Kennedy Mabilis na lumipas ang mga araw. Kapag pala wala akong pinoproblema, masaya lang ako, at may nagpapasaya sa akin, mabilis pa lang lumilipas ang mga araw. Hindi ko namalayang isang buwan na ang nakakalipas mula nang naging maganda ang pagsasama namin ni Blair. We're truly having a great time as a married couple. Sumusulyap ako kay Blair habang kumakain kami ng hapunan, naghihintay ng tamang pagkakataon. "Do you have anything to say to me?"tanong niya, tinatantya ko muna ang mood niya bago ko sana sabihin. "Magpapaalam sana ako."wika ko narin, binitawan niya ang kubyertos na hawak niya at tinignan ako. "I mean, magpapaalam ako dahil may importante akong lakad."agad na dagdag ko. "Importanteng lakad?"tanong niya. "Magkikita kami ni..."hindi ko tinuloy ang sasabihin ko, hindi ko

