Break Na Ba Tayo?
Chapter 2
"Kamusta ka na Braylon?" ngiting tanong ni Congressman Rafael Sanchez, ginagamit niya ngayon ang ngiting nagpanalo sa kanya sa mga nakaraang eleksyon. Kayang-kaya niyang makipagplastikan sa mga tao lalo ngayon na kaharap niya ang isang hampaslupang fiancé ng kanyang anak. Nandito sila ngayon sa sala ng bahay niya na nakaupo sa isang blue wing chair. Kaharap niya ngayon sila Braylon, at si Penelope, na magkatabing nakaupo sa isang mahabang at kulay blue na sofa.
"Mabuti naman Congresman. Kamusta kayo Congressman Rafael?" tanong ni Braylon, nagtataka siya kung bakit kinakausap siya ngayon ni Congressman Rafael? Ramdam niyang hindi bukal sa loob nito ang makipag-usap ngayon sa kanya. Pero bibigyan niya ng pagkakataon ito upang patunayan na mali siya ng inaakala.
"Sobrang ok dahil maayos na kami ng anak kong si Penelope. Masyadong madamdamin ang pag-uusapan namin kagabi pero nauwi lahat iyon sa mabuting usapan." ngiting sabi ni Rafael, tumingin siya sa kanyang anak na nakangiting nakatingin sa kanya. Masaya talaga siya ngayon dahil maayos na ang relasyon nila ng kanyang anak. Naikuwento niya kagabi sa kanyang asawa na si Patricia, kung ano ang nangyari sa pag-uusap nilang dalawa ni Penelope. Hindi siya nagkamali na tatawanan siya ng kanyang asawa dahil sa pag-iyak niya.
"Una sa lahat ay gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Sa nangyari noong pamamanhikan. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong pagpapakalat ng s*x scandal mo sa internet." seryosong sabi ni Rafael, hindi bukal sa kanya na humingi ng tawad at magpakumbaba kay Braylon. Ginagawa lang niya ito para lang mapaniwala si Braylon, na nagbago na siya. At makuha rin niya ang loob nito. Kasama ito sa plano nilang mag-asawa kaya titiisin at magpapakumbaba siya ngayon na kaharap niya si Braylon.
"Congressman Rafael, sa totoo lang ay balewala sa akin ang s*x scandal na iyon. Gusto ko lang ay sabihin mo sa harapan ni Penelope, na kagagawan mo lahat ng iyon. Ang ibig kong sabihin ay set ang s*x video na iyon." seryosong sabi ni Braylon, susubukan niya ang ama ng kanyang fiancé kung totoo ba ang pinapakita nitong kabutihan sa kanya. Lihim siyang nakangisi ngayon habang seryoso siyang nakatingin kay Congressman Rafael. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya. Hindi pa nga niya nakakausap si Rossel, tungkol sa s*x video na kumalat sa internet. Nagtataka lang siya kung bakit may video sila ni Rossel? Hindi niya alam kung sinadya ba ni Rosse, na kunan ng video ang pagtatalik nilang dalawa? Maraming katanungan ang gusto niya masagot tungkol sa s*x video na iyon.
"B-braylon…" nagulat si Rafael, sa gustong mangyari ni Braylon. Alam nilang dalawa na hindi set up iyong s*x video na iyon. Nagpapasalamat lang talaga siya ng makausap niya ang store manager na si Rossel Molina, ay napag-alaman niyang nakipagsex ito kay Braylon. At nalaman din niya na kinuhanan nito ng video ang pakikipagtalik nito kay Braylon. Parang umaayon ang tadhana sa kanya. Ngayon ay hindi niya alam ang sasabihin niya ngayon sa gustong mangyari ng hampaslupang fiancé ng kanyang anak. Kahit na nakatingin siya kay Braylon, ay alam at ramdam niya na naghihintay ng kasagutan ang kanyang anak na si Penelope.
"Congressman Rafael, alam nating dalawa na set up iyon. Hinding-hindi ko magagawang makipag-s*x sa ibang babae lalo't na ikakasal ako sa anak ninyo. Mahal na mahal ko si Penelope." madamdamin na sabi ni Braylon, lihim siyang natutuwa sa nakikita niya sa mukha ni Congressman Rafael. Kitang-kita nito na nagdadalawang isip ito na sabihin ang gusto niyang sabihin nito. Nakita niyang napabuntong malalim ang ama ng fiancé niya.
"Penelope, a-anak a-aaminin ko na s-set up iyon. A-ako ang nagplano ng i-iyon. Sana ay patawarin mo ako Penelope." naluluhang sabi ni Rafael, tama nga ang sinabi ng kanyang asawa na si Patricia. Magsasamantala si Braylon. Para bang hindi niya matanggap na inako niya ang isang kasalanan na hindi naman niya ginawa.
"Nasaktan ako sa ginawa mo daddy. Hindi ko akalain na aabot sa ganun ang kagustuhan mong hindi matuloy ang pagpapakasal ko kay Braylon. The damage has been done. Kailangan lang natin magmove on sa isang pagkakamaling nagawa sa buhay natin." sabi ni Penelope, sobra siyang nasaktan sa s*x video na iyon. Sobra siyang natutuwa ngayon na inamin din ng kanyang daddy ang kasalanan nito. Kailangan niyang magmove on sa masamang pangyayari na iyon. Alam niyang hindi talaga magagawa ng kanyang fiancé na makipagtalik sa ibang babae. Sa dalawang taon nilang pagmamahalan ay ni minsan ay hindi siya nakaramdam o nagduda na may ibang babae si Braylon. Nagpapasalamat talaga siya na masyadong loyal ang kanyang magiging asawa niya.
"Salamat Congressman Rafael, sa pag-amin mo sa kasalanan mo. Nagpapasalamat din ako na nalinis ang pangalan ko sa fiancé ko na anak ninyo na si Penelope." hinawakan ni Braylon, ang kamay ng kanyang fiancé. Ngumiting tumingin siya kay Penelope. Sigurado na siya pakitang tao lang ang ginagawa ni Congressman Rafael, ngayon. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung bakit ginagawa ng ama ni Penelope, ang lahat ng ito?
"W-walang a-anuman Braylon." pilit na ngiti ang naipakita ni Rafael, sa fiancé ng kanyang anak. Naiinis siya ngayon kay Braylon, dahil sinasamantala nito ang kabaitan niya ngayon. Kung puwede lang niya gawin na bigyan niya ng isang malakas na suntok si Braylon, ay gagawin niya. Kailangan lang talaga niya makisama ngayon kay Braylon. Nakita niyang ngumiting tumango ang fiancé ng kanyang anak sa kanya.
"Punta na tayo sa tunay na pakay ko. Kagabi ay napag-usapan namin ng anak kong si Penelope, ang tungkol sa pagpapakasal ninyo dalawa. Wala ako magagawa kundi tanggapin na mawawalay ang nag-iisang anak namin. Kailangan ko rin tanggapin na sobra kang mahal ka ng anak ko." sabi ni Rafael, nagkausap nga sila ni Penelope, kagabi napag-usapan nilang dalawa sa pagpapakasal nito kay Braylon. Inamin niya na tutol siya sa pagpapakasal nito sa hampaslupang si Braylon. Pero kunwari siyang kailangan niya matanggap na ikakasal si Penelope, sa fiancé nito.
"Ganun din ako sa kanya Congressman Rafael. Mahal na mahal ko ang anak ninyo. Hindi naman ako magyayaya ng kasal kung hindi ko siya mahal." ngiting sabi ni Braylon, sasakyan lang niya ang trip ng ama ni Penelope.
"Gusto ko lang ay mahalin mo talaga ng tapat ang anak ko. Nag-iisa anak namin si Penelope, kaya hindi mo maalis sa amin na maging protective sa kanya. Gusto namin mag-asawa na nasa mabuting kamay si Penelope." seryosong sabi ni Rafael, totoo ang sinabi niya. Ayaw niyang mapunta ang kanyang anak sa isang lalaking tulad ni Braylon. Alam niyang walang magiging magandang kinabukasan ang si Penelope, kapag napunta siya sa isang hampaslupang katulad ni Braylon.
"Simula palang Congressman Rafael, sinabi ko naman sa inyo na hindi ko maipapangako na hindi ko masasakat ang damdamin ni Penelope. Ngunit masisigurado ko naman sa'yo na mamahalin at ituturing kong princessa ang anak ninyong si Penelope." paniniguradong sabi ni Braylon.