Break Na Ba Tayo? Break 14 "Penelope, ano pala ang theme ng kasal ninyo? Tsaka saan gaganapin?" tanong ni Eg, nakaupo siya sa sofa katabi niya si Penelope. Gusto niya na muna itanong kung saan ang kasal at ano ang theme nito. "Rustic at sa Beach wedding sana ang gusto namin ni Braylon, ang fiancé ko. Gusto ko ay simpleng wedding gown lang." ngiting sabi ni Penelope. "Oh… Mas bagay sa'yo kung simple, sexy and elegant ang wedding gown mo." ngiting sabi ni Eg, sinimulan na niyang mag sketch ng wedding gown ni Penelope. Pagkatapos niyang masketch ay ipinakita at ipinaliwag niya kay Penelope, ang wedding gown nito. "Backless ang likod nito para makita ang sexy ng likod mo What do you think Penelope?" sabi ni Eg. "Hmm… Gusto ko itong sketch mo. Sobrang ganda nga. Balot na balot ang har

