Chapter 11.1

1681 Words
Unfortunately, mayroong road accident pababa ng zigzag sa Roman Highway. Madalas naman iyong mangyari palibhasa’y matarik kasi ang daan, kaya hindi na rin nagulat si Rowan. Kaso nangangahulugan iyon na kinakailangan nilang umiba ng ruta. Mas malayo ang daan na iyon at mas makipot din kaya mas congested ang daloy ng traffic. Kaya naman ang dapat na isang oras lang na biyahe ay inabot ng dalawa’t kalahati. Nang makarating sila sa Amelia Coast, madilim na. “Sayang, hindi natin naabutan ang sunset. Iyon pa naman ang gusto ko dito,” sabi na lamang ni Darryl habang sakay sila sa elevator ng hotel na tutuluyan nila. Sabi nito kanina, may penthouse daw na exclusive lang para sa mga Lenezo. The elevator even had a special command system para hindi iyon basta-basta mapuntahan ng ibang guest.  Tumango si Rowan bilang pagsang-ayos. Sa totoo lang, sunset din kasi talaga ang pinakatumatak sa isip niya during his visit here. He loved how the orange sunrays explodes its color on the clear water surface. Para tuloy siyang nasa fairy tale. Hindi nagtagal, nakarating na rin sila sa penthouse. Bukas ang pinto niyon. Rowan assumed na may mga staff sa loob dahil nakita niya ang utility trolley sa may doorway. When they entered, Rowan saw a tall, mid-50s guy with long, slicked back hair in black long-tailed coat. Nakatagilid ito at may hawak na notebook at tila ba may chine-check. Then, the guy suddenly looked to their direction. Humarap ito sa kanya. “Good evening, Sir Darios.” Yumukod pa ang lalaki bilang pagbibigay ng respeto sa kasama niya. “And even to your guest.” Napakamot ng ulo si Darios. “Jacob, I told you not to address me too formally, right?” Agad na tumayo ang lalaki. “I apologize, Sir, but this is a job I must do. I am nothing but your servant, after all.” Nagsalitan ang tingin ni Rowan sa dalawa. Ang formal naman, grabe. Parang napapanood ko lang ito sa anime, ha? isip pa niya while giving the two a weird face. Winasiwas ni Darryl ang kamay. “May pagkain na ba?” Nilabas ni Jacob ang pocket watch nito. “By now, the servers are probably done cooking. I’ll go check. But for now, make yourself comfortable.” Lumapit ito sa kanila para kuhanin ang bag nila. Tapos, giniya sila palapit sa cozy white couch na nasa gitna ng penthouse.  Once they have settled down, Jacob bowed and went away. “Butler ba siya?” tanong ni Rowan kay Darios.  “Yeah. Ang formal, ano?” Tumawa si Darios. “Isa siya sa most trusted staff ni Lolo. He’s been with us for more than forty years.” “Ang tagal, grabe.” “I know. Actually, siya na ang namamahala ng hotel na ito. But whenever we’re coming here, siya ang personal na nag-aasikaso sa amin. I guess, dahil nakasanayan na niya. Butler kasi namin siya dati bago siya napunta dito.” Tango na lamang ang sinagot ni Rowan. Hindi na kasi siya maka-relate. Iba talaga ang mayayaman. May sariling butler. Itinuon niya ang tingin sa doorway sa kabilang side ng penthouse. Gawa iyon sa salamin kaya kita niya ang dagat at ang buwan. Full moon pala, and Rowan loved how the sea sparkled under the moonlight. “Gusto mong tingnan ang dagat?” maya-maya’y tanong ni Darryl. Tapos, tumayo ito saka mhinang tinapik ang balikat niya. “Tara do’n tayo sa terrace.” Rowan lagged behind. Sa totoo lang, nag-aalangan siyang lumabas dahil sigurado siyang malakas ang hangin. And he’s right! Kulang na lang ay magtindigan ang mga balahibo niya sa batok nang bahagyang bumukas ang pinto. Nakasuot pa naman siya ng short noon kaya talagang gininaw siya. But Darryl still proceeded anyway. Kumiling pa nga ito sa rail habang nakatingin sa buwan. Yakap-yakap naman ni Rowan ang sarili nang lumapit siya rito. “Ganda dito, `no?” maya-maya’y sabi ni Darryl. Sana lang talaga hindi dumihan ng balahurang tourist kapag nagsimula nang pumatok.” Bagong bukas pa lang kasi ang resort. Tatlong taon pa lang. Pero base sa naririnig ni Robn, malapit nang buksan ang direktang biyahe mula Mall of Asia papunta sa Amelia Coast. Nasisiguro niyang mai-improve ang dating ng turista dahil mapapadali ang biyahe. Katahimikan. Rowan broke it when he sneezed. Napatingin tuloy sa kanya si Darryl. “Nilalamig ka?” tanong niya. Tumango siya. “Pasok na tayo.” Tatalikod na sana siya pero pinigilan siya ng lalaki. “Maya na. Enjoy muna natin ang langit.” The wind suddenly blew harder, making Rowan shivered. “Ang lamig, oh my God,” reklamo niya. To his surprise, natawa si Darryl. “I hope this helps.” Gumawi ito sa likod niya saka siya biglang niyakap. What the-- Kamuntikan nang itulak ni Rowan si Darryl kung hindi lang siya na-distract sa muling paghangin nang malakas. Napalunok na lang tuloy siya, kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso niya. This should not happen again. Rowan knew that. And yet he had no will to stop it. Bakit nga ba hindi? Darryl was so warm, the cold became toleratable. And he smelled so good that Rowan was tempted to bury his nose on Darryl’s chest. “Rowan?” “Hmmm…?” was his reply,  half-consciously. Nakapikit pa siya noon, as if savoring the moment. “Iniiwasan mo ba ako?” Bigla siyang napadilat. His mouth moved a bit but no words came out. Then, Darryl sighed. “I don’t know if I have done anything wrong, but even if I did, I’m sorry. Please don’t hate me. Ganito lang talaga ako. And if you really don’t like something on me, sabihin mo lang. I’m willing to change that.” No, Darryl. Stop this! Napalunok siyang muli. Ito ang kinakatakot niya. Darryl was now trying to dig deeper, and he did not like that, especially not with Darryl. Madali siyang magkagusto sa taong gano’n. He did not want to fall for Darryl. Alam niyang walang patutunguan iyon. He would only end up hurting himself. Dream hard, fall harder, that’s what Rowan believed in. At sobrang tayog ni Darryl. Hindi niya ito maabot! Muling bumuntonghininga si Darryl. Tapos, humiwalay ito, hinawakan ang mga balikat niya at pinapihit paharap dito. “We’re friends, right?” Tango lamang ang sinagot niya. Gusto niyang magsalita pa, but he wanted to cut this conversation shorter. “Then, tell me, how do you see me?” “Ha?” “Anong tingin mo sa akin? Do you see me as that guy you met at a coffee shop? Or do you see me as that popular i********: guy and as a Lenezo?” Napasinghap siya dahil sa huli nitong sinabi. “No, that’s not it!” defensive na aniya. Napalakas ang pagkakasabi niya kaya napatakip siya ng boses. “So, tama nga ako, Rowan?” Umiling-iling ito. “Ayaw kitang pagalitan, ha? Pero nage-gets ko na si Lianna. Gets ko na kung bakit sabi niya sa akin na matindi ang insecurity mo.” Kumunot ang noo niya. “Anong sinasabi ni Aiyah?” But Darryl ignored his question. Sa halip, nagpatuloy ito sa panenermon. “Rowan, please, huwag mo akong tingnan bilang isang celebrity. Tao rin ako. I want to hang out with people that pique my interest, celebrity man o hindi. Mayaman man o hindi.” “Pique your interest?” naguguluhan niyang tanong. Darryl was taken aback. Ilang segundo silang nagtitigan bago ito nagpatuloy. “Hindi ba sabi ko naman sa iyo, gusto kitang kaibiganin dahil akala ko neurodivergent ka. And nothing still changed kahit ba nalaman kong hindi pala.” Tapos, ngumiti pa ito. “It was you, after all. It was you, Rowan.” Rowan noticed someone’s shadow behind Darryl. “Darryl--” Naudlot ang sasabihin niya nang hawakan bigla ni Darryl ang kamay niya. “I know it may have came out of nowhere pero gusto ko na ring umamin sa iyo, Rowan. Tutal nandito na rin naman tayo at muntik na akong madulas.” “Darryl, nand’yan na si--” “Noong nakita kita sa cafe, sa totoo lang, may naramdaman akong kakaiba. And I cannot get you out of my head. At matapos ang ilang araw nating pag-iisip, I think I already know why.” Nagsalitan ang tingin ni Darryl sa kamay niya at sa mukha niya, bago ito ngumiti. “Rowan, I think I like you--” Napamulagat siya at mabilis na tinakpan ang bibig nito. Halatang nagulat si Darryl sa inasal niya. “Nand’yan si Jacob sa likod mo,” bulong niya rito. Bigla itong namutla. Tapos, dahan-dahang tumingin sa likod. “Jacob, kanina ka pa nand’yan?” tanong nito. Bakas sa boses nito ang pagpa-panic. “I just arrived here, Sir Darios. Nakahanda na ang hapunan.” “s**t,” mahinang bulong nito na tanging si Rowan lang ang nakarinig. “Sige, magpupunta na kami. Can you leave us for a moment?” Jacob bowed, but even with his head down, Rowan could feel his gaze laid on him. Napalunok tuloy siya. Neutral ang mukha ng lalaki nang magtaas ito ng tingin, and that made Rowan even more nervous. He did not know what was going on inside the butler’s head, not even a single clue. And that was triggering his anxiety. Thankfully, Jacob left right away. Saka lang ibinaling ni Darryl ang tingin sa kanya. His mouth opened, but closed right away. Parang nag-alangan ito sa gustong sabihin. Sa huli, umiling na lang ito. “Tara, kain na tayo. Gutom na rin ako,” sabi na lamang nito, sa tonong halatang nainis, saka nagpaunang pumasok. And Rowan was left alone outside. Malamig pa rin, but he did not mind it. Not when he was distracted. Napalunok siya. He heard what Darryl said earlier. Did he mishear it? Or Darryl really confess to him? Muli siyang napalunok saka mariing umiling. He definitely just misheard him. Or maybe, may iba itong nais ipakahulugan. Maybe Darryl liked him as a friend lang. That’s it, because there’s no way Darryl would like someone like him, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD