Break Na B Tayo? Chapter 32 "Puwede ka naman mag-share sa akin?" ngiting sabi ni Warren. Nandito sila sa may tabing dagat malayo sa mga kasamahan nila. Nakaupo lang sila sa may buhangin habang tinitignan nila ang dagat. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay hindi na nila pa kailangan na magdala ng ilaw. Nandito sa kanyang tabi si Emil. Hindi niya ito iniwan dahil interesado siya sa guwapong lalaki. "Wala naman ako dapat i-share sa'yo Warren." sagot ni Emil. Hindi na siya nagabala pang tumingin sa basketbolistang kasama niya ngayon. Nagpunta na siya dito sa tabing dagat malayo kina Braylon. Gusto sana niya mapagisa ngunit hetong si Warren, ay sinundan pa siya nito. "Ako na muna tapos ikaw. Alam kong magkapareho tayo." ngising sabi ni Warren. Lalo lumawak ang ngisi niya dahil biglang napati

