“Mr. Valderrama,” mabagal na sabi ni Mr. Ruiz habang nakasandal sa pinto, “paano kung magkasundo tayo?” Bahagya siyang tinaasan ni Darron ng kilay. “Anong klaseng kasunduan?” Ngumiti nang bahagya si Mr. Ruiz bago sumagot. “Sa tingin ko… hindi pa alam ni Lalaine ang totoong pagkakakilanlan mo.” Tumigil siya sandali bago nagpatuloy. “Kasi kung alam niya, malabong basta ka na lang niyang maisama sa simpleng team building trip ng department.” Tahimik lamang na nakatingin si Darron dito. “Hindi ko sasabihin sa kahit sino kung sino ka talaga,” dagdag nito. “Pero kapalit noon, gusto ko ring itago mo ang sikreto ko.” “Ano namang sikreto mo?” malamig na tanong ni Darron kahit alam na niya ang sagot. Bahagyang natawa si Brent. “Tungkol sa akin… at kay Ice.” Bahagya siyang napabuntong-hininga

