Napakalawak ng Manila parang kahapon lang ay manghang-mangha pa ako sa mga sasakyan, sa mga buildings, sa tren at sa mga tao na abala sa kani- kanilang lakad sa kung saan sila pupunta.
Pero ngayon makalipas ang dalawang taon ay rinding-rindi na ako sa ingay at nakakairitang tunog ng tren, ang sakit sa ulo pati ang traffic kung hindi ako makikipagsiksikan sa tren o sa bus ay hindi ako makakarating sa tamang oras sa pasok ko.
Okay naman sana tumira dito pero hindi pa rin ako sanay, mas masarap talaga na tumira ng probinsya kaya lagi kong nami-miss ang buhay probinsya.
Sa loob naman ng dalawang taon ay nakakauwi naman ako pero ilang araw lang ang nilalagi ko dahil nga mas priority ko ang pag-aaral.
Tulad ngayong araw buti na lang at alas-dos pa ang isa kong scedule sa eskwela kung hindi ay gagahulin na naman ako sa oras.
Baka mamaya ay naka-report na ako nito at baka hindi na ako papasukin sa klase ng professor ko.
Mahirap lang ako at kailangan kong pagkasyahin ang isang linggo kong allowance kung hindi ay manghihiram na naman ako nito kina Erika at Tiara. Buti na lang ay mabait ang ang dalawang iyon.
Well lahat naman sila at ang iba pa na boarders ni Tiya Mabel, mababait silang lahat at generous sa bawat isa kaya kasundo ko ang mga ito.
Pero si Tiara at Erika talaga ang pinaka naging kaibigan ko at lagi kong ka-bonding dahil kami ang pare-parehong nasa same year ng college, ang iba kasi na boarders ni tiya ay third year at fourth year na kaya hindi namin masyadong nakakasalamuha.
Graduating na ang mga ito kaya lagi na silang abala, nag iba naman ay may mga trabaho.
Gusto ko nga rin mag-part time pero pinagbawalan ako ng mga magulang ko, sabi ni tatay ay wala akong ibang aasikasuhin kundi ang pag-aaral lang.
Si Tiara ay rich kid rin katulad ni Erika na mas pinili na tumira sa boarding house ni tiya kaysa kumuha ng condo malapit sa school.
Diba may choice sila pero ako wala, pero swerte na rin ako dahil sa dalawang iyon na lagi akong nalilibre.
Ayaw ko kasi na manghingi ng sobra kina tatay baka may masabi na naman kasi ang mga ito at magkaroon pa ng hindi magandang pagkakaunawaan.
Ito kasi ang pinakainiiwasan ko sa lahat ang may masabi ang mga magulang ko.
At buti pa ang dalawang iyon ay malaya sa magulang katulad ni Tiara na ang ama daw ay isang sundalo at nakabase sa Amerika, ang ina niya ay nasa europe at doon na namamalagi dahil hiwalay na raw ang mga ito.
Si Erika lang ang walang kwento tungkol sa mga magulang pero mayaman rin siya dahil walang problema sa kanya ang pera dahil kung gumastos ay walang pakialam.
Akala ko nga ay hindi ko makakasundo ang dalawa dahil ibang-iba sila kaysa sa akin pero ang dalawa pa mismo ang lumapit sa akin at mahal na mahal ko pareho ang dalawang iyon.
"Angelina papasok ka na ba?" Napatingin ako sa ka-blockmate ko, ang isa sa mga crush sa section namin si Jeffrey nag-iisa lang ito sa pagtataka ko kadalasan kasi ay kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na mukhang ewan.
"Oo may hinihintay lang ako." Maikli kong sagot dito mangungulit lang ito kaya hindi ko na lang ito pinansin.
"Sabay ka na sa akin papasok naman tayo sa same school." Giit nito kaya medyo umatras ako ng konti at tumingin sa paligid may mga tao naman kaya alam kong safe ako.
"Hindi na may hinihintay lang talaga ako." Tanggi ko pero hindi pa siya umaalis at nakatingin lang sa akin.
Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kapag nasa malapit lang ito, hindi ko talaga gusto ang prisensya nito.
Ilang beses na nitong sinabi na liligawan ako pero hindi ko kailanman binigyan ng pagkakataon ang isang ito.
"Angie halika ka na pasok na tayo." Napatingin ako kay Erika na dumating rin kaya nakahinga ako ng maluwag, hinila na niya ako papunta sa sasakyan niya at hindi na tinignan pa ang lalake.
"Buti na lang naabutan pa kita kundi kukulitin ka na naman ng lalakeng iyon." Sabi ni Erika nang makapasok kami sa kotse niya.
"Tama ka kaya nabanas ako lalo, traffic, maingay tapos dumagdag pa yong isang yon." Sabi ko sabay kabit ko nang seatbelt kaya napatawa ito at tumingin ako sa kanya at napatingin sa braso niya na may pasa na naman.
"May pasa ka na naman?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ang braso niya at sinuri ito, at nitong mga nakaraang araw ay lagi kong nakikita na balisa siya at may pasa kapag tinatanong ko ay walang sinasabi kaya hinahayaan ko na lang pero ngayon ay madalas ko nang nakikita ang pasa sa braso niya.
“Erika ano bang nangyayari sayo?“ Hindi ko na mapigilan na hindi magtanong dahil sa mga napapansin ko dito.
Hininto niya ang kotse niya sa gilid ng daan at saka siya napahinga ng maluwag at tumingin sa akin.
"Hindi ko na kaya Angie, hirap na hirap na ako." Nagulat ako nang bigla siyang umiyak kaya kinabig ko siya payakap sa akin.
Ikinwento niya sa akin ang lahat na labis kong ikinagulat at ang panglulumo ko dahil sa napakabigat niyang sitwasyon.
Pumatol siya sa isang may pamilyadong lalake na minahal niya ng buong puso, at ito rin pala ang nagpapaaral sa kanya mula pa noong first year niya sa college, at nitong mga nakaraang buwan daw ay nagbabago na ito at nagkakasakitan na sila.
Gusto na niyang makipaghiwalay pero ayaw ng lalake kaya nanlumo ako sa mabigat na sitwasyon ng kaibigan ko.
"Natatakot na ako baka may makaalam sa sikreto ko Angie." Natatakot niyang pahayag habang umiiyak, wala akong sinabi at nakinig lang sa kanya habang inaalo siya.
Ayoko siyang sisihin o pagsabihan dahil naiintindihan ko ang kalagayan niya, ulila na pala siya sa mga magulang niya at lumaki sa kanyang tiyahin na minamaltrato siya mula pagkabata niya.
Kaya nang tumuntong siya ng college ay lumuwas siya dito sa Manila at nakilala ang lalakeng akala niya ay mag-aahon sa kanya sa kalungkutan pero nalaman niya na may pamilya na ito.
At ginamit ang pagkakataon na walang-wala siya para matali sa relasyon dito lahat ng bagay na gusto niya ay naibibigay nito kaya nakalimutan na niya na nakakasira na siya ng pamilya, pero ngayong mga nakaraang araw daw ay gusto na niyang makipaghiwalay dito pero ayaw ng lalake kaya nagkakaproblema na siya.
The love turn obsession and i know this part, kapag may nakaalam nito ay masisira ang lahat.
Mahigpit pa naman ang university sa mga ganito kaya oras na malaman ng school ang lihim ni Erika ay pwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan niya.
“Kahit anong mangyari ay hindi kita huhusgahan Erika, nandito lang ako bilang kaibigan at kapatid mo.“ Bulong habang pareho kaming umiiyak dahil hindi ko kaya na makita na nahihirapan ang kaibigan ko.
Hinatid na niya ako sa school kahit ayoko pa sana siyang iwan pero kailangan kong pumasok sa isang subject ko dahil importante iyon.
Pero kahit nasa eskwelahan ako ay nasa isip ko pa rin si Erika nalulungkot ako para sa kanya kaya hindi naging maganda ang pakiramdam ko hanggang matapos ang klase ko.
Hanggang sa nakauwi ako ay iniisip ko pa rin ang kalagayan ni Erika, nalulungkot talaga ako para sa kaibigan ko maraming ganitong kwento lalo na sa telebisyon pero sa drama lang iyon. Pero ito ay sa totoong buhay na at sa kaibigan ko pa nangyari.
May kumatok sa kwarto ko kaya binuksan ko ito at si Tiara pala na may dalang unan alam ko na naman ang kailangan nito.
"Pwede ba dito ulit ako matulog?" Nakangiti niyang tanong mukhang hindi na naman uuwi si Alexa ang ka-room mate niya.
Tumango na lang ako sa kanya at humiga na siya sa kama ko at busy na sa pag-cellphone napailing na lang ako at pumunta sa banyo para maligo.
Paglabas ko ay nakahiga pa rin si Tiara pero bigla siyang napamura dahil sa may nakita siya sa cellphone niya.
"Angie halika tignan mo ang nasa social media dali." Bumangon siya at may ipinakita sa akin isang video ang pinapanood niya sa akin.
Ikinagulat ko na si Erika ang babaeng sinasaktan at pinapahiya sa maraming tao ng isang babae na hindi nalalayo ang edad kay Tiya Mabel.
Ito na ang bagay na kinatatakutan ni Erika ang malaman ng asawa ng boyfriend niya ang pagkatao niya at kalat na kalat na ito sa social media, nakita ko kung gaano nakakaawa ang kalagayan ni Erika mayamaya pa ay may tawag na sa cellphone ko at isang nurse ang nagpakilala na si Erika ay isinugod sa hospital dahil nawalan ito ng malay, ang video pala ay ilang minuto lang nakuhanan bago i-upload.
Agad kaming naghanda ni Tiara dahil kailangan kami ni Erika sa mga oras na ito, nakaabang na sa amin si Tiya Mabel na nagbilin na balitaan daw namin siya.
Ilang sandali lang ay nakarating kami ni Tiara sa ospital na sinabi sa amin ng nurse na nakausap ko kanina, agad kaming pumunta sa kwarto kung nasaan daw ang kaibigan namin.