Tumuloy na lang ako grocery para bilhin ang pinabibili ni tiya at kahit medyo masakit ang hita ko ay hindi ko ito masyadong pinansin.
Hindi ko pa rin makalimutan ang bunganga ng babae kanina kaya napailing na lang ako.
Matapos kong mag-grocery ay pumunta naman ako sa bookstore para bumili ng notebook kailangan ko kasi iyon dahil naubos na ang ginagamit ko.
Palabas na ako ng mall ng hindi ko sinasadya na mapatingin sa kabilang bahagi kung saan naka park ang ibang sasakyan. Nakita ko ulit ang lalake kanina at may kausap ito sa cellphone habang nakatukod ang kamay sa kotse.
Napahinga ako ng malalim at napaiwas ng tingin mukhang kakapanood ko ito ng drama na kung saan mas matanda ang lalake sa babae na malaki ang agwat ng edad.
Hindi ko pa rin maiwasan na titigan ito mukha naman siyang bata pa pero sino niloloko ko mukhang matanda na ito nag-eedad ng kwarenta at hindi halata pero alam ko na matanda na ito.
Kinurot ko na lang ang sarili ko at tumingin ulit sa ibang direksyon.
Nang makauwi ako ay naghanda na ako dahil may party pala ako na pupuntahan ngayong gabi.
Pero may malaki akong problema.
"Wag kang masyadong magpagabi at umuwi agad." Ito ang paulit-ulit na bilin sa akin ni Tiya Mabel napatingin ako kay Tiara na nakakumot na bumaba ng hagdan.
"Sorry talaga Angie hindi ako makakasama sa'yo hindi talaga maganda ang pakiramdam ko." Inalalayan ko na lang siyang umupo ang kulit sinabi ko naman na okay lang ako pero bumaba pa rin siya.
"Okay lang basta magpahinga ka lang hindi ako magtatagal doon uuwi ako agad." Sabi ko sa kanya kaya inayos kong muli ang damit ko at ang ayos ng buhok ko.
Ngayon lang ako nagsuot ng ganito kaya napapailing na lang ako pero dahil birthday party iyon ay napilitan pa rin ako na magsuot nito.
Isang tube top na pinaresan ko ng cardigan at skinny jeans ang suot ko at high heels na tama lang ang taas actually kay Tiara ang damit na ito at isang beses pa lang niyang nasuot.
Ito ang medyo nagustuhan ko kaya ito na lang ang sinuot ko masyado kasing daring ang iba pa niyang mga damit.
Mahilig kasi ito sa party at magbar-hopping kasama ang iba niyang kaibigan na rich kid kaya sanay na ito.
"Aalis na po ako tiya kayo na po bahala kay Tiara." Paalam ko kay tiya at saka lumabas na ako ng bahay.
"Oo basta uuwi ka ng maaga." Sabi pa nito kaya kumaway na ako kay tiya at sumakay na sa taxi na kinuha pa ni Tiara papunta sa venue ng birthday party ng kaklase ko.
Hindi naman malayo ang lugar kaya nakarating agad ang taxi kaya bumaba na ako matapos kong magpasalamat kay manong driver.
Pagkarating ko ay may dalawang bouncer na nasa entrada ng bar at ibinigay ko dito ang invitation card ko.
Pinapasok na nila ako at sa bungad pa lang ay ingay na ng musika ang narinig ko.
"Angelina halika na sa taas tayo." Nakita ko agad si Claire na sexy sa suot niyang dress.
Ngumiti ako at sumunod na dito.
"Wow girl ang ganda mo bagay sayo ang suot mo." Puri niya kaya napangiti lang ako sa kanya.
Hindi ko akalain na makakapasok ako sa ganito kagarbo na bar at maraming tao sa dancefloor na nagsasayawan sa saliw ng musika.
"Guys Angelina is here." Lahat ng mga kaklase ko at iba pa na blockmates ko ay binati ako pati na rin si Lia na masaya na nakita ako.
"Enjoy ka lang girl kami bahala sa'yo." Sabi niya kaya napatango ako, umupo ako sa isang sulok at napatingin sa paligid.
Alam na rin nila na hindi makakasama si Tiara kaya nalungkot sila mukha naman na nag-aalala sila sa kaibigan ko kaya napanatag ako.
Kumain na muna kami at masasabi ko na masasarap lahat ng pagkain, si Claire ay laging nasa tabi ko dahil binilinan siya ni Tiara na hindi ako dapat mawala sa paningin niya.
Sa pagdaan ng oras ay nalalasing na ang iba sa kanila pati si Claire na nag-iiba na ang kilos.
Napapailing na lang ako dahil sumasayaw ito habang tumatawa kaya napahinga ako ng malalim.
Tumayo na siya at nakipagsayaw sa isa sa mga lalake namin na kaklase kaya napailing na lang ako.
"Angie come on drink." Ibinigay sa akin ni Lia ang isang baso at kinuha ko ito at ininom hindi naman mapait kaya okay lang.
"See you like it?" Nasisiyahan niyang tanong kaya napatango ako sa kanya.
Dahil hindi naman masama ang lasa ng inumin na binigay ni Lia ay nakailang baso pa ako pero maya-maya lang ay nakaramdam ako ng pagkahilo.
Kaya napatayo ako mukhang matapang ang alak na iyon masarap nga pero nakakalasing.
Naalala ko ang sinabi ni Tiara na iwasan ko ang masarap na lasa ng inumin dahil iyon ang mas nakakalasing, huli na nang mapagtanto ko.
Napamura ako sa isip ko pero pinilit kong lumayo sa mga ito para umiwas na sa alak.
Pakiramdam ko ay hinahalukay ang tiyan ko kaya nalakad ako at naghanap ng bathroom.
May nakita ako na waiter at nagtanong dito kahit medyo nahihilo na ako.
Itinuro naman nito ang bathroom kaya nagpasalamat ako dito at dumaan ako sa medyo walang tao kaya nakarating ako sa banyo.
Napasandal ako sa pinto nitong CR at hinilot ang ulo ko na masakit na.
Ito na nga ba ang sinasabi ko ayoko talagang uminom pero akala ko kasi ay simpleng inumin lang iyong kanina.
Uuwi na lang siguro ako para makaiwas na ako sa kapahamakan.
Pagkatapos kong maghilamos at magpunas ay lumabas na ako sa banyo pero nahihilo pa rin ako.
Sa paghawak ko sa ulo ko ay hindi ko namalayan na may makakasalubong ako at bumangga ako dito.
Akala ko ay babagsak na ako pero yakap ako ng estranghero, mabango ito at nakakawala ng hilo ang amoy.
"Salamat mister." Mahina kong bulong habang nakapikit.
"Careful my lady you're already drunk." Narinig ko na turan nito pati boses niya ay nakakapanghina.
Lalo niya ako niyakap kaya napasandal na ako ng tuluyan sa dibdib niya.
"Nahihilo na ako." Mahina ko na turan kaya napatawa ng mahina ang lalake.
"I don't know that mahina ka pala sa alak." Sabi pa niya kaya napangiti ako at lalo akong yumakap sa kanya.
Kung hindi siguro ako lasing ay hindi ako mangangahas na yumakap sa lalakeng ito na hindi ko kilala.
Pero nagbibigay ng ginhawa sa akin ang yakap niya kaya lalo akong sumiksik sa kanya.
Pero iniangat nito ang mukha ko at sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang mukha nito.
Napangiti ako dahil napakagwapo pala nito at tila hinihila ang sarili ko na may gawin.
Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon ang bagay na nagpapainit sa buo kong katawan.
Kinagat ko ng kusa ang labi ko at binasa ito pero agad kong naramdaman ang labi ng lalake sa akin.
Agad akong nakaramdam ng kakaiba sa masarap nitong halik kaya napayakap na ako sa batok nito.
Napapaungol pa ako dahil sa ginagawa nito na halos kainin ang buo kong bigbig, napakasarap rin nitong humalik at ito ang unang beses na may humalik sa akin.
"Gusto mo na bang umalis dito?" Bulong niya sa tenga ko nang bitiwan nito ang labi ko napaungol lang ako at napangiti habang nakapikit at tumango sa kanya.
Naramdaman ko na lang na pinangko niya ako at agad akong sumiksik sa leeg niya at yumakap dito.
Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng lalakeng ito pero hindi ko magawang tumangi dito kaya hinayaan ko na lang siya sa kung saan man niya ako dalhin.
“Saan tayo pupunta mister?“ Tanong ko habang nakatitig dito kaya kinuha nito ang kamay ko at dinala nito sa labi nito.
Paulit-ulit nitong hinalikan ang kamay ko kaya napangiti ako at napatitig dito.
Napaka-gentleman naman nito pero dahil may kaunti pa akong wisyo ay tila pamilya ito sa akin.
“I will bring you to heaven my love.“ Bulong niya kaya napatawa ako ng mahina at napailing na lang.
“Heaven papatayin mo ba ako at dadalhin mo ako sa langit?“ Balik tanong ko dito sabay tawa kaya napatawa na rin ito, maging ang tawa nito ay nakakapanlambot ng katawan.
“You silly woman.“ Sabi na lang nito at pinagsalikop ang mga kamay namin.
“Huwag mo akong dalhin sa langit ga-graduate pa ako at magtatrabaho gaya ng pangako ko kina tatay.“ Sabi ko dito sabay buntong hininga kaya nakita ko ang pagtango nito.
“Then where do you want to go? I really want you right now.“ Mayamaya nitong turan kaya napatitig ako dito at napangiti.
“Bakit mo ako gusto eh kakakilala pa lang natin.“ Sabi ko dito kaya hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan nito.
Bumaba na ito at binuksan nito ang pinto sa tabi ko at inakay ako palabas.
Nahihilo talaga ako at naramdaman ko na hinalikan ako nito sa labi saka ulit kinarga.
The next thing i knew is nakasandal na ako sa pader at naghahalikan na ulit kami ng lalakeng ito na napakasarap humalik.