Nagkibit-balikat si Yvonne. “Hindi ba pwedeng gusto ko lang manlibre?” sagot nito. “At saka kailangan ninyong sumama. Hindi kompleto ang department kapag wala kayo.” “Ay naku, sumama na kayo,” singit ni Marielle habang nakangiti. “Ang tagal na rin nating walang get-together. Rare na rare manlibre si Yvonne, huwag na kayong KJ.” Tahimik na napatingin si Lalaine kay Ice. Sa totoo lang, ayaw rin talaga niyang sumama. Hindi siya mahilig sa ganoong gatherings. Bago pa siya makatanggi, agad na siyang ipinagtanggol ni Ice. Pero ngayong pati si Marielle ay nangungumbinsi na rin, nahihirapan siyang tumanggi. Lumapit si Ice at bumulong sa kaniya. “Lala,” sabi nito, “sumama na kaya tayo?” “Hm? Sasama tayo?” “Ever since pumasok ka rito, lagi ka nang tina-target ni Yvonne,” bulong nito habang

