Kumakain na kami nang bumalik ang babae kanina at umupo pa talaga ito sa malapit lang sa lamesa namin. May kasama na itong isa pa na babae na halata rin naman na may gusto kay Tito Rihan. Si Tiara ay tila papatay sa titig nito sa dalawang babae at pinakita talaga nito na hindi ito natutuwa. Panay rin ang titig ni Leon sa amin ni Tiara kaya napapailing na lang ito. “Relax ka lang Tiara.“ Bulong ko dito kaya napahinga lang ito ng maluwag. “Ang lalandi kasi.“ Balik bulong naman nito kaya napailing na lang ako. “Should we go to another resto girls?“ Biglang tanong ni Tito Rihan mayamaya kaya napatingin kami pareho dito ni Tiara at napatingin rin kay Leon. “Yeah, if you two are not comfortable we will go to another resto okay.“ Sabi naman ni Leon kaya nagkatinginan kami ni Tiara at napat

