When Mikhail was reborn, he made a promise na pagbubutihin na niya ang pag-aaral. Ayaw na niya kasing maulit ang frustration niya dati na wala siyang maipagmalaki sa mga pinsan niya. At dahil sa mundong iyon ay sobrang laki ng importansya ng mahika, lalo siyang ginanahan. Sa loob ng mga nagdaang labin-walong taon, isa sa napansin niya ay ang pagiging flexible ng magic. Halimbawa, dahil isa siyang martial artist, nagagawa niyang ihalo ang kanyang mahika sa pag-e-exhibit niya ng mga martial arts form. At iyon ang naisip niyang gawin nang araw na iyon. There was a soccer field in front of the main building. Dahil napakaluwag niyon at kalimita’y wala rin namang tao pagsapit ng gabi, he thought it was the perfect place for him to practice his martial arts. Wearing nothing but a cycling shor

