“Rowan, ilang ulit ko na bang sinabi sa iyong wag kang magsusungit sa customer?”
Kapag ganitong sinesermunan siya ng mama niya, nagpapasalamat talaga si Rowan na pinanganak siyang may hearing problem. Nakakapagod na rin kasing pakinggan ang ngakngak nito, lalo na kapag related sa business.
“Tapos si Ma’am Sarmiento pa ang sinungitan mo. Hindi mo ba naisip na ang laking kawalan niya kapag umalis siya sa atin?”
Kaya pala ine-entertain mo ang katangahan niya? Pinilit ni Rowan na huwag mapaikot ang mga mata. Person-in-charge ang nasabing ginang sa purchases ng public school sa barangay nila. Sa totoo lang, matagal na siyang yamot dito dahil mahilig magmarunong sa mga item, at napatunayan iyon kanina. Pinagpipilitan kasi nito ng kailangan ng paint thinner ang latex paint. Sa inis niya, nasinghalan siya nito. Syempre, nagalit ang babae kaya hindi na nito kinuha ang binibili. Nagparinig pang hindi na ulit bibili sa kanila.
Mabuti na lang, maikli lang ang naging sermon ng mama niya kaya nakabalik na rin siya sa ginagawa niyang statement of account.
Pero wala pang limang minuto ang lumilipas nang ma-distract na naman siya dahil sa biglang pagtitilian ng mga tindera nila.
“Ano ba iyan, ang ingay?” bulong niya. Mahina man ang pandinig niya pero hindi iyon nangangahulugang nato-tolerate niya ang ingay. If anything, mas madali pa nga siyang mairita dahil mas sanay siya sa tahimik na lugar.
“Kuya Rowan, may naghahanap sa iyo!” masayang anunsyo sa kanya ng isa nilang tindera.
Nagtatakang ibinaling niya ang tingin dito. Nakita niya ang pamumula ng mukha nito.
“Ha? Sino?” He did not wait for the answer. Tumayo na rin siya at sumilip sa labas.
At dahilan iyon para mapamulagat siya.
Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Darryl nang makita siya. Kumaway pa nga ito. “Kumusta, Rowan?” sabi pa nito.
Kumukurap-kurap siya nang lumapit sa counter. “Ba’t nandito ka?” nagtataka niyang tanong.
Biglang napawi ang ngiti nito. “Bawal ba? Sorry.”
“Ito talagang si Rowan, kahit kailan, napakasungit,” hirit naman ng mama niya from the office. “Sino ba iyang dumating? Papasukin mo nga iyang kaibigan mo dito.”
Napakamot siya ng ulo saka sinenyasan ang tindera na paraanin ito. Nag-unahan naman ang tatlong tindera sa pagpihit ng maliit na harang sa gilid ng counter.
“Thank you, ladies,” sabi naman ni Darryl nang makapasok ito. Kinindatan pa ang tatlo.
The girls screamed. Naghampasan pa dahil sa kilig.
Napailing-iling na lang tuloy si Rowan saka niyaya si Darryl na magtungo sa office area ng kanilang hardware. He found his mother sitting by the counter. Nagse-selpon ito.
“Ma, si Darryl po. Friend namin ni Lianna,” pakilala niya sa kasama.
Agad na lumapit si Darryl para magmano.
His mom gave Darryl a weird look. Parang kinikilatis. “Parang may kamukha ka. Yung bida sa Heaven by Your Side?” Hindi alam ni Rowan kung ano ang tinutukoy nito pero tingin niya’y telenovela iyon na pinagbibidahan ni Darryl.
Napakamot ng ulo si Darryl. “Ah, actually po--” He got interrupted by one of their saleslady.
“Ate Leah, ano ka ba? Siya mismo iyon! Si Darryl Fortaleja!”
Nanlaki ang mga mata ng mama niya. “Hindi nga, hijo? Ikaw talaga iyon?”
“Opo, Tita.” Natawa ito, yung parang nahihiya.
“Diyos ko po!” Tapos ibinaling nito ang tingin kay Rowan. “Hindi mo naman sinasabi sa aking may friend pala kayo ni Lianna na artista!”
Rowan just shrugged his shoulders. “Is there really a need for that, Ma?”
“Syempre naman!” Tapos, lumipat kay Darryl ang tingin nito. “Sa’n naman kayo nagkakilala ni Rowan?”
Biglang ngumiti si Darryl, at naging dahilan iyon para mataranta si Rowan. Baka kasi ikwento nito ang nakakatawang pangyayari sa coffee shop nito!
So when Darryl opened his mouth, Rowan interjected, “Sa coffee shop, Ma. Malapit dun sa building nila Lianna. Tumambay kasi ako doon once para hintayin si Lianna. Doon kami nagkakilala.” Pagkatapos, naghabol siya ng hininga. Sa sobrang pagkataranta kasi niya, naging mabilis ang pagsasalita niya at hindi na rin tumigil para humugot ng hininga.
And he got a weird look from everyone. “Nagpa-panic si Kuya Rowan!” pabirong kumento pa ng isang tindera.
“Anyway,” ibinaling niya ang tingin sa bisita. “Bat ka nga pala naparito? Saka pa’no mo nalaman address namin?”
“Ah, tinanong ko kay Lianna. Buti, lumabas sa Waze kaya hindi ako nahirapan.” Tumawa ito saglit. “Yayayain sana kita. Papunta kasi ako ng Amelia Coast ngayon.” It was the beach resort located in Mariveles, Bataan, that the Fortalejas owned.
“Ay, wrong timing ka. Ang dami kong--”
“Hay nako, Rowan,” sabat ng mama niya. “Nag-effort ng kaibigan mo na puntahan ka tapos hindi mo pagbibigyan.” Umiling-iling ito.
“Ma, ang dami kong trabaho, e. Kita mo naman.” Nginusuan niya ang isang table kung nasaan ang desktop computer. Sa tabi niyon ay ang mga resibong naka-paper clip.
“That can wait later. Sa ngayon, samahan mo na iyang kaibigan mo.” Mariin ang pagkakasabi nito, at alam na ni Rowan na wala na siyang magagawa. Nothing could change her mind.
Kaya sa huli, napakamot na lang siya ng ulo sabay sabi kay Darryl na kukuha lang siya ng damit.
“Pangtatlong araw ang dalhin mo. Three days kasi ako do’n.”
Napamaang siya. “For real?”
Tumawa ito. “Yes. Don’t worry, sagot ko na ang accommodation mo. Pati meal. Lahat iyon, ako na bahala.”
Sasagot pa sana siya pero pinagmadali na siya ng mama niya at nakakahiya raw kay Darryl. Baka rin daw gabihin na sila sa daan. Malapit na rin kasi noon mag-alas cinco, tapos liblib pa ang lokasyon ng Amelia Coast kaya inaabot ng mahigit isang oras ang biyahe nila.
Sa huli, wala na rin siyang nagawa. Sabi na lang niya na babalik muna siya sa bahay para mag-empake.
“Isama mo na si Darryl. Pakainin mo ng graham,” utos pa ng mama niya. Gumawa kasi ito ng dessert nitong linggo lang at mayroon pang natira sa ref.
Sabay silang lumabas ni Darryl.
Dahil sa susunod na kanto lang ang bahay nila, naglakad na lamang sila.
“Okay lang ba talaga sa iyo, Rowan? Baka kasi naabala kita,” parang nahihiyang tanong ni Darryl habang naglalakad sila.
“It’s fine. Besides, gusto ko rin namang makapunta ulit sa Amelia Coast.” Ngumiti siya nang maalala ang magandang dagat doon. Two years ago pa nang una siyang nakapunta. Sadly, hindi na naulit. Mahal kasi ang entrance. Nakapunta lang talaga sila dahil sa promo. At ngayon, makakabalik na siya.
Kaso hindi siya tuluyang masaya. Nag-aalala rin kasi siya. He was with Darryl, after all. Alone. And for three days. It was a long time. There were many things that could happen, and that was what he’s worrying about.
Paano kung mahulog ako sa kanya? Napalunok na lamang siya saka wala sa loob na napailing. No, hindi pwede. Hindi iyon pwedeng mangyari.
Rowan had to guard his heart. That’s the only way to prevent himself from being disappointed.