Break Na Ba Tayo?
Chapter 6
"Braylon, kumain ka na muna bago ka maligo. Kamusta pala ang lakad ninyo ng wedding planner ninyo?" tanong ni Minerva, sa kanyang anak.
"Maayos naman mama. Nakapagsukat na ako ng barong naisusuot ko sa araw ng kasal ko. Si Congressman Rafael, ang sumagot sa isusuot ko mama." sabi ni Braylon, hindi niya talaga akalain na gagawin iyon ni Congresman Rafael. Hindi niya alam kung mabuti o masama na ang intensyon ng ama ng kanyang mapapangasawa.
"Ano?! Mukhang ang demonyo ay nagiging anghel na? Pero wag na wag kang magtitiwala sa kanya Braylon." gulat na sabi ni Minerva, masyado siyang nagulat sa sinabi ng kanyang anak. Parang nangangampanya lang ito?
"Alam ko naman po iyon mama. Kinausap nga kaminh dalawa ni Penelope, ni Congressman Rafael. Humingi ito ng sorry at inako nito ang s*x video. Siya ang may kakagawan sa video na iyon mama." isang pilit na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Braylon. Nagulat din siya sa ginawang pag-ako sa kasalanan niya. Alam naman nilang dalawa ni Congressman Rafael, kung ano ang totoo.
"Mabuti naman kung ganun ang ginawa ni Congressman Rafael. Alam ko naman na hindi mo kayang gawin iyon anak. Kilala kita Braylon, hindi mo kayang saktan ang isang taong mahal mo." ngiting sabi ni Minerva, hinawakan pa niya ang mukha ng kanyang anak. Sobrang bilis na ng panahon. Ikakasal na ang natitirang anak niya.
"Ang bilis ng panahon anak. Ikakasal ka na. Sinabi ko naman na kung nandito lang ang kapatid mo ay siguradong matutuwa iyon." napaluha na lang si Minerva, sa kanyang sinabi. Mahal na mahal niya ang dalawang anak niya na si Brantley at Braylon.
"Mama kung nandito lang si Brantley, sigurado akong ayaw na ayaw ka niya malulungkot." ngiting sabi ni Braylon, pinunasan niya ang luha ng kanyang ina. Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak o nalulungkot ang ina niya. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa kanyang ina.
"Ehem! Anonh kadramahan ito? Bakit hindi niyo ko isali dyan?" birong sabi ni Franco, kanina pa siya nasa pintuan ng bahay nila. Pinakinggan niya ang usapan ng kanyang asawa at anak niya. Nalungkot siya sa sinabi ng kanyang asawa na si Minerva, tungkol kay Brantley. Miss na miss na niya ang kanyang isang anak. Isang hiningang malalim ang ginawa niya bago siya tuluyan na pumasok.
"Naku papa si mama masyadong nagdradrama. Mabuti pa ay kumain na lang tayo." ngiting sabi ni Braylon, napatingin siya sa larawan nila ni Brantley, na nakasabit sa pader. Miss na niya ang kanyang kapatid. Sa susunod na linggo ay death anniversary na nito. Sobrang bilis na ng panahon. Parang kailan lang na masaya siyang nakikipagkuwentuhan kay Brantley.
"Braylon, may napili na ba kayo simbahan para sa kasal ninyo ni Penelope?" tanong ni Franco, nagsisimula na silang kumain. Chopsuey at piritong galunggong ang ulam nila. Paborito ito ng kanyang mga anak na sila Brantley at Braylon.
"Beach wedding ang gusto ni Penelope, papa. Kaya hahanap kami ng magandang beach. 'Yung sanang mura lang para pasok sa budget. Hahaha!" natatawang sabi ni Braylon. Meron siyang alam na beach na siguradong magugustuhan ng kanyang fiancé. Isang beach na mahalaga sa kanya at sa kanyang kakambal na si Brantley.
"'Yunh beach na pinupuntahan ninyo dati ni Brantley. Maganda iyon tsaka kilala ka naman ng may-ari roon 'di ba?" sabi ni Minerva. Minsan na siya pumunta roon kasama ang kanyang asawa na si Franco.
"'Yun agad ang pumasok sa isip ko mama. Kaso itatanong ko muna kay Penelope, kung gusto niya roon?" tanong ni Braylon, hindi nga lang niya alam kung kailan sila maghahanap ng beach. Hindi pa kasi nila napag-uusapan 'yun. Natapos na silang kumain at lumabas na muna siya ng bahay para magpahangin. Napatingin siya sa kalangitan. Nakikita na naman niya ang Forest Lake Of Zeus. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Jusko napakaguwapo naman pala ni Sandro Fedellga. And there's more Treyton Fontanilla, is in the house! And last but not in the list? Tama ba sinabi ko? Anyway Braylon Hernandez, ang groom! Raining men! Amen!" masayang sabi ni Ajay Tala, ang may-ari ng TerriBerri Shop. Hindi naman niya akalain na ganito kaguguwapo ang pupuntang mga lalaki sa kanyang shop. Nakakausap lang sila sa cellphone ni Sandro, ngunit hindi pa sila nagkikita ng personal. Ngayon lang niya nakita sa personal si Sandro.
"Salamat Ajay, si Braylon Hernandez, naikuwento ko na sa'yo 'di ba? Siya ang groom. Ikaw na bahala sa kanya. Beach wedding ang kasal nila ni Penelope Sanchez, ang nag-iisang anak ni Congresman Rafael." ngiting sabi ni Sandro, natutuwa siya kay Ajay. Kahit na sa cellphone lang sila nag-uusap ay ramdam niyang mabait na tayo ito. Ang pinsan niyang si Zyiar, ang nagsabi na maganda sa TerriBerri Shop magpagawa ng barong. Dahil iyon ang pangunahing ginagawa ng mga ito. Tsaka kilala sa buong bayan ng Prado ang TerriBerri Shop.
"Ok ako na bahala kay Braylon. Jusko nakakapanglaway naman itong groom." birong sabi ni Ajay. Inaya niya ito sa isang dressing room kung saan nandoon lahat ang mga iba't-ibang design ng barong. Inihanda niya talaga ang mga ito para kay Braylon.
"Braylon, ano ba ang gusto mong isuot na barong? May specific ka bang design? Traditional o modern ba?" ngiting tanong ni Ajay. Ipinakita niya isa-isa ang mga barong na nakahelera sa harapan nila. Walang VIP o regular client sa kanya. Lahat ng mga client niya ay importante. Ginagawa niya ang lahat para ma satisfy ang mga clients niya.
"Simple at traditional ang gusto kong barong na isusuot ko sa araw ng kasal ko." ngiting sabi ni Braylon, may mga ipinakitang traditional at simpleng mga barong si Ajay. At lahat nga mga iyon ay nagustuhan niya. Nahihirapan siyang pumili kung ano ang pipiliin niya? Nag excuse na muna siya kay Ajay, para puntahan niya si Sandro, sa may lounge area. Pagkadating niya ay nakita niya si Sandro, na may kausap ito sa cellphone nito. Napansin niyang wala si Treyton. Hinintay na muna niya matapos si Sandro, sa kausap nito. Bago siya lumapit at kausapin ang guwapong lalaki.
"Braylon?! Tapos ka na ba pumili ng barong mo? Nasabi mo na ba kau Ajay, kung ano ang gusto mong klaseng barong?" tanong ni Sandro, medyo nagulat siya dahil masyado naman yata mabilis na pumili ng isusuot na barong si Braylon. Parang wala pa yata sampong minuto tapos na agad si Braylon?
"Hindi pa ako nakakapili. Pero marami akong nagustuhan. T-teka asan si Treyton?" usisa ni Braylon, napatingin siya sa labas at nakita niyang wala na ang kotse ni Treyton, sa harap ng TerriBerri Shop.
"Tinawagan siya ng coach nito. Kailangan na nito pumunta sa practice game. Ayun umalis na siya." sabi ni Sandro, ayaw pa nga umalis ni Treyton, kaso pinilit na lang niya ito. Dahil baka masuspendido o hindi ito makakapaglaro sa final game.
"Paano ka yan? Wala ka 'yang service pauwi." pag-aalalang sabi ni Braylon, siya naman ay wala problema na magcommute lang siya. Ang iniisip niya ay si Sandro. Baka kasi hindi ito sumasakay ng jeepney?
"Anong ako? Pareho tayong walang service. Paano tayo 'yan?!" pabirong tanong ni Sandro.
"Sanay naman ako magcommute. Ikaw nagcocommute ka ba?" ngising tanong ni Braylon, masaya siya ngayon dahil wala si Treyton. Masosolo niya si Sandro, ngayon.
"Oo naman. Anong akala mo sa akin. Ano pala kailangan mo ba mo ko pinuntahan?" ngiting sabi ni Sandro. Napapaisip siya na parang magtropa sila nila Penelope at Braylon. Siguro ay dahil magkasing edad lang sila.
"Tulungan mo naman ako pumili ng barong." pakiusap na sabi ni Braylon, nakita niya napakunot noo si Sandro.
"Huh? Bakit ako? Dapat pala sinama natin si Penelope, para matulungan ka niyang pumili." sabi ni Sandro.
"Wala siya kaya ikaw na muna Sandro. Para makauwi na rin agad tayo." pakiusap ni Braylon, hinawakan niya ang kamay ng guwapong lalaki ikinagulat nito. Pinuntahan na nila si Ajay, na naghihintay sa kanila.
"Braylon, ano nakapagdesisyun ka na ba?" ngiting tanong ni Ajay, nakita niyang magkahawak kamay sila Braylon at Sandro. Ngunit hindi niya ito binigyan pansin. Pero ramdam niya na parang may something sa dalawa. Bakla siya kaya malakas ang pakiramdam niya. Pagpasok pa lang ng tatlo kanina sa shop niya ay agad niyang naramdaman ang tensyon.
"Tutulungan ako ng wedding planner namin na si Sandro. Sige na Sandro, tignan mo itong mga nagustuhan ko. Ano sa tingin mo ang bagay sa akin?" masayang sabi ni Braylon, bigla niyang naalala si Brenon. Minsan kasi ay bumibili siya ng damit sa Chavez Mall at lagi niya itong kasama. Tinatanong niya ito kung ano ang maganda para sa kanya?
"Siguro ay kailangan mo isuot isa't-isa ang mga barong." sabi ni Sandro, napansin niya na hindi pa pala binibitawan ni Braylon, ang kamay niya. Kaya pasimple niyang inalis ang kamay niya dahil napatingin siya kay Ajay, na nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa.
"Tama si Sandro, Braylon, para makita mo rin kung bagay ba sa'yo ang mga napili mo. Paalala lang kailangan ay nakahubad ka para maisuot mo ang barong at para makita mo ng maayos ang barong na isinuot mo." ngiting sabi ni Ajay, nakita niyang walang pagdadalawang isip si Braylon, na hinubad ang suot niyang Red Polo Tshirt. At tumambad sa kanila ang makisig na pangangatawan ni Braylon. Wala sa sarili niyang napalunok siya sa kanyang nakikita ngayon. Sanay naman siya sa mga client niya na nagsusukat ng mga barong. May mga payat, tama lang ang katawan at may mga sobrang maskulado. Madalas ay magaganda ang katawan tulad na lang kay Braylon. Kahapon lang ay pumunta dito sila Marcus Orissis Patton at ang nobyo nitong si Hakeem Fargas. Sobrang nakakapanghina ng tuhod ang perpektong katawan ni Marcus. Nakakawet nga sabi niya dito na tinawanan lang siya. Samantalang ang kasama nitong si Hakeem, ay napakakinis para sa isang lalaki. Pero sobrang guwapo ni Hakeem, sa sobrang guwapo ay puwede na itong maging babae.
"Sandro, ano bagay ba sa akin itong suot ko?" ngising tanong ni Braylon, nakasuot sa kanya ang isang plain at traditional barong. Wala siyang panloob kaya sigurado siyang kitang-kita ni Sandro, ang ganda ng katawan niya. Sinadya talaga niyang maghubad sa harapan ng guwapong lalaki para ipakita ang ganda ng katawan niya. Kahit na bihira na lang siya mag work out ay maganda pa rin ang katawan niya.
"Ah? O-oo maganda sa'yo." mainit ang mukha ni Sandro, ngayon dahil sa biglang paghuhubad ni Braylon, sa harapan niya. Hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit uminit ang mukha niya. Pati yata ang katawan ay uminit. Lalo na ngayon na sobrang nakakainit ng katawan ang nakikita niya ngayon. Nakasuot na barong si Braylon, na wala man panloob.
"Ganun ba? Para kasi masyadong plain ito." sabi ni Braylon, hinubad na niya ang barong na suot niya at inabot ni Ajay, ang isa pang barong. Ngayon lang niya napansin na may mga malilit na bituin ang barong na suot niya ngayon. Napahaplos siya sa kanyang suot na barong habang nakatingin siya sa kanyang repleksyon sa malaking salamin.
"Braylon, yang suot mo na yan ay pinagawa sa akin ng isang client ko. May kuwento ang barong na iyan. Ipinagawa ng client ko yan dahil sa taong mahal niya. Guess what?! Parehong lalaki sila. I mean gay couple silang dalawa. Ngunit hindi na nila nakuha ng client ko dahil namatay siya sa isang car accident. Hindi alam ng kasintaham niyang lalaki na meron itong pinagawang barong sa akin. Pati ako ay hindi ko kilala ang kasitahan nito. Kaya na stock na lang yan dito." mahabang salaysay ni Ajay, lahat naman ng mga barong na pinapagawa sa kanya ay may mga kuwento. Isa na roon ang suot ni Braylon.
"N-namatay?" sabi ni Sandro, napatingin siya sa barong na suot ni Braylon, ngayon. Wala sa kanyang sarili na nilapitan niya si Braylon, at napahaplos siya sa mga bituin na nakaburda sa barong na suot nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
"S-sandro… " nakakunot noo nakatingin si Braylon, kay Sandro. Sobrang malapit na sila sa isa't-isa. Bigla uminit ang katawan niya sa paghaplos ng guwapong lalaki sa barong na suot niya. Ramdam na ramdam niya ang init ng kamay nito na tumatagos sa suot niyang barong. Napatingin si Sandro, sa kanya at nagulat na lang siya dahil lumuluha itong nakatingin sa kanya.
"S-sandro, ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Braylon, napahawak na lang siya sa guwapong mukha ni Sandro.
"B-braylon… " bigla na lang natauhan si Sandro, sa paghawak ni Braylon, sa mukha niya. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa guwapong mukha nito.
Pinunasan ni Braylon, sa kanyang kamay ang luha ni Sandro. Naguguluhan siya kung bakit ito lumuluha ngayon?
"P-pasensya na!" sabi ni Sando, nag-excuse na muna siya at lumabas siya sa kuwarto. Sobra siyang nagtataka kung bakit siya lumuha habang hinahaplos niya ang barong na nakasuot kay Braylon. Bumilis din ang t***k ng puso niya pero ngayon ay naging normal na ang t***k ng puso niya. Tuluyan siyang lumabas ng shop at lumanghap siya ng sariwang hangin. Buti na lang ay mapuno sa paligid ng TerriBerri Shop. Kahit na tirik na tirik ang sikat ng araw ay hindi masyado mainit. Napaiglad na lang siya ng maramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat. Napalingon siya sa kanyang likuran. Nakita niyang nakangiting nakatayo si Treyton.
"Sandro… Anong nangyari bat umiiyak ka?!" gulat na tanong ni Treyton. Kararating lang niya galing sa basketball practice. Akala niya ay mapapagalitan siya ng kanilang coach. 'Yun pala ay hindi matutuloy ang praktis game nila dahil nagkaproblema ang coach nila. Kaya pinacancel na muna nito ang practice game nila. Naiinis siya dahil pinapunta pa talaga siya sa gym para lang sabihin ng coach niya na cancel ang praktis game. Kaya agad siyang bumalik sa TerriBerri Shop dahil baka may gawin na naman kalokohan si Braylon, kay Sandro. Nilapitan niya agad si Sandro, at mahigpit niya itong niyakap.
"Anong nangyari Sandro? Si Braylon, ba?" galit na tanong ni Treyton, susugurin na sana niya si Braylon, sa loob ng shop. Ngunit mahigpit siyang niyakap ni Sandro.
"Trey, h-hi-hindi si Braylon. Kumalma ka please." sabi ni Sandro, kumalas siya sa pagkakayakap niya kay Treyton. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Bakit ka umiiyak?" pag-aalalang tanong ni Treyton, nakahawak siya sa guwapong mukha ni Sandro. Pinunasan niya ang luha nito gamit ang kamay niya.
"H-hindi ko alam. Bigla na lang ako napaluha. Nakaramdam ng matinding kalungkutan habang h-hi-hinaplos ko ang suot na barong ni Braylon, kanina." sabi ni Sandro, muli na naman siyang napapaluha at nakakaramdam ng kalungkutan. Para siyang mababaliw? Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.
Niyakap na lang ni Treyton, si Sandro. Naguguluhan siya sa nangyayari sa mahal niya. Bigla niyang naisip ang puso nito. Sigurado siyang konektado ang puso nito sa nararamdaman ni Sandro, ngayon. Napapahaplos na lang siya sa likod ni Sandro, habang wala itong tigil sa pag-iyak.
Sa kabilang banda ay isang mapait na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Braylon. Habang nakatingin siya kina Treyton at Sandro, na magkayakap sa labas ng TerriBerri Shop.
"Ngayon lang nangyari na may umiyak sa paghaplos sa barong na sinuot mo. Dati ay nakakaramdam lang ng kalungkutan ang sumusuot o humahawak sa barong na iyon." seryosong sabi ni Ajay, hinahayaan lang niyang nakalabas ang barong na iyon para makita nito ang may-ari nito. May isa siyang client na na sinabing ang barong na sinuot kanina ni Braylon, ay hinahanap nito ang may-ari. Sabi pa ng client niyang babae na wag na wag niyang itatago ang barong na iyon baka malugi ang negosyo nito. Hayaan lang daw nito na may magsukat sa barong na iyon. Swerte rin ito sa mga magsusukat at higit sa lahat ay swerte ito sa negosyo niya. Kaya simula noong maiwan ang barong na iyon sa kanyang shop ay umasenso talaga ang negosyo niya.
"Kung namatay na ang nagpagawa ng barong na iyon bakit mo pa pinasukat sa akin?" seryosong sabi ni Braylon, tumingin siya kay Ajay, na nakangiti sa kanya.
"Iyon ang sabi sa akin ng isang client ko. Hayaan ko lang daw na may magsukat at ikuwento ko ang kwento sa likod ng barong na iyon. Dahil hinahanap nito ang may-ari sa kanya. Alam mo bang lahat ng nagsusukat ng barong na iyon ay nagiging masaya ang love life. Tulad ko sinukat ko ang barong na iyon. Makalipas ng isang taon na sinukat iyon ay nakita ko na ang napangasawa ko. Maraming bumabalik sa akin mga client ko na nagpapatotoo sa kwento na iyon." ngiting sabi ni Ajay, nagpaalam na muna ito na papasok sa kuwarto kung saan nandoon ang barong na sinasabi niya.
Napaisip si Braylon, sa sinabi ni Ajay, sa kanya. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito dahil masaya naman siya kay Penelope. Ngunit ng dumating na si Sandro, ay bigla na lang gumulo ang takbo ng t***k ng puso niya. Lalapitan sana niya si Sandro, kanina kaso bigla niyang nakita si Treyton. Kaya hindi na siya tumuloy sa paglapit kay Sandro. Nasasaktan siya ngayon sa kanyang nakikita.
Samantala sa labas ng TerriBerri ay nahimasmasan na si Sandro, sa pag-iyak. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung anong nangyari sa kanya? Bigla niyang naisip si Braylon, naiwan niya ito sa loob ng TerriBerri. Masyado siyang naging unprofessional sa kanyang client.
"Tara na Trey, sa loon baka naghihintay na si Braylon. Nakakahiya sa kanya. Para na rin makauwi na tayo." isang pilit na ngiti ang lumitaw kay Sandro, nakita niyang tumango si Treyton. Sabay na silang pumasok sa loob ng TerriBerri. Nakita nila si Braylon, na nakangiting nakatingin sa kanila.
"Braylon, pasensya na kung bigla na lang kita iniwan. Tara balik na tayo sa loob para makapagsukat ka ulit." nahihiya si Sandro, kay Braylon, ngayon. Kaya kailangan niyang bumawi sa makisig na lalaking nasa harapan niya.
"Kinausap ko na si Ajay, na ang pangalawang barong ang napili konh isuot sa mismong kasal ko." napagdesisyunan na ni Braylon, na iyong mismong barong na iyon ang isusuot niya sa kasal niya. Sa totoo lang ay nakaramdam siya ng kakaiba nung nakasuot ang barong sa kanyang katawan.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Kakatapos lang maligo ni Braylon, ng makatanggap siya ng text message mula kay Sandro.
"Sorry kanina Braylon." _Sandro
Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Braylon.