bc

Break Na Ba Tayo?

book_age18+
362
FOLLOW
1.3K
READ
confident
drama
twisted
sweet
bxg
small town
secrets
affair
husband
like
intro-logo
Blurb

More conflict and twist will come up in this second book. In this part of the series, it will narrate how Braylon Hernandez, would fall for Sandro Fedellga, and how his supposed bride would know about this.

chap-preview
Free preview
Break 1
Break Na Ba Tayo?  Chapter 1 "Babe, kamusta naman ang inuman ninyo kagabi?" usisa ni Penelope, sa kanyang fiancé na si Braylon. Nandito sila ngayon sa may sala ng bahay niya. Natutuwa siya dahil welcome na welcome na ang kanyang guwapong fiancé sa mismong bahay niya. Hindi na kumokontra ang kanyang mommy lalo na ang kanyang daddy. Simula magkausap sila ng kanyang mommy ay naging maayos na ang pakikitungo nito sa kanya pati ang kanyang daddy ay nagkaayos na rin silang dalawa. Kagabi ay kinausap siya ng kanyang daddy medyo nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na gusto siya nito kausapin.  _____________________________ Kakatapos lang kausapin ni Penelope, ang kanyang fiancé na si Braylon, sa cellphone ng biglang makarinig siya na may kumakatok sa may pintuan ng kanyang kuwarto. Nakakunot noo siyang naglakad papunta sa may pinto para buksan niya iyon. Sa pagbukas niya ay hindi niya inaasahan na nakatayo sa harapan ng kanyang pintuan ang kanyang daddy na seryosong nakatingin sa kanya.  "Puwede ba kitang makausap Penelope?" seryosong sabi ni Rafael, kani-kanina lang ay kinausap siya ng kanyang asawa na si Patricia. Akala niya ay nakipag-ayos na talaga ang kanyang asawa sa kanilang anak na si Penelope. Akala rin niya ay payag na ito sa pagpapakasal ng kanilang anak sa hampaslupang lalaki na si Braylon. Napapansin niya kasi na maayos na ang pakikitungo ng kanyang asawa na si Patricia, kay Braylon. 'Yun pala ay may binabalak pala ito para hindi matuloy ang pagpapakasal ng kanilang anak na si Penelope, sa fiancé nitong si Braylon. At ngayon ay nandito siya sa harapan ni Penelope, para magkunwaring pumapayag na siya sa pagpapakasal ni Penelope, kay Braylon. Umaasa siya na magtatagumpay ang plano ng kanyang asawa. Hindi niya talaga gusto na mapunta lang sa isang hampaslupang lalaking tulad ni Braylon, ang kanyang nag-iisang anak na si Penelope.  "Makausap? Tungkol saan daddy?" takang tanong ni Penelope, sa kanyang daddy. "Gustong kong pag-usapan natin ang gusot sa ating dalawa Penelope. Alam kong nakipag-ayos na ang mommy mo sa iyo at pumapayag na ito na ikasal ka kay Braylon." sabi ni Rafael, pinapasok siya ng kanyang anak sa kuwarto nito.  "Daddy, kung pumunta ka lang dito upang sabihin mo na wag kong ituloy ang pagpapakasal ko kay Braylon. Wala ka na magagawa daddy mahal na mahal ko si Braylon, at ganun din ito sa akin." seryosong sabi ni Penelope, umupo siya sa gilid ng kama niya habang nakatingin siya sa kanyang ama na nakatayo sa harapan niya.  "Hindi ako pumunta dito para lang tumutol sa kagustuhan mo ikasal ka kay Braylon. Pumunta ako para makipag-ayos. Aaminin kong marami akong pagkukulang sa'yo bilang ama mo. Maraming oras at panahon na nasayang dahil sa sobra akong abala sa political career ko. Nakalimutan kong may pamilya ako. Nakalimutan kong may anak ako at ikaw iyon. Alam kong hindi na maibabalik ang mga nasayang na panahon." malungkot na saad ni Rafael, galing sa puso ang sinabi niya. Marami talagang panahon ang nasayang dahil masyado siyang nagfocus sa trabaho niya kaysa sa pamilya niya.  "Daddy, ngayon mo lang ba na realize 'yan? Sobrang sayang na sayang talaga ang panahon na wala kang ginawa kundi trabaho. Nakalimutan mo talagang may pamilya ka. Hindi lang naman ikaw kundi pati si mommy. Nakalimutan niyo na may anak kayo." pinipigilan ni Penelope, na wag maiyak dahil sa pinag-uusapan nila ng kanyang daddy. Nagulat siya ng biglang lumuhod ang kanyang daddy sa kanyang harapan at hinawakan nito ang kanyang mga kamay.  "Nandito ako ngayon para bumawi sa'yo." nagmamakaawang pakiusap ni Rafael, ang plano lang niya ay magkunwaring pumapayag na siyang ipakasal si Penelope, sa fiancé nito. Pero ang nangyayari ngayon ay wala sa plano niya. Nakita niyang napangiti ang kanyang nag-iisang anak na si Penelope, sa kanyang sinabi.  "Daddy, aaminin kong tampo ako sa'yo. Pero kung itatanong mo sa akin na kung galit ako sa'yo? Hindi-hindi ako galit sa'yo daddy." naluluhang sabi ni Penelope. Hindi lang siya sa daddy niya tampo kundi pati sa kanyang mommy. Sobra siyang naiingit sa kanyang mga kaklase noon dahil kasama ng mga ito ang mga magulang nila kapag may mga especial na okasyon sa school. Samantala siya ay yaya lang niya ang nakakasama niya dahil busy ang kanyang mga magulang sa mga trabaho ng mga ito. Ngayon nandito nakaluhod ang daddy niya sa kanyang harapan hawak-hawak nito ang mga kamay niya. Humihingi ito ng pagkakataon para makabawi sa kanya.  "I'm so sorry Penelope." hindi na napigilan ni Rafael, ang kanyang mga luha na tumulo sa kanyang mukha. Kanina pa gusto kumawala ang kanyang mga luha ngunit pinipigilan niya pero ngayon ay hinayaan na lang niyang maging malaya ang kanyang mga luha. Parang lang  ngayon ulit siya umiyak ng ganito ka grabe. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling umiyak at kung bakit siya umiyak?  Lalong bumuhos ang kanyang mga luha ng maramdaman niya ang mahigpit na yakap ng kanyang anak. Ang tagal sobrang tagal na niyang hindi na yayakap ng ganitong kahigpit ang kanyang anak na si Penelope.  Kumalas sa pagkakayakap si Penelope, sa kanyang daddy. Isang malapad na ngiti ang nasa magandang mukha niya ng humarap siya sa daddy niya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha sa kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. Hindi na niya matandaan kung kailan ba siya huling niyakap ng kanyang daddy.  "Penelope, masyado yata tayo madrama? Buti na lang wala ang mommy mo kung hindi ay sigurado akong pagtatawanan niya tayong dalawa." natatawang sabi ni Rafael, pinupunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang kamay. Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa kanyang dibdib ngayong nagkausap sila ng kanyang anak. "Tama ka sa sinabi mo daddy. Hmm… Daddy ibig bang sabihin nito na may basbas na ba kami ni Braylon, sa'yo?" tanong ni Penelope, naging seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin siya sa kanyang daddy.  "Oo, naman" simpleng sagot ni Rafael, sa tanong ng anak niya sa kanya.  ____________________________________ "Ok naman lahat ay nalasing. Puwera syempre kay Sandro. Alam mo naman na 'di umiinom iyon." ngiting sabi ni Braylon, hinawakan niya ang kamay ng kanyang fiancé ng makita niyang pababa sa hagdanan si Congressman Rafael Sanchez.  "Babe, gusto ka pala kausapin ni daddy." ngiting sabi ni Penelope, muntikan na niyang makalimutan na gusto palang kausapin ng kanyang daddy ang kanyang fiancé na si Braylon. Napatingin si Braylon, sa kanya.  "Bakit? Baka mag-away lang kami ng daddy mo." pag-aalalang sabi ni Braylon, napatingin siya kay Congressman Rafael, na nakangiting papalapit sa kinaroroonan nila ni Penelope. Nagtataka at nag-aalangan nga siya na pinapapunta siya ni Penelope, sa mismong bahay nito. Ang gusto niya sana ay sa Rald's Box Café, na lang sila magkita ngunit nagpumilit ang kanyang fiancé na dito mismo sa bahay nito na magkita sila. Hindi niya alam na ganito pala ang gusto ni Penelope.  "Hon, wag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo." paniniguradong sabi ni Penelope.  Hindi maiwasan na kabahan si Braylon, na nasa harapan na nila si Congressman Rafael Sanchez. Tumayo sila ni Penelope, sa pagkakaupo bilang pagpapakita ng respeto.  "Good morning Braylon, alam kong nagtataka ka kung bakit kita kinakausap ngayon. Hindi ko lang alam kung nasabi na ba sa'yo ng aking pinakamamahal at nag-iisang anak na si Penelope, na nagkausap kami kagabi." ngiting sabi ni Rafael, hindi na muna siya papasok ngayon sa trabaho niya para lang makipag-usap siya kay Braylon, ngayon. Kasama ito sa mga plano nila ng kanyang asawa na si Patricia, ang kunwaring makipag-ayos siya kay Braylon. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.9K
bc

NINONG III

read
365.3K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.9K
bc

CLOSER

read
141.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook