Nang makauwi ako ay nakahanda na ang lahat at nagpadasal na rin pala si tiya.
Tulad ng dati ay hindi pa rin namin maiwasan na hindi maiyak kaya naman napuno na naman ng emosyon ang mga sarili namin.
Ito sa pag-alala namin sa matalik at pinakamamahal naming kaibigan.
Hindi na siguro mawawala sa amin ang pagka-miss kay Erika pero magpapatuloy lang kami at ito ang pangako namin sa kanya.
Araw-araw ay nami-miss namin ito pero sabi daw sa mga pamahiin ay i-let go na raw namin ito dahil baka hindi ito makaakyat sa langit.
Natatawa na lang ako sa ganitong kasabihan pero wala naman masama sa ganitong paniniwala, lahat naman ay may kanya-kanyang pinaniniwalaan.
Nagkaroon kami ng kaunting salo-salo ng mga kasamahan namin at syempre busog na naman ako.
Si tiya ang nagluto ng hapunan kaya taob ang kaldero namin, nang matapos ito ay pinagpahinga na namin si tiya dahil alam namin na pagod ito.
Nang matapos kami ay nagkanya-kanya na kaming pasok sa kwarto kwarto namin.
Nakahiga na ako nang pumasok dito sa kwarto ko si Tiara na may dala na naman na unan.
Umusog ako at humiga siya at yumakap sa akin.
“Dalawang taon na pala siyang wala no.“ Bulong nito kaya tumango ako at napahinga ng malalim.
Naalala ko nong unang taon na wala na si Erika ay kinausap kami ng lalakeng nakarelasyon nito at binabayaran kami dahil sa danyos na nagawa ng asawa nito.
Pero hindi namin ito tinangap, si Tiara ay binantaan ito na mawawala ang lahat ng pinaghirapan nito kaya ilang buwan lang noon ang lumipas ay nabalitaan na lang namin na na-bankrupt na ang negosyo nito.
Hindi ko magawang magtanong noon kay Tiara kung may kinalaman ba ito o ang pamilya nito sa nangyari.
Hindi na rin ito nagsalita pa sa isyu pero malakas ang kutob ko na may ginawa ito dahilan para mawala ang lahat ng mayroon ang lalakeng iyon.
Ang sabi pa sa mga narinig ko ay naghiwalay na ito at ang asawa nito at mula noon ay wala na kaming balita pa dito.
Nasa isip ko noon na tama lang ang nangyari dito dahil kulang pa iyon sa ginawa nito sa kaibigan namin.
“Tiara can i ask you a question?“ Tanong ko mayamaya kaya tumango lang ito.
“May kinalaman ka ba sa nangyari noon sa dating karelasyon ni Erika?“ Lakas loob ko na tanong dito kaya napatitig ito sa akin at napailing na lang.
“Humingi ako ng tulong kay daddy, and then his friend na mas mayaman pa sa pamilya namin ang gumawa ng lahat.“ Sabi nito kaya napatango na lang ako.
“Pero hindi yata tama o maganda ang ginawa nila sa lalake.“ Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin at kinurot ako sa pisngi.
“Ikaw super bait mo talaga, huwag mo nang isipin ang bagay na iyon darling friend matagal na iyong nangyari.“ Sabi nito kaya muli akong tumango dito.
“Tulog na tayo may pssok pa tayo bukas.“ Sabi nito kaya tumango ako at niyakap ko na lang ito ng mahigpit.
Napaunat ako ng kamay dahil sa pangangalay nito natapos ko na i-finalise ang mga papeles na kailangan ko.
Napangiti ako dahil konting panahon na lang ay makaka-graduate na rin ako sa wakas.
Napatingin ako sa picture namin ni Erika at kinuha ito at hinaplos ito kung nandito pa siya ay sabay kaming ga-gradute ngayong taon.
Pero napangiti ako ng mapait at parang gusto ko na naman ulit na maiyak napailing na lang ako at inilapag muli ang litrato sa lamesa.
Tumayo ako at pumunta sa kama ko at napahiga habang nakatingin sa kisame at napatulala.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Tiara na kadarating lang mula sa eskwelahan.
"Nakatulala ka na naman diyan halika na baba na tayo at nagluto ng masarap na hapunan si Tiya Mabel." Umupo siya sa kama ko at kinuha ang kamay ko.
Napangiti ako at nagpahila sa kanya saka ako huminga ng maluwag.
"Malapit na kasi tayong maka-graduate kung nandito pa siya ay tatlo tayong masaya ngayon." Mahina kong turan sa kanya at napailing na lang siya at humigpit ang hawak sa kamay ko.
"Masaya na siya kung nasaan man siya ngayon Angelina." Maikli niyang turan kaya napatango ako sa sinabi niya.
Sabay na kaming bumaba at naabutan namin si tiya na naghahain na ng hapunan namin.
"Halina na kayo at mag-hapunan na tayo." Pag-aya niya sa amin ni Tiara kaya sabay na kaming umupo.
"Oo nga pala Tiara ano na ang balak mo ngayon na pareho na kayong magtatapos nitong si Angelina?" Tanong ni tiya kaya napatigil si Tiara sa pagkain.
"Bakit po paaalisin mo na po ako dito?" Diretsang tanong ni Tiara kaya napailing na lang ako.
"Ikaw talagang bata ka nagtatanong lang naman ako." Tumatawang turan ni tiya at napailing na lang.
"Ayoko munang bumalik sa bahay lalo na at darating ang daddy ko malamang kasama na niya ang nobya niya doon." Mapait na turan ni Tiara kaya napailing na lang ako.
"Hindi ka ba malapit sa ama mo?" Tanong ni tiya sa kanya kaya napailing lang ito.
"I was once his little girl before but when he and mom got devorce we never be the same again." Kwento ni Tiara kaya napatingin ako sa kanya.
“Bakit nasaan ba ang daddy mo?“ Tanong ko kaya napatitig siya sa akin at huminga ng malalim.
"Mula ng manatili na siya sa Amerika dahil sa trabaho niya ay unti-unti na akong napalayo sa kanya lalo na kay mommy na may sarili ng pamilya ngayon." Sagot niya kaya tumango na lang ako, kaya pala ang bitter niya masyado dahil lumaki siyang malayo sa mga magulang niya.
"Kaya dito na po muna ako and beside i want to go to Angelina province." Patuloy niya pa kaya napangiti na lang kami ni tiya sa kanya.
"Alam mo naman na kahit ilang taon pa ang ilagi mo dito ay walang problema sa akin." Masayang turan ni tiya.
"Sumama ka sa amin tiya sa probinsya kapag umuwi ako." Sabi ko kay tiya na ikinatango lang nito.
Maingay at masaya kaming naghapunan at nagkwentuhan na walang katapusan ganito na kami mula ng mawala si Erika mas naging malapit pa kami sa isa't isa.
Iniisip ko noon kung hindi nawala ang kaibigan ko ganito kaya kami ngayon pero alam ko na mas masaya pa kung nandito pa rin siya ngayon.
Kinabukasan ay pumasok pa rin ako kahit na wala ng gagawin sa school dahil sa lunes na ang graduation namin, tumawag na sina nanay at tatay kagabi at pati ang mga kapatid ko at pupunta sila lahat kaya natuwa ako.
Sa lumipas na taon rin ay naging maayos naman ang relasyon ko sa pamilya ko dahil alam naman nila na aral at bahay lang talaga inatupag ko sa mga nakalipas na taon.
Sa buong school year ko ay marami na rin akong tinanggihan na manliligaw at wala talaga akong balak na magpaligaw.
Hindi katulad ni Tiara na nakailang boyfriend pero hindi naman nagtatagal sa kanya dahil sa ugali ng kaibigan ko na masyadong perpectionist.
Ilang oras lang akong namalagi sa school at dahil maaga pa ay dadaan na lang muna ako sa mall dahil may bibilhin ako.
Nag-text si tiya na nagpapabili ng pangsahog sa lulutuin niya mamayang gabi.
Palabas na ako ng gate ng tawagin ako ni Claire ang isa sa mga blockmates ko kaya huminto ako at nakangiti siyang lumapit sa akin.
"Angelina buti naman at naabutan kita." Agad niyang sabi kaya napangiti ako.
"May kailangan kaba?" Tanong ko sa kanya may ibinigay siyang card kaya kinuha ko ito.
"Birthday ni Lia at imbitado ka hindi ka pwedeng tumangi dahil kayo ni Tiara ay pupunta doon." Sabi niya kaya napatango na lang ako birthday naman ito at huling paanyaya na nila ito kaya tumango ako sa kanya.
Masaya naman siya na nagpaalam sa akin at nagpasalamat.
Wala naman sigurong masama beside celebration na rin siguro ito dahil maghihiwa-hiwalay na kami.
Inilagay ko na lang sa bag ko ang invitation at naglakad na pasakay sa kabilang kalsada para sumakay ng dyip papunta ng mall.
Naglalakad na ako papasok ng mall ng mabangga akong bata kaya napatigil ako.
Agad na nag-sorry ang bata pero paglingon ko ay may nabangga ako na babae dahilan para mawalan kami pareho ng balanse at napaupo ako sa sahig.
"What the hell! hindi ka tumitingin sa dinadaan mo." Galit na turan ng babae kaya nagulat ako at hindi agad nakakilos.
"Dara what happen?" Isang lalake ang nagtayo sa babae mula sa pagkakaupo kaya tumayo na rin ako.
"Sorry po hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin habang nakayuko ako.
"Boba ang sabihin mo tanga ka lang." Aray grabe naman bunganga nitong babaeng ito maganda sana pero parang imbornal ang bunganga. Nasabi ko na lang sa isip ko.
Sakto na napatingin ako sa lalakeng kasama niya na nakatingin pala sa akin kaya kinabahan ako. At napaatras ng kusa dahil sa kakaiba niyang tingin.
Hindi ko namalayan na nakaalis na sila kaya napailing na lang ako, kakaiba ang tingin ng lalake kanina ang gwapo niya at parang pamilyar sa akin ang paraan ng pagtitig niya hindi ko nga lang alam kung saan ko iyon nakita.