinayaan lang niya ito.  Darryl was right. It felt great while they’re cuddling.  Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya… 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD