Imogen POV
Nang makalabas ng Beato Building ay agad kong binatawan si Eus at binagalan ang paglalakad.
"Okay ka lang ba talaga? Wala bang masakit?" tanong agad ni Eus. Umiling na lang ako. Pansin ko sa mukha niya ang pagngisi. Umirap na lang ako, I know that look.
"Epal talaga iyon si Orion! Kasama pa niya yung dalawang sanggano!" Napataas naman ang kilay ko sa narinig.
"Best friends yung tatlo malamang magkakasama sila lagi." Napaisip naman siya sa sinabi ko kaya natawa ako.
"Ay, oo nga pala! pero grabe ka naman kay Orion kawawa naman mukha nun halatang malakas ang pagtapik mo sa mukha niya." Sumimangot naman siya.
Alam ko na yang itsura na'yan. Sasabihin niya sayang yung gwapong mukha ni Orion. Well, Orion is a good-looking guy same as Faust and Daegan kaya nga maraming nahuhumaling doon sa tatlo at sa pagkakaalam ko crush ni Eus si Daegan, hindi ko lang alam kung hanggang ngayon pa rin ba.
Binilisan na lang namin ni Eus ang paglalakad palabas dahil for sure mahihirapan kami umuwi dahil punuan at mahirap makasakay ng ganitong oras.
"Pero alam mo ba? Lalong gumwapo si Daegan no?" Malapad ang ngiti niya nung sabihin niya iyan. Kaya nilamukos ko ang mukha niya.
"Imo! Gawain mo talaga iyan! Bad ka talaga!" Inialis ko naman ang kamay niya sabay naupo sa waiting shed. Magsasalita pa sana siya ng may tumawag sa kanya kaya sinagot niya iyon.
"Sunduin mo na kasi ako! Kanina pa ako nag-aantay ng jeep! Alam mo naman dito! Kainis ka! Sumbong kita kay daddy! Ayun naman pala eh! Bilisan mo!"
Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng uniform ko. Tumikhim muna ako bago sinagot iyon.
"Hi, love! Nasaan ka na?" bungad ni Victor, napangiti naman ako dahil narinig ko ulit yung boses niya.
"Love, I miss youu!" sambit ko na nakanguso. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Miss na rin kita love, sobra! Hayaan mo babawi ako sayo. Nakauwi ka na ba?" Nakita ko ang pag-upo ni Eus sa tabi ko at nilapit ang tenga sa phone ko na para bang gusto niyang makinig.
"Pauwi pa lang kami. Ikaw ba? Nasaan ka na? Kumain ka na ba?" sunod-sunod kong tanong. Nakita ko ang kunwaring nasusuka-look ni Eus kaya siniko ko siya.
"I'm driving, pauwi pa lang ako. Do you want me to fetch you? Kaso magaantay ka, hmm?"
"Huwag na, mas lalo kang mapapagod tsaka traffic pa. Dumiretso ka nalang muna sa unit mo tsaka magpahinga," suhestyon ko. Malayo kasi yung site na pinupuntahan nila tsaka traffic pa sa byahe pa lang, mas lalo pa siyang mapapagod.
"Sige, ikaw bahala. Just text me, kapag nakauwi ka na ha? Huwag na kung saan-saan pa pumunta. Magpahinga kana rin kung wala ka nang gagawin pero tatawag ako mamaya, okay?" Tumango ako na kunwaring andito siya.
"Yes po, Ingat ka sa pagdadrive."
"I love you, love. Ingat ka rin. Ikaw na mag-end ng call." Hindi na ako sumagot at pinatay ko rin yung tawag. Binalik ko yung phone ko sa bulsa at tumingin kay Eus na nakataas ang kilay.
"What?"
"Walang 'I love you, too?' gano'n na lang yun? Iba ka naman pala!" Nailing na lang ako at binalik ang tingin sa kalsada.
"Sa ilang taon niyo ni Victor parang ngayon lang ata kitang hindi narinig magsabi ng gano'n."
"Lagi ko naman sinasabi sa kanya iyon kapag nagkikita kami or nagkakausap dalawa," paalala ko sa kanya. Kahit naman hindi ko laging sabihin kay Victor yun, pinaparamdam ko naman. Ika nga nila, Action speaks louder than words!
"Sabagay, mahal niyo naman yung isa't-isa eh. Bahala ka diyan malalaki na kayo!" Hinampas ko naman siya sa balikat dahil para siyang nanay na nagagalit sa anak.
Sabay kaming napalingon ni Eus sa bumisina at humintong BMW na kotse sa harap namin. Bumilis naman ang t***k ng puso ko ng makita iyon. Luminga ako sa paligid. Buti na lang kami lang dalawa ni Eus dito.
Bumukas yung bintana at siniko ako ni Eus nang makita kung sino yung nasa loob. "Orion," mahinang sambit ko.
Nakita ko naman ang mapuputi niyang ipin dahil sa pagngiti niya. Tumingin ako kay Eus at nginuso yung kotse ni Orion, napansin kong ini-angat niya kaunti yung bintana dahil napansin niya atang dumarami yung nasa paligid namin. Agad tumayo si Eus at kinausap si Orion. I just crossed my arms over my chest.
"Gusto mo raw sumabay, Imo?" tanong ni Eus sa akin. Umiling ako, binalik ni Eus ang tingin sa loob ng kotse at kinausap ulit si Orion. Maya-maya ay umatras na si Eus at bumalik sa tabi ko, sabay umandar na ang kotse ni Orion.
Natulala na lang ako habang tinatanaw yung kotse na umalis. Ang lakas ng apog nun na ayain ako umuwi! I heard Eus chuckled, kaya napatingin ako sa kanya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi na niya magawang ituloy dahil sa paraan ng pagtingin ko sa kanya.
"Nothing." Sabay angat niya ng kamay na parang sumusuko. Hindi nagtagal ay agad dumating ang sundo ni Eus, inaya niya pa ako sumabay pero tumanggi na ako gusto ko mag-isa lagi kapag umuuwi para nakaka pagmuni-muni ako.
Nagbook na lang ako ng grab pauwi. Natagalan pa ung driver dahil traffic na, anong oras na rin kasi. Inabot din ako ng lagpas isang oras ng makarating sa unit ko.
Agad akong dumiretso sa kwarto ko. Hinubad ko nalang yung uniform ko kaya cycling at bra na lang ang natira kong suot. Umupo ako sa upuan na nandoon sa tapat ng mataas na easel na may nakapatong na canvas board. Kinuha ko yung lapis sa gilid at ngumuso.
Ilang araw ko nang ginagawa itong drawing ng mukha ni Victor pero hindi ko pa matapos-tapos, siguro dahil sa tagal ko na siyang hindi nakikita kaya hindi ako namomotivate na tapusin ito.
I took a deep breath before I get my phone na kanina pa nagriring. Its Victor. Clinick ko yung videocall. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko nang makita ko siya. Nakahiga na siya sa kama at walang pantaas. Magulo rin ung buhok niya.
"Love." Ngumiti naman ako at kumaway.
"How's your day?" Victor asked. Napansin kong lumikot siya at dumapa. Sinandal niya ata yung phone niya sa headboard ng kama.
"Okay naman, I spent my vacant time sa workroom sa Beato, as usual I'm with Eus."
"That's good! Did you finish something?" Tumango naman ako, pinatong niya yung baba niya sa dalawa niyang palad.
"Are you just wearing your bra?" tanong niya at ngumuso. Binaba ko ng kaunti yung phone ko at tumawa.
"Kakauwi ko lang po, hindi pa ako nakakapagbihis kaya ganito ang ayos ko. Papahinga lang ako. Kumain ka na ba?" He nodded and started to share his moments sa site sa mga nagdaang araw. Inabot din kami ng dalawang oras sa pag-uusap at nang mapansin kong humihikab na siya ay pinatapos kona yung tawag para makapagpahinga na siya.
Victorius Velasquez, he's my boyfriend for almost five years. Grade 11 ako nung maging official kami. He courted me for almost one year. He's the guy you're dreaming of, mabait, matalino, responsable, magalang, gwapo. Halos lahat nasa kanya na. Almost perfect kumbaga and he's too good for me...
Victor's family is known for owning the Biggest Real State Constructions in the Philippines. Halos lahat ng mga kamag-anak niya ay Architects and Engineers. Nung una nahirapan pa ako makisama sa kanila dahil ramdam ko yung pagka-istrikto ng magulang niya, lalo na yung mama niya. Nagtagal din kami ng isang taon bago niya ako mapakilala sa magulang niya.
I'm his first girlfriend. Victor is the prim and proper type of man. Napagkamalan ko pa nga siyang bakla dahil doon kasi ang tahimik niya at hindi palakaibigan sa mga lalaki.
Bihira ko lang talaga siya makitang may kasamang lalaking kaibigan nung high school tapos kapag nilalapitan siya ng mga babae dahil may crush ito sa kanya, iniiwasan niya lang. He confessed to me, nung una hindi ako naniwala but, I saw his willingness kaya hindi ko na pinalagpas.
Napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko at nakita kong 9 pm na. Dumiretso akong banyo para magbanyos and after that, I just wear my oversized shirt and underwear.
Nakaramdam ako ng gutom pero naalala ko na kailangan ko pang magbasa kaya dinala ko na ang libro ko para lumabas ng kwarto. Nakarinig ako ng ingay ng tv, kaya kumunot ang noo ko.
Pagdating sa sala ay nakita kong nakabukas ang ilaw, pati ang tv. I saw Orion with his white shirt and gray shorts. Nakaupo siya sa carpet at abala sa plates niyang nasa mesa.
Napansin ko rin ang iba niyang gamit na nakakalat sa carpet. Kagat-kagat niya yung lapis at para bang may iniisip. Dumiretso ako sa kitchen bar at nilapag doon ang mga libro ko. Halatang hindi niya ako napansin dahil abala siya sa ginagawa.
Napansin kong may nakapatong paper bag ng isang fast food chain sa kitchen bar. Umupo naman ako at nagsimulang buklatin ang libro. Nakita ko si Orion na dumiretso sa ref at may kinuhang gatorade.
"I bought you a food." Sabay nguso niya sa paperbag na nasa kitchen bar. Tumango na lang ako at nag-thank you. Bumalik naman siya ulit sa pwesto niya.
Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit dito niya naisipan gumawa? Pwede naman siya sa apartment niya? Kung sabagay mas malapit itong unit na ito sa UST, pero nanatili na lang akong tahimik at bumuntong-hininga.
Tinabi ko muna yung mga libro ko at kinuha yung binili niya dahil gutom na gutom na ako. Bonchon. Alam niya talaga yung paborito ko. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang sumulyap sa pwesto niya na kunwari nanunuod lang ako ng tv.
Pagkatapos kumain ay niligpit ko iyon para makapagbasa na ako. Inabot din ako ng tatlong oras sa pagbabasa. Humawak pa ako sa leeg ko at hinilot-hilot iyon dahil nakaramdam ako ng pangangalay. Napansin kong andoon pa rin si Orion pero nakapatay na ang tv at ang tugtog niya lang sa phone ang tanging ingay. Tumayo ako at tumigil malapit sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin.
"Matutulog na ako." Tumango naman siya.
"Wala ba talagang sumakit sayo?" Bumaba ang tingin niya sa paa ko. Umiling naman ako. Nawala-wala naman kasi yung kirot kanina.
"Goodnight," nakangiti niyang sambit. Nagmadali naman akong pumasok sa kwarto ko at nilock iyon.
Oh god! Bakit ba lagi niya akong nginingitian? Kapal talaga! Nilapag ko ang gamit ko sa study table at humiga sa kama. Kapag nasa school parang demonyo pero kapag andito ang tahimik, akala mo santo!
Nailing na lang ako at inalis ang mga iniisip. Kailangan ko na matulog! Maaga pa ako bukas!