Prologue

648 Words
“STOP, look and listen! Here comes the mighty freshmen!” Tumatalon-talon ako na may pompoms habang nagchi-cheer. Nanonood kami ng basketball at kaunti na lang mananalo na ang mga senior. Intramurals namin ngayon at wala man lang kaming naipanalo bukod sa Cheering competition na pinangunahan ko. “Sophia! Kanina pa tingin nang tingin sa’yo ‘yong senior na varsity player,” sigaw ng co-cheerer ko. Masyadong maingay ang loob ng gymnasium dahil sa mga sigawan ng mga estudyante. Lalo na iyong grupo ng mga babaeng senior na kung maka tili ay parang lalabas na ang ngala-ngala. “What do you mean!” I shouted back. Lumapit siya sa akin at may binulong. “'Yong varsity na si Basty. Kanina ka pa tinitingnan, nang nag-opening pa lang tayo,” saad niya na sinundan ng malanding hagikgik. “Nako friend. Ang yaman, gwapo, bait at masarap ‘yan!” Tili ng isa pang co-cheerer ko. “Masarap?” I asked innocently. Lumapit siya sa akin at umakbay. “You know, we had s*x—“ Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “You did what?!” “’Wag ka ngang pa virgin. So ayun nga! We had s*x last week lang, and Oh my God!” Nag arte pa ito na pinapaypayan ang sarili. “Ang galing niya! I’m so drained. At pak na pak si Junjun friend!” Bigla naman akong napaubo sa sobrang bulgar niyang magsalita. Bukod sa virgin pa naman talaga ako ay wala pa akong alam sa mga ganiyang bagay. At saka isang lalaki lang ang gusto ko. “Hoy! 'Yong bibig mo nga!” Saway ko sa kaniya. Nagtawanan lang sila at nahihiya akong bumaling sa laro. Sinundan ng mata ko ang tinatawag nilang basty at saktong tumingin iyon sa akin. Kumindat muna ito at pinasa ang bola sa kasama. “Eww,” bulong ko sa sarili. Bilang freshman at cheerleader ay ako ang namumuno sa jingle namin. Natapos ang laro at nanalo na naman ang senior. Bukod kasi sa mas malalaki sila ay ka-team nila ang varsity ng school namin. Nagpasya na akong bumaba ng bench at mag ayos ng gamit. Paalis na ako nang may lalaking humarang sa akin. Nakangisi siya at pawisan ang mukha. “Hi! I’m basty. You are?” he extended his hand. Lumipad ang tingin nito sa mga hita ko at ngumisi. Bigla namang nagsipulan ang mga ka-team nito na ikinainis ko. Nagtaas ako ng kilay at nilagpasan siya. Pero sumunod naman ito. Naglalakad nang paatras para makaharap ako. Huminto ako at huminga nang malalim. “Will you stop?” He smirked. “I won’t. Unless you tell me your name.” I looked at him straight in his eyes. Pero agad din akong umiwas ng tingin dahil sa mga mata niyang halos kapareho ng taong gusto ko. “Sophia Andrews,” maikling sagot ko at umaasang titigilan na niya ako. Tumango ito at naglahad ng kamay. “Alec Sebastian Ybañez.” Napahinto ako at napanganga. “Ybañez?” bulong ko sa sarili. Pinilig ko ang aking ulo at nilagpasan siya. Baka naman ka-apelyido niya lang. Magkaiba kasi sila ng ugali ni Kobe. “Sophia Andrews!” Nilingon ko ang lalaking sinigaw ang aking pangalan. May hawak siyang bola na nakaipit sa tagiliran niya. Ngumisi siya sa akin at kinagat ang ibabang labi. “I like your legs. Lalo na 'pag nakapulupot ‘yan sa bewang ko.” And he winked seductively. Sinamaan ko siya ng tingin at muling nagpatuloy sa paglalakad paalis ng gymnasium. “Manyak,” i whispered. Nagmadali akong pumunta sa kotse namin para mabilis na marating ang firing range na pag mamay-ari ng mga Andrews. Tiyak na nandoon na si Kobe at nag e-ensayo. Van Jakobe Ybañez, siya ang lalaking gustong-gusto ko. I want to be like Kobe and Dad. I'll be the greatest agent. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD