Chapter 01

1798 Words
Binaba ko ‘yong paint brush at tumayo sa kinauupuan ko. Pinagmasdan ko ‘yong pininta ko for almost two hours. I felt Eustasia's presence besides me and also stared at my canvas. I looked at my canvas, nakaramdam ako ng saya kaya hindi ko napigilan ang mapangiti dahil nakatapos din ako sa ilang beses kong pag-ulit dahil walang pumapasok sa utak ko this past few days. It's my work and I'm doing it well! Oh my god! "Tell me Eus, is it good?" I asked her in a low voice. I heard her chuckle and tapped my shoulder. "It's so beautiful, Imo. It looks like you." Napataas naman ang kilay ko at napatingin sa babaeng pininta ko na nakaharap, nakamulat at nakahawak sa leeg. "Yeah, she also looks sad!" natatawang sambit ko. Totoo naman, bakas sa painting ko ang lungkot sa babae. Tingnan mo palang ‘yong mga mata halata mo na agad 'yong nararamdaman niya. "Are you sad?" she asked. Tinagilid ko ang ulo ko at sinulyapan siya. "Siguro? Malungkot naipinta ko. You know me. Kapag masaya or ganado ako, magaganda ang gawa ko, but when I'm sad nakakailang ulit ako. Nakakainis diba?" "But you able to finished this one, huh. Hindi tulad dati na kapag malungkot wala ka talagang natatapos." Umiiling niya na sabi. Tumango na lang ako. Eustasia really knows me. "So? What you'll gonna do with this one?" Sabay haplos niya roon. Ngumuso naman ako at naalala yung paguusap namin ni Tate, na isa ko ring kaibigan. "Nangako ako kay Tate na makakagawa ako para mai-display tapos ibenta sa Art Circle." "Nagbebenta ka pa rin pala doon?" Tumango naman ako at nagtungo sa isang sink doon at para maghugas ng kamay. Pagkatapos ay hinubad ko 'yong apron at isinabit sa tabi. Tumingin ako sa malaking glass wall sa workroom at pinasadahan 'yong white uniform ko baka kasi mamaya may dumi na pala. Mahirap na pa naman maglaba ng ganitong uniform, lalo na at puting-puti. "It's already 5pm, wala ka na bang klase?" Eustasia asked. Hinawi ko 'yong kurtina sa bintana at tinanaw yung Open space ng aming school. Marami pa ring students sa labas. "Wala na pero sobrang dami ko pang kailangan review-hin sa LIT tsaka sa Rizal, alam mo naman prof namin doon pa-major!" natatawang sambit ko. Bahagya naman siyang natawa at nailing. "Kahit may internship kayo may subjects pa rin pala kayo," she said. Humaba ang nguso ko sa narinig at tumango. "Hindi bale, last semester naman na!" Pagcheer-up niya sa akin at inabutan ako ng alcohol. Ngumiti na lang ako. Kakasimula pa lang ng second sem namin pero ramdam ko na 'yong dami ng gawain dahil nakakaloka 'yong mga professors namin sa minor subjects, pamajor kasi! Tapos nasaktuhan pang internship namin kaya sabay-sabay na talaga lahat. "Buti na lang talaga." Umiling ako at binalik sa kanya 'yung alcohol. Buti nga nakayanan ko 'yong mga nagdaang-taon kahit na hindi ko naman gusto 'tong course ko, pero wala eh kailangan. "Edi, mag-aral ka ulit? Pursue mo naman 'yong pinakagusto mo. Wala namang masama!" sambit niya na nakangiti. Napailing naman ako kaya sumimangot siya bigla. "Pinag-iisipan ko pa iyan. Alam mo naman ang mga Rowan. Nasa lahi ang nurse at doctor," paalala ko sa kanya. Umirap na lang siya at iniabot sa akin 'yong bag ko. "Ewan ko ba riyan sa pamilya mo! Ang daming ganap sa buhay! Mai-stress ka na lang talaga diyan. Baka nga hindi ka pa makapag-asawa. Ay, sorry!" Naiiling niya na sambit pero mapang-asar 'yong last niyang salita. Nginitian ko na lang siya dahil ang cute ng itsura niya kapag nang-iinis kahit gusto ko na siyang bigwasan minsan. Sinukbit ko ang bagpack ko sa balikat ko at sabay naming niligpit ‘yong mga canvas at pinasok sa maliit na storage room kasama 'yong tinapos ko kanina. Ni-lock na lang namin 'yong pintuan dahil baka mawala pa iyon. Si Eustasia naman kasi ang naghahawak ng susi ng workroom dahil dito siya madalas gumagawa ng mga canvas niya. "Siya nga pala, kamusta si Victor? Ilang linggo ko ng hindi napapansin ha?" She asked habang papalabas kami ng workroom. Sumandal ako sa gilid habang isinasara niya iyong pinto. "He's busy. Lagi silang may site visit." Napatalon naman ako ng tusukin niya 'yong tagiliran ko. "Miss mo na 'no?" Humaba naman 'yong nguso ko sa narinig at nauna nang maglakad. "Ayaw pa aminin! Natural miss mo siya! Boyfriend mo iyon eh!" Natatawa niyang sabi. Hinawakan ko naman siya sa braso para hilahin sa tabi ko. "Shut up! ang ingay mo," bulong ko sa kanya. Paano kasi ang lakas ng boses Nakamega-phone talaga lagi! Of course, I already miss him! Two weeks na kaming hindi nagkikita dahil busy siya. Napalinga naman ako sa hallway dahil kahit ala-singko na ay marami pa rin ang estudyanteng nagkalat. "Nahihiya ka ba? Kayo ang kinaiinggitan ng mga Thomasians! Couple goals! The Gorgeous Nursing Student, Imogen and the Hot Architect, Victor!" she exclaimed. Hindi ko na pinansin 'yong sinasabi niya dahil may mga kakilala akong nakakasalubong at nginingitian ko. Patuloy lang sa pagtalak si Eustasia habang nasa gilid ko. Nakikinig na lang ako sa kanya. "Hi, Imo!" "Where's Victor?" Hindi na ako sumagot at nginitian ko na lang sila. Siniko naman ako ni Eus habang papalayo kami sa dalawang nagtatanong. Napairap na lang ako. Mga plastikada ng taon! Nag-hi pa sa akin pero si Victor lang naman ang nais! "Bitches! Dami talagang b***h sa school na ito, nakakapanggigil. Ang sarap-sarap tirisin!" Umakto pa siyang parang may kinukurot. Humagalpak naman ako ng tawa. "Mababait sila kapag nakikita ka nila! Pero kapag wala ka at si Victor lang, ay grabe makalandi! Akala mo walang girlfriend 'yong tao," reklamo pa niya. Well, that's true. May mga babae talagang gano'n. Lalo na kapag alam nilang kilala talaga 'yong lalaki. Hindi ko naman masisisi si Victor, he got the looks, the body, the attitude. Halos lahat nga nasa kanya niya. "May tiwala naman ako kay Victor," nakangiti kong sambit sa kanya. Umakto naman siyang parang nasusuka kaya hinampas ko siya sa braso. "Landi! Ewan ko sa’yo!" At binilisan niya ang lakad. Bumaba na kami ng hagdan. Mabilis pa ang pagbaba ko dahil hinahabol ko si Eus. Siraulo talaga. Eustasia Diez is my bestfriend since grade 7. Lagi kaming parehas ng school na pinasukan nung High School, Grade 12 pati ngayong College pero magkaiba kami ng course. She's taking Fine Arts habang ako naman ay nursing. We love drawing and painting, and it brokes my heart dahil hindi ko iyon magagawa ng maayos na kasama siya. May plano kasi kaming parehas naming kukunin 'yon sa college pero heto ako, end up taking nursing dahil sa family matters. Nakarating kami ng first floor at nakahinto ako dahil hiningal ako sa pagtakbo. Nakahinto rin si Eus pero medyo malayo sa akin. Tinatawanan niya lang ako. Pang-asar niya na ito sa akin eh. Iyong uunahan niya ako at paghahabulin pero lagi ko naman siyang hindi nahahabol. "Weak ka pala eh! Ano, pagod ka na Imo?" tukso niya at gumiling-giling pa. Natawa naman ako ng sumigaw siya dahil pinalo ng dumaan na blockmate niya 'yong bewang niya. "Epal ka Soriano! Panget mo!" sigaw niya. Huminto si Soriano sa gitna namin at ginaya niya yung ginawa ni Eus habang nakaharap sa akin. "Hi, Imo! Galing ng bestie mo ha!" At umisa pa siya ulit ng galaw. Natawa naman ako at sabay naming ginawa ‘yong moves ni Eus kanina. Napuno ng tawanan yung hallway dahil sa ginawa namin. May iba rin kasing nanunuod. "Hoy! Pinagtutulungan niyo ako! Umuwi ka na nga Soriano! Ang anghit mo!" sigaw ni Eus at lumapit kay Soriano sabay batok dito. Sumimangot naman si Soriano at inayos 'yong eyeglasses niya. Soriano has this nerdy look pero hindi siya tulad ng iba na tahimik or seryoso. Opposite siya no’n, sadyang malabo lang talaga mata niya. Para sa akin siya yung definition ng Nerdy Chic! Makulit, masayahin, friendly! parang hindi ka magsasawa kung makakasama mo siya sa circle of friends mo. "Uwi!" Tinulak pa siya ni Eus, humarap sa kanya si Soriano sabay kurot sa pisngi niya kaya napasigaw siya ng malakas. Biglang humarap si Soriano at kumindat sa akin sabay kaway at tuluyan nang tumakbo palayo. "Ang epal talaga ng kumag na iyon! Bwiset!" Napagpasyahan ko nang lapitan si Eus pero hindi pa ako nakakahakbang nang may maramdaman akong bumunggo sa akin sa likod at sumubsob ako sa semento. "Imo!" "Pre!" "Orion!" Napamura ako ng may maramdamang mabigat sa likuran ko lalo na sa paa ko, at makaramdam ng sakit dahil sa pagkakasubsob ko. Nakita kong lumapit sa akin si Eus at hinawakan ako sa balikat. "f**k," mahinang daing ko ng sinubukan akong itayo ni Eus. Napansin kong may humawak sa braso ko kaya napatingin ako roon. Ramdam ko 'yong init ng palad niya. Halatang nagulat siya pero kalaunan ay lumambot ang ekspresyon niya at inalalayan ako para makatayo. "Kasi naman pre! Bakit patalikod maglakad!" Narinig kong sambit nung isa at lumapit sa amin. That voice, it was from Daegan! "Uy, si Imo pala ito!" Narinig ko 'yong boses ni Faust at tiningnan ako. "Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako pero ramdam ko ang kirot sa paa ko. Natapakan kasi iyon. Nakita kong pinagpag ni Orion 'yong uniform ko sa harap kaya agad ko 'yong iniwas. "A-Ayos lang ako!" At ako na ang nagpatuloy sa pagpagpag. Tinulungan din ako ni Eus. "Kasi naman Orion! Hindi tumitingin!" sigaw ni Eus. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Orion. Nagawa pang tumawa! Naupuan na nga ako. "Okay ka lang ba talaga? Wala bang masakit?" tanong nito. Niyuko pa niya ang mukha niya at sinusubukang hulihin ang mga mata ko. Agad akong nainis kaya naitulak ko ng kamay ko 'yong mukha niya. Narinig ko naman ang pagsinghap nung tatlo at pagkatapos ay mahinang tumawa. "Pft!" Narinig kong pigil tawa ni Faust at Daegan. Napatingin ako sa kanila at napansin kong nakapang-basketball outfit sila. Galing sigurong practice. "Uy, Imo! Masira naman mukha ni Orion!" Hinampas pa ako ng Eus kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nag-angat ng ulo si Orion at pinasadahan niya ng mga daliri ang buhok at nakangising tumingin sa akin. Napatitig ako sa mukha niya. He has this thick dark brows, dark eyes, pointy nose and red lips. Maganda rin ang jaw line niya. Agad akong nag-iwas ng tingin ng mapansin kong napatagal ang titig ko sa kanya. "Let's go," sambit ko kay Eus at hinatak siya. Ininda ko nalang 'yong sakit na nararamdaman ko sa paa ko para lang mabilis na makalayo sa kanina. Mawawala rin naman kasi ito. "I'm sorry, Imogen Fay!" Napapikit naman ako sa pagtawag niya sa buong pangalan ko. I just raised my middle finger at binilisan ang paglalakad. Narinig ko pa ang halakhak nung dalawa niyang kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD