Gulong-gulo si Mikhail nang gabing iyon. Paanong nangyaring hindi si Kahlil ang nakita niyang lalaki sa playground kanina? Sa itsura pa lang, si Kahlil na iyon. They have the same build and skin tone. Pareho rin silang may maliit na mukha, mabilog na mga mata, cute na button nose, at mapulang labi. Pati boses, pareho! Bumuntonghininga si Mikhail saka tumingala. "Oy, Creator, anong ibig sabihin nito?" "P're, sinong kausap mo?" Napitlag ang binata saka napatingin sa lalaking may kulot ng buhok sa harapan niya: ang kaklase niyang si Bryce. Gaya niya, nagdo-dorm din ito pero magkaiba sila ng silid. "Ha? Ah, wala. Sorry." Pinagpatuloy niya ang pagkain. Nasa cafeteria siya sa labas ng dormitory. Iyon lang ang tanging makakainan nila kapag gabi. "Akala ko, nasisiraan ka na ng bait, ay." Napa

