Pumasok na muna kami at napatingin si nanay kay Leon at Tiara at ngumiti sa dalawa. "Halina na muna kayo sa loob." Sabi ni nanay kaya sumunod na kami sa kanya. "Mahal nandito na ang bunso mo at ang mga kasama niya." Tawag ni nanay kay tatay, lumabas ito na nagpupunas ng kamay. "Tatay ko." Salubong ko dito at niyakap ito kaya natawa ito ng bahagya. "Tatay, Nanay, ito po pala si Tiara ang kaibigan ko at si Tito Leon ang daddy po ni Tiara." Pakilala ko kina tatay sa mag-ama. "Ikinagagalak ko po kayong makilala." Magalang at nakangiti na turan ni Tiara at nagmano sa mga magulang ko. "Me too Sir, Ma'am nice to meet you too." Nakipagkamay naman si Leon kay tatay at nanay. Gustong magtanong ni nanay pero nag-alangan ito at napatingin sa akin. "Baka hindi tayo maintindihan." Sabi ni nanay

