Chapter one

1545 Words
Umiiyak ako na nag-eempake ng mga damit ko sa isang may kalumaan ng duffel bag medyo nagdadabog rin ako dahil sa sama ng loob ko na umalis. Sina nanay at tatay kasi ay nagdesisyon na naman na hindi ko alam kaya naiinis ako, sinabi ko sa kanila na dito pa rin ako mag-aaral sa kolehiyo sa bayan pero nag-usap na pala sila ng tiyahin ko sa Manila na doon ako mag-papatuloy ng pag-aaral. "Anak handa na ba mga gamit mo?" Tanong ni nanay na nakadungaw dito sa silid ko, nagpunas ako ng luha sa pisngi ko atsaka tumingin sa kanya. Napailing siya ng makita na nakakalat mga damit ko sa kama kaya tuluyan na siyang pumasok at inagaw sa akin ang bag ko at siya na nag-ayos ng mga damit ko na dadalhin ko. "Nay kailangan po ba talaga na doon ako mag-aral sa Manila?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Kailangan anak sayang naman ang scholar mo sa UP kung hindi ka doon mag-aaral." Napailing ako at napaupo na lang sa sahig at pinanuod lang si nanay na ayusin ang mga damit ko. "Nakapasa rin naman ako dito sa dalawang university dito sa atin diba?" Hirit ko pa baka sakali na magbago isip nila. "Anak mas maganda sa Manila kung doon ka magka-college at safe ka doon dahil sa Tiya Maribel mo ikaw titira." Giit ni nanay medyo may inis na sa boses niya kaya nanahimik na ako. Lagi naman na ganito lahat na lang sila ang nagdedesisyon sa buhay ko mula pa pagkabata ko, akala ko makakalaya na ako sa kanila ng nandito na ako sa college pero hindi pa pala hinayaan nila ako na mamili ng kurso sa college pero ang kapalit pala ay sila ang masusunod kung saan akong university mag-aaral. Hindi naman kami mahirap at hindi rin mayaman tama lang na makakain kami ng tatlong beses sa isang araw at sapat ang kita ni tatay na isang magsasaka ng mais at mga gulay sa sarili naming lupa na minana pa niya sa mga magulang niya. Kaya lang ang problema ay ang dalawa kong nakatatandang kapatid ay nagsipag-asawa na matapos makapagtapos ng highschool kaya labis ang panghinayang nila sa kanila kaya sa akin ibinunton lahat. Ganito kasi dito sa probinsya namin makapagtapos ka lang ng highschool ay pwede na pero hindi sa mga magulang ko kaya galit ako kina ate kasi ako ang pinagbuntunan ng lahat nina nanay at tatay. Tuwing school break naman ay pwede akong umuwi pero ayoko talaga sa Manila dahil magulo ang lugar na iyon kaya ayoko talaga doon. Hinayaan na ako ni Nanay na makapagbihis dala niya palabas ang bag ko at binalaan pa ako na wag gagalitin si tatay. Pagkabihis ko ay bumaba na ako ng silid ko at naabutan ko sina tatay, nanay at Tiya Maribel sa sala at nag uusap-usap. "Naku Angie ikaw na ba iyan? dalaga ka na." Si Tiya Maribel na nakangiti sa akin pinilit ko na ngumiti rin dahil baka batuhin ako ni tatay ng tasa ng baso na hawak niya kapag nagpakita ako ng kabastusan, pero syempre hindi naman niya iyon gagawin lihim akong natawa at nagmano na lang sa tiya ko. Katakot-takot na bilin ni tatay ang ipinabaon niya sa akin kasama na doon ang wag mag-boyfriend, wag mag-barkada at dapat bahay at university lang ang aatupagin ko. Paano naman kaya ang social life ko na kinalimutan na nila para sa akin. Malaki ang tiwala nila sa akin iyon ang isang bagay na hindi ko kayang suwayin dahil mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanila. Medyo malayo ang byahe dahil nandito kami sa Legaspi, Albay at ilang oras ang magiging byahe papuntang Manila. Pero sanay na ako sa byahe dahil sa Cavite nakatira si Ate Ariella ang nakatatanda kong kapatid kapag bumibisita kami doon ni nanay. "Nandito na tayo hala buksan mo muna ang gate." Napatingin ako sa isang makalumang bahay na may tatlo yatang palapag at isang lumang bakal na gate medyo inabutan kami ng gabi ni Tiya Maribel dahil sa sobrang traffic kanina kaya inis na inis ito. Binuksan ko ang gate at binuhat ang bag ko, umilaw ang kabahayan hudyat na may tao sa loob. "Tiya Mabel dumating na pala kayo." Isang maputi at payat na babae ang nagbukas sa amin ng pinto, nakangiti siya at binati ako agad at saka nagmano kay tiya. "Naku inabot kami ng ganito dahil sa traffic sa edsa." Napasalampak ng upo si tiya sa isang upuan dito sa sala nila, ang ganda ng bahay na kahit halata na ang luma ng mga muwebles ay maganda pa rin at malinis. "Ito nga pala si Erika isa sa mga boarders ko." Pakilala ni tiya sa babae nakipagkamay siya sa akin at halatang makapapalagayan ko ng loob. "Ako si Angelina." Maikli kong turan sa kanya. "Kumain na kayo may ulam pa ininit ko pa lang kain na tayo." Inaya niya kaming maghapunan masarap ang ulam na linuto niya naikwento niya sa akin na HRM ang kurso niya at nasa second year na ahead lang siya sa akin ng isang taon pero sa Saint Benilde siya nag-aaral samantalang ako ay sa UP. Masaya kaming naghapunan nakalimutan na rin ni Tiya Mabel ang pagod dahil panay ang tawa sa mga lame joke ni Erika. Isa palang boarding school itong bahay ni tiya at puro babae ang nandito na nag-aaral sa iba't ibang university dito sa Manila. Hanggang third floor daw ito at ang magiging kwarto ko sarili ko daw iyon at nandoon rin ang kwarto ni Erika na solo rin niya apat ang silid doon at naka reserve daw talaga iyon para sa akin. Si Tatay daw ang nagpareserve nun at talagang wala akong takas dahil nakahanda na pala ang kwarto ko dito. "Ihatid mo na sa kwarto niya sa third floor si Angie para makapagpahinga na siya." Sabi ni Tiya Mabel matapos kaming kumain ng hapunan alas-otso na pala. Inaya na ako ni Erika na umakyat sa taas habang nililibot ko ang tingin sa paligid. Sa second floor ay mayroong apat na kwarto kasama marahil ang banya dahil sa bandang dulo ay may nakasulat na restroom. "Ang kwarto dito ay apat at walo na boarders ang umuukupa." Si Erika na mahina lang ang boses napatango lang ako sa kanya. Sa isang kwarto pala ay dalawa ang umuukupa. Pag-akyat naman nang third floor ay may tatlong kwarto ang isa daw ay stock room kung saan nakalagay ang mga bedsheet at iba pang gamit dito sa bahay. Ang isa ay kwarto ni Erika may sariling banyo ang parehong kwarto namin ayaw daw kasi niya ng may kasama sa kwarto napansin ko na medyo sopistikada siyang tignan pero simple. Siguro ay anak mayaman siya. "Bukas na lang pahinga ka na makikilala mo ang iba mga tulog na kasi sila." Medyo mahina ulit ang boses niya kaya napatango ako sa kanya. Binuksan ko ang kwarto ko at tumambad sa akin ang simple pero maaliwalas na silid, may vanity table at isang aparador na lagayan ng mga damit at isang kama na pang-isahang tao lang katulad lang siya ng kwarto ko sa amin. May bintana na malaki at puting kurtina at may isang electricfan. Hindi mainit dito sa loob at halatang bagong linis. Inilagay ko muna sa paanan ang ng kama ang bag ko at binuksan ito para kunin ang towel ko at damit na pantulog. Pumasok ako sa banyo na tama lang ang laki may nakalagay nang shampoo at sabon kaya hindi ko na kinuha ang sabon na baon ko sa bag. Nakahiga na nang tumunog ang cellphone ko na naka-charge kaya bumangon ako at kinuha ito para sagutin ang text ni nanay. Nangungumusta lang kung nandito na kami sa Manila ni Tiya Mabel, hindi kasi ako nagtext man lang dahil sinadya kong i-lowbat ang cellphone para hindi sila makatawag sa akin dahil nagtatampo pa rin ako. May text din mula kay Ate Ariella at Ate Amelie, kapwa nangungumusta at sinabi na pagbutihin ko ang pag-aaral ko. Ti-next ko na sila nang maikling sagot at saka ko ibinalik sa charge ang cellphone ko, humiga ulit ako at napabuntong hininga. Ano kaya mangyayari sa akin dito sa Manila? Sana naman ay maging tahimik at matiwasay ang lahat at gagawin ko ang lahat para pagbutihin ang pag-aaral ko. Para sa ganun ay makatulong ako kina nanay at tatay at pagkatapos nun ay sarili ko naman ang uunahin ko at tutuparin ang pangarap ko na makarating sa ibang bansa. Ito kasi talaga ang goal ko ang mag-tapos sa college, makapagtrabaho matulungan mga magulang ko at makapag-travel sa iba't ibang bansa na ako lang mag-isa at kung may darating na lalaki para sa akin ay bubuo ako ng pamilya at dapat pagtuntong ko ng thirty five ay may asawa na ako at tatlong anak. Natawa ako sa sarili ko dahil nakaplano na ang lahat ng gagawin ko mga susunod na taon ng buhay ko at sana ay magawa ko iyon ng walang sagabal. Pero mukhang hindi ako pagbibigyan ng tadhana dahil kahit anong iwas ko sa gulo ay susundan at susundan pa rin ako nito, kahit na hindi ko ginusto ay ang tahimik kong buhay ay magugulo ng dahil lang sa isang lalake na minahal ko ng lubusan kahit na alam kong bawal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD