Break 3

1218 Words
Break Na Ba Tayo?  Chapter 3 "Babe, natutuwa ako na ok na tayo sa mga magulang mo." masayang sabi ni Braylon, hawak-hawak niya ang malambot na kamay ng kanyang fiancé. Kakatapos lang siyang kausapin ni Congressman Rafael Sanchez. Hindi niya maiwasan na magduda sa pagbibigay ng basbas sa pagpapakasal nilang dalawa ni Penelope. Ramdam niyang may masamang binabalak ito at kailangan lang niyang paghandaan iyon. Nakitang niyang huminga ng malalim si Penelope, at ngumiting tumingin sa kanya.  "Masaya talaga ako na maayos na ang relasyon natin sa mga magulang ko. Meron na tayo basbas sa kanilang dalawa. Nakakatawang isipin na akala ko ay mag-isa akong maglalakad suot ang wedding dress ko. Buti na lang talaga na nag-kaayos tayo nila mommy at daddy." ngiting sabi ni Penelope, nandito sila ngayon sa may garden area ng bahay niya. Kakatapos lang nilang maglunch kasama ang kanyang daddy at mommy. Hindi siya makapaniwala na supportado na ng kanyang mga magulang ang pagpapakasal niya kay Braylon.  "Babe, kamusta na pala ang pagbubukas ng book store ninyo?" biglang tanong ni Braylon, ngayon lang siya nakarating dito sa may garden area ng bahay ni Penelope. Sobrang presko ng hangin dahil na rin maraming mga halaman at mga bulaklak na nakatanim sa buong paligid. Medyo komportable na siya na nandito siya pagkatapos siyang kausapin ng mga magulang ni Penelope. Nakasabay pa nga niya ang mga ito na kumain ng tanghalian. Naalala niya na malapit na magbukas ang book store na business nila Avery, at ng fiancée niyang si Penelope.  "Next week na magbubukas ang book store namin ni Avery. Gusto ko babe ay nandoon ka at sila Mama Minerva, at Papa Franco. Para kumpleto tayo. Kakausapin ko rin sila mommy at daddy para makapunta sila sa grand opening ng Hiwaga Book Store sa Chavez Mall." hindi na makapaghintay si Penelope, sa nalalapit na pagbubukas ng Hiwaga Book Store. Excited na rin siya kasal nila ni Braylon. "Nakausap mo na ba 'yung tatlong magkakapatid na Chavez? Diba nasabi mo sa akin na gusto mo na kasama silang tatlo sa ribbon cutting?" tanong ni Braylon.  "'Yung mga secretary lang nila ang nakausap namin ni Avery. Masyado kasi busy ang mga iyon. Tsaka sure naman na makakapunta ang tatlo sa ribbon cutting next week." ngiting sabi ni Penelope, isinandal niya ang ulo niya sa balikat ng kanyang fiancé.  "Babe, saan pala tayo bibili ng isusuot mong wedding dress?" usisa ni Braylon, bukas ay makukuha na niya ang kanyang sweldo at komisyon sa mga nabenta niyang sasakyan ngayong buwan na ito. Pinagdarasal niya na maging sapat sana ang pera makukuha niya bukas sa mga gastusin nila sa preparation sa kasal nilang dalawa ni Penelope. Nahihiya talaga siya na hati sila sa gastusin sa kasal. Siya itong lalaki ay dapat sa kanya ang lahat ng gastos pero aminado siya na hindi niya kaya ang lahat ng gastos sa kasal. Kagabi ay nakausap niya ang kanyang magulang tungkol sa nalalapit na kasal nila ni Penelope. Binigyan siya ng pera ng magulang niya para raw sa gastusin sa kasal nila ni Penelope.  "Tungkol pala roon babe. Si mommy kasi kinausap ako kagabi gusto niya na siya ang bahala sa magiging wedding dress ko. Hindi na muna ako pumayag. Sinabi ko kay mommy na kakausapin na muna kita tungkol sa bagay na iyon. Babe, ok lang ba sa'yo iyon na si mommy na ang bahala sa wedding dress ko?" pag-aalalang tanong ni Penelope, sa kanyang fiancé. Iniiwasan niya na masaktan o maapakan ang pride ng kanyang fiancé.  "Hmm… Sige ok lang naman sa akin iyon babe. Wala naman problema sa akin iyon. Tsaka alam kong bumabawi ang mommy mo sa iyo." ayaw na kumontra ni Braylon, sa kagustuhan ng ina ni Penelope. Baka pag-awayan pa nilang dalawa ang maliit na bagay na iyon. Bigla niyang naalala na may schedule pala siya ngayon para magpasukat  ng isusuot niya barong sa kasal niya kasama niya sila Sandro, at Treyton, sa pagpunta nila sa isang shop na gumagawa ng mga barong.  "Babe, meron pala ako ngayon schedule kasama sila Sandro, at Treyton. Magpapasukat ako ng isusuot kong barong para sa kasal natin." sabi ni Braylon, at narinig niya biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya kinuha iyon sa may bulsa niya at nakita niya na si Sandro, ang tumatawag sa kanya.  "Hello?!" sabi ni Braylon, nakatingin sa kanya si Penelope, na para bang nagtatanong kung sino ang tumawag sa kanya.  "Braylon, nasaan ka ngayon? Kala ko ba magkikita tayo sa Rald's Box Café? Oras na wala ka pa rin?" _Sandro Napangiwi si Braylon, sa kanyang narinig. Nakalimutan niya na pinag-usapan nilang tatlo nila Treyton, at Sandro, kagabi na sa Rald's Box Café sila magkikita ngayon.  "Pasensya na Sandro, nandito ako ngayon sa bahay nila Penelope. Hintayin mo na lang ako dyan papunta na ako dyan." nagmamadaling sabi ni Braylon.  "Wag na susunduin na lang kita dyan para hindi na ako maghintay ng matagal dito sa café." hindi na hinintay ni Sandro, na sumagot si Braylon, binaba na niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang siya dahil ayaw na ayaw niyang pinaghihintay siya. Pero ayaw naman niyang pagalitin ang unang client nila.  "Babe, anong sabi niya sa'yo?" tanong ni Treyton, lihim siyang natatawa sa nakikitang niyang pagkainis sa mukha ni Sandro. Alam na alam niyang ayaw na ayaw nitong naghihintay. Nakita niyang bigla tumayo ito sa pagkaka-upo. "Oh? Saan ka pupunta?" takang tanong ni Treyton.  "Sunduin natin si Braylon, sa bahay nila Penelope, nandoon siya." inis na sabi ni Sandro, nakita niya napatango lang si Treyton, sa kanyang sinabi. Sabay na silang lumabas ng café. Ngayon araw na ito ang kotseng gamit nila ay ang kotse niya. Siya na rin ang nagdrive papunta sa Plamares Subdivision kung saan doon nakatira si Penelope.  "Trey, diba may praktis game kayo ngayon para sa nalalapit na final game ninyo?" tanong ni Sandro, tumingin siya saglit kay Treyton, na nakatitig na nakangiting nakatingin sa kanya.  "Meron nga pero mamaya pa naman iyon." sagot ni Treyton.  "Mamaya pero mamaya ay mahuhuli ka na naman sa praktis ninyo at mapapagalitan ka na naman ng coach ninyo." seryosong sabi ni Sandro, sinabi na niya kay Treyton, na kaya na niya ang trabaho ngayon. Pero nagpumilit itong sumama sa kanya ngayon.  "Pagtatalunan pa ba natin ito? Ayaw ko lang iwan ka mag-isa kasama ang baliw na Braylon, na iyon." seryosong sabi ni Treyton, ayaw niyang iwan si Sandro, na mag-isa kasama ang baliw na lalaki na iyon baka kung ano pang gawin nito kay Sandro. Naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon sa pinag-usapan nila kagabi ni Braylon. Hindi pa rin niya makuha-kuha kung ano ba ang pinupunto nito sa kanya.  "Kaya ko naman ang sarili ko babe." simpleng sagot ni Sandro, ayaw niyang makipagtalo kay Treyton. Kagabi ay lihim siyang nakinig sa usapan nila Braylon, at Treyton. Nagulat siya sa mga sinabi ni Braylon. Hindi niya alam kung sino ba si Brenon Arpia? Noong binanggit ni Braylon, ang pangalan na Brenon Arpia, ay bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya kagabi. Ngunit hindi tulad noong nakaraang araw ang pagbilis ng t***k ng puso niya kagabi ay kakaiba. Para bang kilalang-kilala niya ang pangalan na Brenon Arpia? "'Yan na naman ang pa babe-babe mo sa akin Sandro. Gusto ko lang makasigurado na hindi ka na ulit gagalawin ni Braylon. Mahirap na." seryosong sabi ni Treyton. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD