Kabanata 55

1011 Words

Napakunot ang noo ni Brent. "Bakit ganyan ang pakikitungo mo sa akin?" Huminto siya sandali bago seryosong nagtanong. "Dahil ba sa mga tsismis? Nandidiri ka na ba sa akin ngayon?” Hindi na napigilan ni Ice ang sarili. Biglang bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi niya gustong umiyak. Pero parang kusa na lamang itong lumabas. Noong una, nang malaman niyang gusto pala ni Brent si Lalaine, nalungkot siya. Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Pero ngayong kumalat ang balitang may relasyon ito sa tagapagmana ng pamilya Valderrama, parang may malaking martilyong dumurog sa puso niya. Nagulat si Brent. "H-Hoy… parang tängä naman ‘to. Hindi naman kita inaaway ah…" Hindi niya kailanman inakalang makikitang umiiyak ang babaeng laging masayahin at makulit. Lalo pa’t ganoon din katindi ang pag-i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD