Ala-sais pa lang ay gising na ako. Nadatnan kong nakakalat pa sa sala yung mga gamit ni Orion pero wala siya roon, baka nasa kwarto niya siya at natutulog pa. Ini-angat ko sa table ung mga nagkalat na lapis at ballpen kasi baka mamaya kung saan pa gumulong iyon.
Nagluto lang ako ng fried rice, bacon and egg tapos kumain na rin ako para makapaghanda para sa first day of duty ko. We need to render a 520 hours for this fcvking internship this semester. Mabilis lang akong nag-ayos at umalis ng unit. Nagsend na lang ako ng message kay Victor na papasok na ako. Late na nga ako nakapagreply sa kanya eh.
Wala naman kaming ginawa sa first day namin sa Ospital. Buti nga sa mismong UST lang din ako nakahanap ng slots, ang swerte ko pa nun, yung iba kong kasama napalayo pa. Ini-orient lang kami kanina at tumulong na din pero hindi naman ganoon kabigat yung nangyari kasi konti lang tao sa loob. It's just a normal day. Habang tumutulong sa logbook ay nakita ko ang isang babaeng papalapit sa pwesto. She's wearing her usual uniform. May duty pala siya ngayon.
"Hi, Imo dear. Start ka na pala?" Tita asked. Nakipagbeso pa siya sa akin at hinawakan ako sa balikat ko.
"Yes po, Tita. Ngayon lang din po," nakangiti kong sabi. Tumango naman siya.
"How is it?" tanong niya na nakataas pa ang kilay. Mahina na lang akong tumawa.
"I know that look! Btw, masasanay ka rin, malapit kana oh. I'm so proud of you." At hinalikan pa niya ang pisngi ko. Wala naman akong masabi. Nagpaalam naman si Tita dahil may aasikasuhin pa siyang pasyente.
Bumuntong-hininga na lang ako pagkaalis niya. Actually, this is not the course that I want. It's their choice. Hindi ko naman masuway because I want them to be proud of me, pero kahit andito na ako hindi ko pa rin ramdam. They want me to pursue nursing at wala akong nagawang paraan para tumutol doon.
Lumipas ang oras at binigyan kami ng two hours break dahil wala namang masyadong gagawin sa loob.
"Grabe, kawawa sila Ching, ang layo ng hospital na nahanap nila!" sambit ni Rio habang nakahawak sa braso ko, naglalakad kami papuntang canteen andoon rin kasi sila Eus.
"Sabi ko sayo eh. Kaya buti na lang nahatak kita agad, kasi for sure limited lang ang slots na ilalabas nila. Tingnan mo nakaabot pa tayo."
Mahirap kasi kapag sa malayo ka pa makakahanap ng hospital, hassle sa byahe, lalo na meron pa kaming subjects na papasukan. Mahirap magpabalik-balik dito laging traffic sa labas.
Bigla namang may tumawag kay Rio ay pinilit siyang sinama kaya ngayon ako ang magisang pupuntang canteen. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinext si Victor.
Me: Love, kakain na kami sa canteen. Kumain kana rin. Huwag papalipas.
At binalik ko ulit sa bulsa ko yung phone. Nakarating ako sa canteen at nakita ko agad ang kumakaway na si Eus. Bumagal pa ang lakad ko nang makitang may kasama siyang mga lalaki. She's with Orion, Daegan and Faust. Napailing na lang ako.
Katabi niya si Faust at Orion. Sa harap nila ako umupo at katabi ko naman si Daegan. Nakipagbeso sa akin si Eus at tinuro yung platong may lamang pagkain. Nabilhan na pala nila ako. I mouthed her a 'thank you" and smiled. Kumindat na lang siya.
"Kamusta first day, Imo?" Daegan asked at siniko pa ako pero mahina lang naman. Ngumiti ako sa kanya.
"Ayos lang, wala pa naman masyadong ginagawa." Tumango naman siya.
"Edi ilang oras kayo niyan kada araw? Diba may minor subjects pa kayo?"
"Maximum 8 hours lalo na kapag walang klase pero kapag may klase that day pwede namang half-day." Tumingin naman sa akin si Faust, napasulyap ako kay Orion na tahimik lang na kumakain. Si Eus naman ay nakikinig sa amin.
"Ay goodluck! Mahirap yan! Pero kaya mo yan! Ikaw pa!" Ngumiti na lang ako. Tumingin ako kay Eus at ngumuso.
"Did you bring the key?" tukoy ko sa susi sa workroom. Tumango naman siya at tinuro ang id niya. Doon niya kasi sinasabit yung susi.
"Why? Gagawa ka ulit? Kakagawa mo lang kahapon ha?" she asked. Nagkibit-balikat na lang ako. I feel like I want to hold a brush again and do a piece kahit na kakatapos ko lang gumawa kahapon.
"Nangangati palad ko." Pinakita ko pa sa kanya yung palad ko. Natawa naman sila sa ginawa ko pero, totoo kukunin ko lang yung ginawa ko dahil ibibigay ko kay Tate na siyang nagbabantay sa Art Circle.
"Nagpipinta ka pa rin pala talaga?" Faust asked. I just nodded at him. Napa'oh' nalang silang dalawa ni Daegan.
Tahimik pa rin si Orion habang nakatingin ng diretso sa harap niya. Nakapa ko ang phone ko ng magvibrate iyon. Napansin kong napatingin ng bahagya sa akin si Orion. Binalik ko ang tingin sa phone.
Victor: Kakain na din kami later, love. May inaayos lang na design. I miss you so much! See you soonest!
Humaba naman ang nguso ko sa nabasa. I miss him so much! I wanna see him badly! Agad naman akong nagreply.
"I miss you so much, too! Basta kumain ka ng marami para lumakas ka like me." Natawa naman ako ng mahina sa reply ko.
"Hoy, ang landi! Kumain ka muna oh!" Napa-angat naman ang tingin ko kay Eus na hatakin niya ng mahina ang buhok ko. Natawa naman sila Faust.
"Pabayaan mo na! Katext pa ata si Mr. Vico!" tukso ni Daegan. Ngumuso naman ako at napatingin kay Orion na nakayuko at kumakain pa rin. Vico kasi tawag nila kay Victorius. Ako naman, nasanay na sa Victor.
Pinanlakihan ko sila ng mata at agad na tumango, nakuha nila agad yung inasta ko na iyon. Mga siraulo talaga.
"Orion," mahinang tawag ko sa kanya. Nakita kong pinapanuod ako nung tatlo. Halatang nagulat din sila sa pagtawag ko kay Orion. Luminga-linga naman si Eus sa paligid na parang nagmamasid.
"Hoy!" tawag ko ulit sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at tinaasan ako ng kilay. Sungit agad! Wala pa nga!
"Nevermind!" masungit kong saad at binalik sa pagkain. Narinig ko ang pagtawa nung tatlo.
"Tinarayan mo kasi." Narinig kong sambit ni Daegan.
"What? Wala akong ginagawa." Orion said. Napairap na lang ako.
"I'm calling you, bingi ka ba?" Mataray kong saad sabay umirap.
"LQ agad!" Tumawa si Eus at napapalo pa ng mahina sa mesa. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Q lang, wala namang L," mahinang sambit ko at mas nagtawanan sila.
"Burn!"
"Wala ka pala Orion eh!" pang-aasar nila.
"Omg! Hahaha!"
"Talo ka pala Capt. May Vico kasi siya, kaya walang L sa inyo. Quarrel lang!" Daegan chuckled.
Napasimangot nalang ako sa narinig at tumingin kay Orion. He's looking at me intently. Bigla umangat ang gilid ng labi niya bago nagsalita.
"Okay lang, asawa ko naman siya." mahina niyang sambit habang nakatingin sa akin. Tumahimik naman yung tatlo halatang nagulat sa sinabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Damn you, Orion!
****
Hindi na bago sa pamilya namin ang arranged-marriage. I'm also a fruit of it, sabi nila. Halos lahat nga sa side ng Rowan ay pinagkakasundo. Twelve years old palang ako, alam ko na iyan. Lagi kong naririnig sa mga family gatherings, kapag naguusap sila mama. Our family thinks that the bridge to secure our wealth and especially our future is thru that thing.
Napanuod ko ang mga engagement party ng mga pinsan ko, kada party andun ako. But in my case? hindi ko naranasan iyon. It's a shotgun marriage, actually. Akala ko simpleng dinner lang pupuntahan namin pero hindi pala. At alam ko ang reason kung bakit ginawa nila lola iyon. Alam kasi nila na may boyfriend ako kaya inunahan nila. Akala ko simpleng dinner lang iyon pero hindi pala.
I'm on my third term sa college nung ikasal ako. After that, napag-usapan ng pamilya na huwag muna ipaalam kahit kanino. We'll have our announcement once na nakagraduate kaming dalawa. It's going to be a big wedding. Nagiisang-anak lang kasi ako ng nang bunso ni Lola.
Nung araw na iyon, grabe ang iyak ko. Nagmamakaawa ako kay Lola na huwag na ituloy. I don't see myself marrying another man. I only want Victor. Only him.
Nakita ko sa mukha ng mapapangasawa ko ang lungkot ng makita niya akong umiiyak nung araw na iyon pero wala siyang sinabi. Ramdam ko na gusto niyang tumutol pero wala kaming magagawa.
I know Orion, first year ako nakikita ko na siya kapag pumupunta sa Beato. Iisa lang kasi ng building ang Architecture at Fine Arts. Kapag bibisita ko si Victor at Eus, lagi kong nakikita ang mukha niya. Maraming nababaliw kay Orion kahit ang iba kong blockmates. He's also a varsity player. Captain ng Growling Tigers.
At hindi ko inakala na isang Orion Shay Anderson pala ang ipapakasal sa akin.
Lola and Mama always reminding na hiwalayan ko na si Victor pero hindi ko ginagawa. Naduduwag ako. Hindi ko magawang sabihin kay Victor. Hindi ko nagawang ipaalam sa kanya na kinasal na ako. Ayoko siyang mawala. I love him so much.