Blair "Ang sinasabi mo ba sa akin ngayon, wala kang nakuhang impormasyon?"tanong ko sa informant ko. "I'm sorry Sir, pero talagang wala akong mahanap..Kahit anong gawin ko, may humaharang talaga sa akin."sagot niya sa kabilang linya. "Ok."binaba ko na ang tawag. Tinignan ko si Kennedy na mahimbing na natutulog.Sino ka ba talaga?Saan ka ba talaga nanggaling? "Aalis ka?"tanong sa akin ni Kennedy. "Saglit lang ako."sagot ko naman. "Wife, bumalik ka na lang kaya sa kwarto. Magpahinga ka muna.”dagdag ko na. Naglilinis na naman siya salas. "Bakit naman ako magpapahinga?"takang tanong niya. "Kennedy, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo."ngumiti siya at tinitigan ako. "Bakit?"tanong ko "Wala lang, gusto ko lang magpasalamat na nandito ka sa tabi ko. Don't worry, kaya ko na. Malal

