Kabanata 16

889 Words

Cute? Sinong cute? Bahagyang umubo si Darron bago mabilis na nagpalit ng topic. “Ano ang tingin mo sa boss ninyo?” “Alin?” inosenteng tanong ni Lalaine. “Iyong boss ng branch office o iyong nasa head office?” Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki. “Branch office? Hindi ba manager lang ang namamahala roon? Bakit boss ang tawag ninyo?” “Dahil kasi…” biglang natigilan si Lalaine. Pagkatapos ay mabilis siyang umayos ng upo at naging seryoso. “Hindi na pala ako dapat nagsasalita tungkol dito.” Napailing siya. “Valderrama rin kasi ang apelyido mo. Ibig sabihin kamag-anak kayo ng mga may-ari ng kumpanya. Hindi ko dapat pinag-uusapan ang company matters at lalo na ang boss namin.” Natigilan si Darron. Sandali siyang hindi nakahanap ng isasagot. “Pero alam ko ring hindi ka core member ng pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD