Isang taon. Isang taon na akong kasal kay Orion. Isang taon na rin naming itinatago kay Victor. Daegan, Faust and my bestfriend, Eustasia knew that Orion and I are married dahil andoon sila mismo nung araw na kinasal kami. Hindi ko alam kung paano sila napunta roon. Eustasia told me na inaya daw siya ni Mama sa isang dinner. Ganoon din ang ginawa ng Mommy ni Orion kela Daegan at Faust. Ginawa silang witness. Isang taon na rin akong namomoblema dahil gustong-gusto ko nang sabihin kay Victor pero sa tuwing nakakasama at nakikita ko siya nakakalimutan kong kasal ako sa iba. Nakakalimutan kong may kasalanan ako sa kanya. I wanna tell him pero may pumipigil sa akin. Siguro ayoko lang humantong sa puntong iiwan na niya ako. Yung tipong magdedesisyon na siyang tapusin na rin lahat sa am

