“Hey, good morning!” bati ni Mikhail kay Noah nang makasabay niya ito sa paglalakad sa hallway. They were on the way to Lecture Hall 203, kung saan gaganapin ang klase nila sa subject na Fundamentals of Magic. Sa dati niyang buhay, Physical Science ang subject na iyon. Napaikot ng mga mata si Noah saka binilisan ang paglalakad. Natawa na lang si Mikhail saka humakbang nang dalawang malaki. “Bagal mo naman maglakad,” asar niya rito. Noah is just around 5’3” kaya naman ang dalawang hakbang nito ay isa lang sa kanya. “Shut up,” naiinis nitong bulong saka binuksan pinto ng lecture hall. Tinangka pa nga siya nitong pagsarahan pero mabilis niyang pinigil ang pinto sa pamamagitan ng pagharang ng isang kamay. Noah exerted more force pero wala itong magawa sa lakas niya kaya sumuko na lang it

